BeckyMon: The Beki ChroniclesPa- BARBIE
Ako si Reymon Geeno Santa Clara Pineda. 16 years of age. Nag-iisang anak ni Lucy Santa Clara Pineda.
Isa akong bibabae. Hindi katulad ng ibang binabae, na nagsusuot ng pangbabaeng damit at naglalagay ng kolorete sa mukha, isa lang akong simpleng bakla. Sabi kasi ni mama hindi ko na daw kailangan mag-ayos babae, kasi mukha na kong babae. Fair skin, matangos na ilong, firm lips, payat na pangangatawan at mapupungay na mata.
Noong pinagbubuntis pa lang ako ni mama, gustong-gusto niya ng magkaroon ng anak na babae. Kaya naman pinagdasal niya ito. Araw- araw at gabi- gabi sya nagdadasal na sana, babae ang kanyang nasa sinapupunan.
Taliwas naman ito kay papa. Kung gaano kagusto ni mama na magkaroon ng anak na babae, ganun rin si papa. Gusto naman niya ay lalaki. Gusto niya daw kasing may sumunod sa yapak niya bilang isang sundalo.
Kaya naman ng ipinanganak ako ni mama, tuwangtuwa si papa habang si mama umiiyak sa sakit ng dulot sa panganganak sa akin at sa kanyang nalaman na lalaki pala ang kanilang anak. Wala namang magagawa si mama na lalaki ang nailuwal nya. Nagpapasalamat na rin siya sa Maykapal na naging maayos ang kanyang panganganak at naging malusog ang kanilang unico ijo.
Nagdaan ang limang taon simula ng ipinanganak ako ni mama. Noong panahon na iyon, nasa trabaho si papa. Matatagalan pa syang bumalik kaya naman binilinan ako ni papa na lagi ko daw tulungan si mama. Dahil sa wala sya, ako daw muna ang magpoprotekta kay mama. Ganoon daw ang lalaki, pinoprotektahan ang kanilang ina.
Kaya naman sinunod ko si papa. Lagi kong tinutulungan si mama sa gawaing bahay. Nag-wawalis, naghuhugas, nagpupunas-punas. At pag maglalaba si mama tinutulungan ko sya. Ako yung tigasampay.
Isang araw. Habang nagwawalis ako, biglang dumating si mama galing sa pamamalengke. May kasama syang ale na sa tingin ko kasing edad niya lang at may kasamang batang babae na kasing edad ko rin siguro.
Nalaman ko na bagong kapibahay namin sila. Nakatira sila dun sa may kanto. May paupahan kasi don na ang landlady ay si Manang Pining.
Tumigil ako sa pagwawalis. Napansin ko ang batang babae na may hinahalungkat sa dala nilang bag pamalengke. Linapitan ko ito. Napag-alaman kong mga manika pala niya ito na bili sa kanya ng kanyang mama kanina sa palengke. Ewan ko ba, pero nagandahan ako dun sa manika, parang gusto kong magpabili kay mama. Nalilito ako nun that time. Dahil bata pa ako nun, pinabayaan ko na lang.
Naglaro kami ni Diane ng mga manika niya. Linabas ko rin yung laruan kong baril- barilan. Hindi daw nun naglalaro si Diane. Kaya linagay ko na lang sa isang tabi yung mga laruan kong baril- barilan at naglaro ng manika kasasma si Diane.
Tuwang-tuwa ako nun kasi yung mga manika ni Diane parang tao. May suklay, may damit at napapalitan ito, may sapatos rin ang galing. Ang ganda.
Naabutan kami ni Mama at Ate Denden, na ina ni Diane, na naglalaro ng manika. Nakatingin sila sa amin. Si mama, nakangiti. Si Ate Denden naman, natingin na may halong pagdududa. Pagdududa sa pagkatao ko.
"Mare, may napapansin ka ba kay Mon?"-Ate Denden
"Wala naman mare"-Mama
" Talaga? Mare, naglalaro ng manika ang anak mo..."-Ate Denden
"Ano naman? Wala namang masama kung maglaro sya ng manika. Wala naman sa akin yon. Natutuwa pa nga ako, magkakaroon na ko ng anak na babae. 2 in one mare! May lalaki na ako, may babae pa!" si mama na tuwang tuwa at pumalakpak pa.
"Mare! Seryoso? Sa bagay... Gustong gusto mo naman talaga magkaroon ng anak na babae simula pa lang. Pero... Paano si pare?"
Natigilan si mama. Di ata alam ang sasabihin.
"Mare, ngayon ko lang napansin ang ganda pala ng anak mo."
BINABASA MO ANG
BeckyMon:The Beki Chronicles(Editing)
Teen FictionBeckyMon: The Beki Chronicles My name is Reymon Geeno Santa Clara Pineda. 16 years old. Small, fair and cute. Yan ang perfect description sa akin. At ito ang aking kwento. Lahat ng Pangalan, Organisasyon, Eksena at Pangyayari ay kathang isip lamang...