25

2.4K 43 4
                                    

Arjay's side

Joyce's PoV

“Naniwala ka naman?” tanong ni Arjay sa akin,

“Arjay, just answer me yes or no, ikaw ba at si Jane ay may relasyon?” tanong ko, kinakalma ko ang sarili ko, kasi ayaw kung mag hysterical sa harap niya. Gusto kung ayusin eto ng walang nasasaktan.

“Ano ka ba naman Joyce!! Mas pinaniniwalaan mo pa ata ang kabit ng asawa mo kesa sa akin e!” tinalikuran niya ako sabay dabog.

How i wish na sana nag sisinungaling lang si Jane at Diana. Pero parang totoo lahat ng mga sinasabi nila e. Well maliban duon sa sinabing mahal ako at minahal ako ni Lance. That was hilarious right? Sinundan ko si Arjay sa kwarto niya, dahil ayaw kung matulog ng hindi kami nagkakalinawan, kumatok ako sa kwarto niya. Naka lock kasi kaya hindi ko mabuksan.

“Arjay! Buksan mo ang pinto!” kumakatok pa rin ako habang tumatawag sa pangalan niya,

“Arjay!” hindi niya pa rin binubuksan.

Leshe! Nakaisip ako ng magandang ideya.

“Pag 'di ka lalabas jan, mark my word. Iisipin ko talagang totoo ang mga sinasabi nila sa akin” sabi ko sabay lapit ng tenga ko sa pintuan, narinig ko pa siyang bumuntong hininga

“Fine!” sabi niya, napangiti ako. Takot ka pala sa akin e!

Saktong pagbukas niya ng pinto ay ang pag tunog naman ng cellphone niya, napamura pa siya ng shit nung nakita  ang caller I.d

“Bruse is calling” sabi niya,

“Decline it? Or answer it?” tanong niya sa akin.

“Just answer it” lumayo siya sa akin at sinagot ang
Call.

Bigla namang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko eto. Nakita ko ang caller ID unknown number.

Unknow number is calling

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero naopagpasyahan ko na sagutin nalang.

(Joyce?) Sabi niya sa kabilang linya. Lalaki siya. Hindi familiar ang boses niya,

“Excuse me? Sino 'to?” magalang kong tanong

(Ahm.. Ako nga pala si Rick.) Sabi niya, Rick? Familiar ang pangalan. Parang narinig ko na kasi ang pangalan na 'to edi ko lang matandaan kung saan.

(Rick, remember? 'Yung bestfriend ni Lance” pino-process ko pa rin lahat. Rick? Hindi ko parin natatandaan. Pero familiar talaga sa pandinig ko. 'Di kaya siya ang bida sa the walking dead? Yung daddy ni Carl at ni Judith?  Ahhh! Napaparanoid na ako sa kakapanuod ng the walking dead. Tsk! Matanong nga to

“Bestfriend? Nagkakakilala na ba tayo before?”  tanong ko. As in nakalimutan ko na talaga siya e kung nagkakilala man kami.

(Remember? Yung sa party? Yung nagsabi sayong maganda ka? Ako yun. Ako yung bestfriend niya. Ako yun!) Hindi ko pa rin talaga naaalala e, alin ba kasi dun?  Naging makakalimutin na kasi ako lately e

“Sorry, hindi na kita naalala. By the way, bakit ka nga pala napatawag?” tanong ko sa kanya,

Narinig kung nahg sighed siya bago siya sumagot

(Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako sa sasabihin ko sayo, ) huminto siya sabay hinga ng malalim (Gusto ko sanang makipag meet sayo Joyce, gusto kung makatulong sa bestfriend ko)

Nanatili lang akong nakikinig, hindi ko alam pero interesado ako sa sasabihin niya sa akin e.

“Makatulong? Bakit naghihirap na ba sila Lance?’’ pagbibiro ko. Duhh! Kahit hindi nakakatawa, nag roll eye ako. Alam ko na rin ang sasabihin niya, nagbago na ang isip ko, hindi na ako interesado sa sasabihin niya. If i know sasabihin niya na Lance is dying duhh! What kind of bluff is that? Not so funny anymore.

My Flirt Husband (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon