Ika-Tatlong Yugto

2.5K 66 2
                                    

Part 3

Dumaan pa ang mga araw at napapansin ni Darwin na lagi nang magkasama ang dalawa ni Adam at nang kapatid nung babae na sinagip nila, yung babaeng kinomfort pa ni Adam.

“Anong meron sa inyo nung babaeng nakita natin sa may gamutan?” Tanong ni Darwin kay Adam.

 

“Si Mira ba? Kami na” Nakangiting sagot sa kanya ni Adam.

Napataas naman ang kilay ni Darwin sa sagot nito. “Mukhang ang bilis ata. Is she you’re mate?”

 

“Hindi” Simpleng sagot ni Adam. “Pero seryoso ako sa kanya” dag dag nito.

“Seryoso? Nangangahulugan ba yang gusto mo siyang makasama nang pangmatagalan? Tsk. Adam---”

Kontra ni Darwin sa sinabi nito.

Pinutol naman ni Adam kung anu man ang sasabihin pa nito “Pakiramdam ko Darwin mahal ko na siya. Nung una ko siyang makita…” Tumigil ito sa pagsasalita at mukhang may inaalala sabay ngiti nito. “Mahal ko siya Darwin, sigurado na ako dun” may kung anong kislap sa mga mata nitong sabi.

 

“She’s not your mate Adam. Nahihibang ka na ba?” Medyo tumaas na ang boses ni Darwin.

 

“Wala akong pakialam. Sa laki ng mundong ‘to. Walang kasiguraduhan na magkikita pa kami ng kung sino mang babaeng nakatakda sakin.” Huminto ito saglit. “Mahal ko na talaga siya Darwin and even my wolf accept her. At wala na akong nakikitang problema pa”

“Adam! Are you out of your mind? We only destined to love our mate!” Pasigaw na sabi ni Darwin.

Agad naman ang pabangon ng galit ni Adam at pagtransform nito sa kanyang anyong lobo at ganun din si Darwin na nag-anyong lobo.

Nagsukatan ang dalawa ng tingin at maya-maya ay nagsugudan.

Parehong malakas ang dalawa kaya naman pareho ang dalawa na nahihirapan na atakihin ang bawat isa.

Unang nasugatan si Darwin at maya-maya naman ay si Adam na ang nasugatan nito. Saka lang tumigil ang dalawa nang parehong puro sugat na ang katawan ng mga ito.

Parehong hinihingal ang dalawa at hindi na makatayo sa ayos.

Nilapitan naman ni Darwin si Adam at itinayo ito. Iniaro niya ang kamao niya dito, simbolo yun na nakikipag-ayos na siya sa kaibigan. Ayaw naman niyang maging hadlang dito lalo na’t nakikita niyang masaya ito.

Tinanggap naman iyun ni Adam.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

The Wolf's Damn Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon