Ika-Pitong Yugto

1.9K 53 1
                                    

Part 7

 

 

“Adam, Mira is Alpha’s mate and she will become our Luna anytime soon. I’m sorry pero wala tayong magagawa dun” Darwin. Nakaupo ito sa tabi ng higaan ni Adam.

Luna ang tawag sa kabiyak ng isang Alpha.

Hindi naman umimik si Adam.

“Adam” Tawag ni Darwin sa kaibigan.

Hindi naisip ni Adam na mangyayari ang ganito, na matatagpuan ni Mira ang lobong para sa kanya at sa katauhan pa ito ng kanilang Alpha. Sobrang saklap ng nararamdaman niya. Mahal na mahal niya si Mira pero una pa lang hindi na niya ito pagmamay-ari.

“Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Mira di ba” Baling ni Adam sa kaibigan. “Mahal na mahal ko siya na handa kong isakripisyo ang buhay ko mailigtas ko lang siya. Pero…” sandali itong natahimik at bigla na lang may tumulong luha sa mga mata nito “…Pero wala eh… Una pa lang talo na ako dahil nahanap na niya ang nakatakda sa kanya…Tsk” Patuloy parin ang pag-agos ng luha nito

“Darwin, Mahal na mahal ko si Mira. At sobrang hirap sakin na pakawalan siya” …” Tngina ang sakit.” pahiyaw na sabi ni Adam na patuloy na umiyak.

Wala na namang sinabi dito si Darwin at tahimik lang sa tabi nito.

 

****

Lumipas ang isang lingo ay hindi na nabigyan ng pagkakataon si Adam na makausap si Mira dahil hanggang ngayon ay galit parin si Zeke kay Adam sa nangyari.

“Saan ka galing” salubong ni Darwin kay Adam.

Tiningnan ito ni Adam “Sa mangkukulam” simpleng sagot nito.

“Ano? Anong kinailangan mo sa kanila” gulat na tanong ni Darwin.

“Humingi lang ako ng pabor.” Adam.

“At anong pabor yun?” Darwin.

Inilabas naman ni Adam ang isang bote sa bulsa nito. “Gamot na makakapagpalimot. Balak ko ‘tong ibigay kay Zeke para ipainom kay Mira” malungkot itong ngumiti.

Kumalma na naman si Darwin “Hindi mo na nama kailangang gawin yan Adam”

“Kailangan” Adam, napakalungkot ng mga mata nito.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

The Wolf's Damn Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon