14

2.9K 58 3
                                    

JOYCE'S PoV

"He loves me. He loves me not. He loves me. He loves me not."

Paulit ulit na sabi ni Diana habang pinipitas ang petals ng rose

"Ano bang problema mo Diana?" Tanong ko sa kanya.

"ate, kasi nag away kami ni Steven kahapon" sabi niya.

"tapos?" nakakunot noo na tanong ko.

"Sinigawan niya ako!" Nanlaki ang Mata ko sa sinabi niya.

"Sinigawan ka ni Steven?!" Mariin na sabi ko.

"Oo" sagot niya habang pinipitas parin ang mga petals.

Natahimik siya bigla at tumingin siya sa akin

"bakit?!" Tanong ko.

"Hindi ka ba magtatanong kung ano ang pinag awayan namin?" tanong niya.

"what's the purpose of asking you? E sa halata namang ikaw ang dahilan ng gulo. Like.. As always!" naka grin na sabi ko.

"ewan ko sayo" sabi niya tapos padabog na tumayo at nag walk out.

"Hoy joke lang 'yun!" sabi ko bago siya tuluyang maka alis.

"Jok-jokin mo mukha mo!"

Tsk! Kahit kailan talaga to'ng kapatid ko...

By the way nandito nga pala kami sa Park. Inaya niya kasi akong maglibot para daw pampa Iwas stress.

Biglang may tumakip sa Mata ko.

"Hulaan mo kung sino 'to.." napangiti ako sabay sabi ng...

"Bakla!"

Inalis niya ang kamay niya na tumakip sa mata ko.

"Halikan kita diyan e!" naka ngiting asong sabi niya.

"Tsk!" sagot ko sabay pout.

Hindi ko namalayang may labi na dumampi sa Labi kung naka pout.

Na shocked ako kaya hindi makagalaw ang kahit na Anong parte ng katawan ko.

After a second na karecover naman agad ako. Tumayo ako at Parang may sariling utak ang kamay ko

Naramdaman ko nalang ang mga palad ko na nasa mukha na ni Arjay.

Nanlaki ang mata niya. 'Di niya siguro inaasahang magagawa ko 'yon.

Basta ang alam ko nag walk out nalang ako.

Pagkarating ko sa bahay narinig ko na naman si Jane at lance na nag dedebate.

"Sabihin mo na kasi sa kanya! Ano na? Nasasaktan ka na?!"

Sigaw ni Jane.

"I can't. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan nung nakita ko 'yun. All I know is...habang lumalayo ako sa kanya. Mas lalo pa akong napapamahal sa kanya."

"Lance. This is your chance to prove her that you loved her more than anything. Ko-konti na nga lang 'yang oras mo. Sinasayang mo pa!"

I can't get them. Hindi ko makuha kung ano ang pinag uusapan nila.

Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

"Joyce..." napalingon ako ng tawagin ni Lance ang pangalan ko.

"Bakit lance?" tanong ko sa kanya.

"Sabihin mo na ngayun" bulong ni Jane.

I heard lance's sighed.

"Lumayas ka na dito" sabi niya tapos umupo agad sa sofa.

Tumulo bigla ang Luha ko.

"Lance harapin mo nga ako!" tawag ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin kaya tumungo ako sa salas at hinarap siya.

"Lance. Alam mo ba'ng nagsasawa na ako? Alam mo ba'ng nahihirapan na ako? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko sa t'wing nakikita ko kayo ni Jane? Hindi. Hindi mo 'yun alam! Tutal Wala ka namang paki sa akin. Fine! You want me to leave this house? Sige. Pilit kung kinakalimutan ang mga bagay na masakit na kagagawan mo. Pilit kung pinapangarap na sana balang araw mamahalin mo rin ako. Pero habang tumatagal lance mas lalong naging Imposible."

Habang sinasabi ko 'yan tuloy lang ng tuloy ang pag bagsak ng mga Luha ko.

"Dahil mahal kita. Fine. Pagbibigyan kita"

My Flirt Husband (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon