Ika-Walong Yugto

1.9K 54 1
                                    

Part 8

”Alam mo ba na dahil sayo ay hindi pa ako matanggap ng lubusan ni Mira” Pa-angil na sabi ni Zeke kay Adam.

Agad namang iniabot ni Adam ang hawak na bote kay Zeke.

“Ano ‘to?” Zeke

“Ipa-inom mo kay Mira upang makalimutan na niya ako. Wag kang mag-alala tanging mga ala-ala ko lang ang mawawala kapag ininum niya yan” Adam at tumalikod na kay Zeke.

“Adam” tawag ni Zeke dito.

Bumuntong hininga muna si Zeke bago nagsalita “You marked her” Wala na ang galit sa boses nito “You’re aware that I have to conseal the mark you made as her mate, right? And you know that it would hurt you million times”

Nagpatango-tango naman si Adam at hindi na nag-abalang lingunin ito. “Alam ko yun.” He exhale loudly. “Hindi ko naman ikamamatay yun dahil hindi naman ako kagaya mo na isang Alpha na sa oras na tabunan ang kagat mo ay maari mong ikamatay. Isa lang akong ordinaryong lobo Zeke. Walang espesyal sa akin” May halong paghinagpis sa boses nito.

Naglakad na si Adam palayo “Alagaan mo si Mira, Zeke” pahabol na sabi nito.

***

Katatapos lang nina Adam at Darwin makipagsagupaan na naman sa mga moonwalkers nang makasalubong ng mga ito sina Zeke at Mira.

“Alpha” Darwin.

Tumango naman dito si Zeke at tumingin lang saglit kay Adam.

“Hi Darwin” Bati ni Mira kay Darwin sabay tango.

Nag-aalangan namang napatango dito si Darwin.

“Sino siya?” Tanong ng dalaga na nuoy nakatingin kay Adam.

Hindi na naman nawala ang tingin ni Adam kay Mira buhat nang makita nila ang mga ito. Inilahad nito ang kamay sa dalaga “Adam” sa malungkot nitong boses.

Ngumiti naman si Mira at nakipag-kamay kay Adam. “Ikinagagalak kitang makilala”

Nang hindi pa binitawan ni Adam ang kamay ni Mira ay si Zeke na ang bumawi ng kamay ng dalaga.

“Mauna na kami” Zeke at hila kay Mira palakad.

Naiwan sina Darwin at Adam na nakatingin lang sa dalawa.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Adam at nagsimula na ding maglakad bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

The Wolf's Damn Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon