Dear Kung Sino Ka Man,
I
Parusa parati ang unang pagpasok sa klase. Lalong lalo na sa mga baguhan. Galing ako sa isang public school noong elementary. Ako iyong tipo ng batang nagtapos ng elementarya na nasubukang "ngumagngab ng mangga" ika nga ni Bob Ong, ako rin iyong tipong ginagamit ang mga salitang kokomban at balentayms sa pangungusap. At akong ako rin iyong tipo ng binibigkas ang salitang parents ng "payrents", flag ng "fleg" at bag ng "beg". Ako iyong tipong nagtapos sa elemetarya na nasulit ang kabataan. Alam ko lahat ng mga larong pang kalye. Reyna ako ng tumbang preso at Chinese garter.
Pag dating ng highschool nahirapan akong magadjust kasi kakaunti lang ang mga highschool students na katulad ko. Iyong mga iba e elite, may breeding hindi nasubukan mag amoy pawis noong bata pa sila.
Noong una kong pag pasok ng highschool naaalala ko na iyon lang ulit ang naging bonding time namin ni Ate Lissy. Sinamahan niya akong mamili ng mga damit at gamit pang eskwela. Ang dati kong backpack e napalitan ng shoulder bag na kulay pink na maraming "bling bling." Ang dati kong rubber shoes ay napalitan ng itim na doll shoes na may kaunting heels. Ang mga goma kong pantali ng buhok e napalitan ng mga kulay pink na ribbon. Nahilig ako sa lace, sa palda at sa lipgloss.
Minsan si Ate inayos niya ang kilay ko.
"Lindsey uso na ngayon ang magpluck konti nalang katulad mo na si Ramon na unibrow!"
Tingin ko nga gumanda ako noong naahitan ng kaunti ang kilay ko. Parang mas lalong lumaki at mas lalo akong naging gising. Unti unti nagmumukha na akong dalaga. Noong first day ko ng highschool inayusan ako ng kaunti ni Ate Lissy. Nilagyan niya ako ng kaunting polbo at blush. May konting parang mantika mga labi ko at nakaipit ang buhok ko.
Minsan sa buhay ng isang tao may panahon na bigla mo nalang mararamdaman na oo maganda ka. May sarili kang ganda. Iyon siguro ang akin.
Naging maayos ang first day ko sa highschool dahil kay Ate Lissy.
Kaya laking gulat ko nalang na mas naging maayos pa ang first day noong isa kong kaklase na nakapulot ng ipinaikot kong medyas.
Gwapo kasi siya. Matangkad. Kung ikukumpara siya sa anime siguro kamukha niya si Usui. At balita kong matalino siya katulad ni Takishima ng Special A. Valedictorian ng isang sikat na pribadong elementarya.
"Miss alam mo ba kung saan yung Room 102?" tanong niya sa akin matapos ibalik iyong medyas.
Naaalala ko pa yun kasi bigla kong nasinghot iyong pabango niya, mas mabango pa siya sa amin ni Mischa.
"Ah oo. Room namin iyon. Bago ka?" tanong ni Mischa na expert sa mga ganoong bagay. Gusto ko ngang pilosopohin si Mischa noon e, malamang bago siya! "Halika hatid ka namin."
Naging instant celebrity kami noon kasi may kasama kaming gwapo. Nakita ko pa nga si Ate Lissy at bigla niya akong nginitian. Parang naalala ko noong mga bata kami kapag nakakakita kaming gwapo, yun lang siya lagi ang napapansin at lumalabas akong wallpaper.
Noong papalingon na iyong bagong studyante sa direksyon ni Ate Lissy nag mistulan akong tangang hinawakan ang ulo niya at ilingon sa ibang direksyon.
"Doon ang daan." Sabi ko.
Napangiti lang siya. Pero alam kong wala na akong pagasa sa kanya. Sige kay Mischa nalang. Sabagay mas tumatawa at masaya pa siyang kausap si Mischa.
"Ano palang pangalan ninyo?" tanong niya.
"Mischa Valdez." Sabi ni Mischa na inabot ang kamay para makamayan ni mystery boy.
Lumingon siya sa akin tapos ngumiti parang hinihintay rin niyang sabihin ko pangalan ko. "Lindsey Gueco." Sagot ko naman.
Inabot niya iyong kamay niya sa akin pero hindi ko alam ang gagawin kaya ang ginawa ko nalang e dinaplisan ko ang mga kamay niya. Parang apir, iyon nga lang awkward. Para akong nakipag apir at nakipagkamay sa kapwa kong BRO kahit na medyo girly ako noong araw na yun.
Dumating na ang teacher bago pa namin matanong ang pangalan niya. Dumiretsyo na kami ni Mischa sa upuan namin at siya pinaupo sa harap, sa gitna. Iyon lang ang bakante pero parang nakalaan para sakanya iyong upuan na yun. Dun siya nababagay.
Pinatayo siya at pinagpakilala sa harap ng klase. Pagkaharap niya sa amin, lahat ng babae kinilig, ramdam ko yun. Lahat ng babae tinamaan ng mga ngiti niya kaya alam kong isang ngiti palang ni Feliz, ang younger version ni Ate Lissy, e alam kong talo na ako. Olats. Talunan. Walang sinabi. Walang binatbat. In short lumabas ang kapangitan ko. Parang biglang nagchorus yung mga batang kalye sa may kanto namin at paulit ulit na chinant ang "Lindsey pangit! Lindsey pangit!"
"Hi I'm Prince Cosingtian."
Tunog mayaman.
Hindi ko alam kung imagination ko lang na ako ang tinignan niya habang sinasabi iyong pangalan niya.
Pero naalala ko backmate ko pala si Feliz.
Oo sige na.
Ako na pangit.
Ako na talaga.
Nagmistulan nanaman akong wallpaper,
Yung plain. Yung puti. Yung hindi napapansin.
BINABASA MO ANG
Isang Milyong Sulat 1
HumorPUBLISHED BY: VIVA PSICOM PUBLISHING CORP "Dear Kung Sino Ka Man, Totoo ba ang sinasabi nila na lahat ng tao ay may true love? Na lahat tayo ay binigyan ng tadhana ng love life na makikilala natin sa tamang panahon? Na makikilala rin natin iyong tao...