Unang Yugto

6.4K 162 13
                                    

AN: This is supposed to be a long Story. HAHA. Pero ayan gusto ko lang talaga ito gawan ng story. Kaya ayan. Summarize version. ;). Enjoy and don't forget to leave a comment. Thank You!

Part 1

Pagkarinig ng isang ungol ng lobo ay agad na nagpalitan sa kanilang anyong lobo ang mga magkakasama at agad na tinungo ang pinanggagalingan ng ingay.

Sa may kagubatan nanggagaling ang ungol. Dali-dali ang mga ito na makarating sa pinanggagalingan ng ingay na iyon.

Nagsipaghinto sila ng makita ang isang babaeng lobo na kanilang kasamahan na may puro sugat sa katawan. Nanghihina ang babaeng bumagsak at nag-anyong tao.

Agad namang tinungo ng iba sa mga ito na mga naka-anyo paring lobo ang babae at ang ilan ay tiningnan at inamoy ang paligid.

“Mga moonwalkers ang may gawa nito” sabi ng isa gamit ang kanilang mindlinks sa pag-uusap. Ang mga moonwalker ay mga lobong na kaya lang magpalit ng anyo tuwing kabilugan ng buwan dahil sila ay mga half blooded werewolf lamang.

Hindi maayos ang pagsasamahan ng mga moonwalkers at mga pure blooded werewolf dahil sa ginagawang pag-atake ng mga moonwalkers sa mga ordinaryong tao.

Naglabas naman ng nangangalit na tunog si Adam “Sila na naman”

“Mukhang kaaalis lang nila” Darwin, habang patuloy parin sa pag-amoy sa paligid.

Naglabas naman ng pangil si Adam na mukhang galit-galit at nagtatakbo ng mabilis sa isang direksyon.

“Adam” tawag sa kanya ng mga kasamahan niya sa pamamagitan parin ng mga mindlink nila. Agad naman din ang pagsunod ng ilan sa mga ito kay Adam.

“Adam, hindi tayo pwedeng sumugod na lang basta” Darwin nang mahabol na nila ito.

“Malapit lang sila Darwin. Naamoy ko pa sila. Naamoy ko pa ang mga lobong gumawa nito sa babae” sabi ni Adam. Si Adam ang may pinakamalakas na pang-amoy sa kanilang pangkat.

“Nakikita ko na sila” sabi ng isa nilang kasamahan.

Nagsipaghinto naman ang mga ito at natanaw ang tatlong lalaki na pawang mga naka-anyo nang tao na nasa may batis.

“Sila na nga yan” Darwin.

Unti-unting lumapit ang mga ito sa mga moonwalkers at nang maramdaman naman ng mga ito ang presensiya nila ay agad din ang pag-aanyong lobo ng mga ito. Ang mga moonwalkers ay kadalasan nang mga itim ang kulay.

Naglabas ng mga galit na tunog ang parehong panig.

At nang magsimula nang magsisugudan ay panay ungol na ang namutawi sa paligid. At namamantsahan na din ng dugo ang mga pangil ng bawat isa.

Dahil sa mas malalakas ang mga pure blooded werewolf kumpara sa mga moonwalkers na kalahating lobo lang ay agad na napatumba ang mga ito.

Umuungol pa ang isa sa mga moonwalkers na lobo na mukhang nagmamakaawa.

Pero hindi ito pinansin ni Adam at pinaslang kaagad.

“Baliwala lang kung patuloy lang natin silang bibigyan ng awa” Adam at umalis na sa lugar na iyon. Walang personal na galit si Adam sa mga moonwalkers talagang hindi lang nito kayang palampasin ang mga ginagawa ng mga ito.

Naiwan naman si Darwin na hindi umalis sa kinatatayuan, pawing mga naka-anyong lobo parin ang mga ito.

“Darwin” tawag ni Adam dito.

Nakatingin si Darwin sa isa sa mga moonwalkers na ngayon ay nasa anyong tao na nito. “Kilala ko siya” pakikipag-usap parin nito kay Adam sa mindlink nila. “Isa siya sa mga trabahador ko”

Nilapitan naman ito ni Adam. “At isa siyang moonwalker, nanakit sila ng tao at pati narin na mga kasamahan natin”

Darwin growl at him “May pamilya siya Adam”

Adam growl back. “Wag mo silang kaawaan dahil mga walang awa din silang pumapaslang” Parehong mga nakalabas ang pangil ng dalawa at mukhang nagkakainitan.

Pumagitan naman ang isa nilang kasama. “Itinigil niyo nay an at umalis na tayo dito”

Tinapunan ni Darwin ng masamang tingin si Adam at nauna nang umalis sa lugar na iyun.

Magkaibigan sina Adam at Darwin, natural na sa dalawa ang parating magkainitan sa mga sitwasyon dahil magkabaliktad ang ugali ng dalawa. Kung gaano katigas ang pag-uugali ni Adam ay siya namang ikinalambot ng kay Darwin.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

The Wolf's Damn Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon