Chapter Nine

409 7 0
                                    

Sa loob ng ilang mga araw ay masusi niyang pinag-isipan ang offer ni Railey. Hindi niya alam kung tama bang imbestigahan ang feelings para sa kanya ni Nathan. Natatakot siya, paano kung tama pala ang iniisip niya at hindi siya talaga mahal ng kaibigan niya? Ano nang mangyayari sa kanya? Pero paano kung hindi naman talaga ganoon ang sitwasyon? Paano kung pwede pa pala talagang mangyari ang nais niya?

"Try it!" saad sa kanya ni Aya ng tanungin niya ang mga ito tungkol sa panukala ni Railey

"I don't know ha, kasi alam niyo naman na na-trauma na ko sa ganyan noong nagpanggap kami ni Alfie at ikinagalit ni Francis pero magkaiba naman sitwasyon natin. Ako nung mga panahon na iyon, hindi ko maamin na mahal ko si Francis until nalang dumating yung time na ayun nga, bigla nalang lumabas. Pero ngayong inamin mo sa'ming mahal mo si Nathan at gusto mo lang malaman ang katotohanan, wala namang masamang hanapin mo ang happiness mo" pang-uunawa naman ni Katie

"This is one of the best day na dumating sa buhay natin. I'm glad bago pa man sa iba nagawa mong aminin sa'min ang totoo. At least hindi ba, hindi ka natulad sa amin na ilang iling ang ginawa bago napaamin. You deserve to know the truth. Since na alam mo na ang dapat mong gawin, hindi na naman namin kailangang makielam and by the way I totally agree with Aya, mabuting itry mo na rin. Mabuti ang intensyon ni Railey sa'yo, wala namang masama sa sinasabi niya" si Abby

"Pero paano kung tama iyong iniisip ko? Na wala naman talaga?" nag-aalalang tanong niya

"Kung ano man kalabasan nandito naman kami para sa'yo. Will it be heartache or heartstring hindi ka namin pababayaan. Mahalaga ginawa mo pa rin ang kaya mong gawin. Wala kang pagsisishan. Sa estado kasi ng relasyon niyo ngayon, kapag hindi mo ginawa ito masasaktan ka lang. It is hard to keep the feelings just because ayaw mo masira ang pagkakaibigan niyo. Trust me, when I fell in love with Rei. It was hard coping up knowing na parang kailan lang kinaiinisan ko siya and back then when it seems like he became so important to me, natakot akong aminin. I want to protect the friendship na bago palang but you saw how it ruined me. Sa huli pinili ko na rin umamin. Though Rei didn't respond to love me back then, I was able to leave it all behind. Well not everything but at least, I never regret letting him know how I feel and I found out kung anong nararamdaman niya sa akin. Kahit nawala ang pagkakaibigan, you know how it became my strength to do things all the more in life. So huwag kang matakot na malaman ang naramramdaman niya. If tama man ang pakiramdam mo na wala talaga siyang nararamdaman sa'yo then at least, you have the answer to move forward. Mas madali iyan kaysa itago mo ang lahat sa maskara ng pagkakaibigan" wika naman ni Aya na ikinalabas ng ngiti niya

These girls. Alam niya more than her ay madami ng mga alam ito pero because of that fact as well, these girls was able to guide her when she don't know what to do. Sa pagngiti niyang iyon ay yumakap na sa kanya si Aya na sinundan na rin ni Abby at Katie.

"Salamat sa inyo ha" mahinang wika niyang ikinangiti ng tatlo niyang kaibigan

"Sus, Wala pa ito no. Kung hindi rin naman dahil sa inyo ni Nathan malamang malaking bahagi ng buhay namin ang iba ngayon"

"At malamang wala rin tayo sa mga love story na ine-enjoy natin ngayon"

"Korak!"

Napangiti na lamang siya sa mga saad nito sa kanya. Kung kuha niya ang suporta ng mga kaibigan niya, mas mabuti na rin nga sigurong hanapin na rin niya ang kaligayahan niya. Tutal kung may taong papakasalan man siya, it will only be that guy na nagparealize sa kanya ng pagmamahal.

"FIRST THING FIRSTS, makipagbati ka sa kanya at kumpirmahin mo ang hindi niyo pagkakaunawaan"

Iyon ang unang bagay na ipinapagawa sa kanya ni Railey. Kakaalis lamang ito at bumalik na ng kompanyang hinahawakan nito habang siya at ito, nakabalik nanaman sa loob ng kompanya ng kanyang ama.

She Will Be LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon