PRINCE
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko rin alam bakit naging ganito ang pakiramdam ko na parang kailangan kong protektahan at paniwalain si Linda/Plaridel na maganda siya. Na hindi man siya kasing ganda ng ate niya e sa tingin ng ibang tao hindi naman siya pangit.
Hindi ko alam kung iyong ngiti ba niya ang nagpabago sa akin o iyong mga mata niya. O di kaya naman iyong pagtalon talon niya habang naglalakad na parang excited pang magpadala ng sulat na hindi ko naman sinasagot. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko maexplain kung bakit alas dose na ng gabi e gusto ko parin tumayo, maglakad at kumatok sa katapat naming bahay para Makita lang si Linda.
Kina-umagahan ng makita ko siya isinama ako ni Papa sa isang eskwelahan kung saan daw maari akong lumipat kapag nag highschool na ako. Sumama naman ako, at habang paalis kami napadaanan ng kotseng sinasakyan namin si Linda. Si Linda na nakaschool uniform na halos hindi na siguro alam kung may bubunggo sa kanya dahil nakayuko siyang naglalakad.
Nang makarating kami sa eskwelahan sinabi ko sa papa ko na pwede naman na niya akong iwan doon. Tumango lang siya at sinabing magkikita kami sa principal's office bago kumain ng tanghalian. Tumango nalang ako.
Valentines' day pala ngayon. Kitang kita sa mga estudyante na excited na excited silang makatanggap at magbigay ng mga chocolates at roses. Inisip ko si Kat-Kat at ang nabigo kong unang pagibig. Kung minamalas ka nga naman.
Maglalakad na sa ako nang Makita ko ang depressed looking na si Linda na pumasok sa gate! Akalain mo nga namang dito pa kami talaga magkikita ulit.
Sa totoo lang gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang kausapin at sabihing ako si Prince. Ako si Prince mula sa Prince Bookshop. Hindi ako haciendero at hindi ako mayaman. Sadyang gwapo lang talaga ako. Gusto ko siyang makakwentuhan at gusto kong magexplain kung bakit hindi ako nakakasagot sa mga sulat niya. Pero ang hirap niyang iapproach. Mahirap siyang lapitan. Sa paglalakad niyang nakayuko, para narin niyang sinasabing 'Wag ninyo akong kausapin. Gusto kong mapag-isa.'
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Linda. Iniisip kaya niya si Tamahome? Iniisip kaya niya kung bakit hindi siya binibigyan ng chocolates at bulaklak? Kinukumpara nanaman ba niya ang sarili niya sa ate niya?
Magkaibang magkaiba ang Linda na nakikita ko ngayon kumpara sa Linda na nakikita ko mula sa mga sulat niya.
Sa mga sulat, masayahin siya. Palakwento. Kahit bitter siya sa buhay meron paring sense of humor na parang ang tingin ko e, imbes na malugmok siya sa kabiterran niya sa buhay e humahanap parin siya ng paraan para tumawa.
Pero ngayong nakikita ko na si Linda, wala akong ibang maisip kung hindi isang babae na malungkot. Na naghahanap ng escape. Escape o kahit na isang taong papansin sa kanya at sasabihing kung ano man ang iniisip niya tungkol sa sarili niya ay hindi totoo. Na kailangan niyang mahalin ang sarili niya dahil wala nang mas higit pang mas magmamahal pa sakanya kung hindi ang sarili.
Hindi ko alam kung ano ang nahithit, nainom o nakain ko nung araw na iyon at ganun ako magisip. Hindi ko alam kung ano ang nagdrive sa akin sa canteen para bumili ng lollipop at sundan si Linda papuntang classroom niya.
BINABASA MO ANG
Isang Milyong Sulat 1
HumorPUBLISHED BY: VIVA PSICOM PUBLISHING CORP "Dear Kung Sino Ka Man, Totoo ba ang sinasabi nila na lahat ng tao ay may true love? Na lahat tayo ay binigyan ng tadhana ng love life na makikilala natin sa tamang panahon? Na makikilala rin natin iyong tao...