Chapter 9 - Traitor?

15 2 0
                                    

**
Nadia's POV

Kinusot kusot ko ang mga mata ko. Teka? Pano ko nakarating dito? Tanga! Hindi pa pala ko nakapagpalit ng damit.

Bumangon na ko at naghanap ng damit sa tukador saka pumasok sa CR at naligo. Papatapos na ko ng marinig kong bumukas ang pinto sa kwarto. Psh! Wala naman ibang papasok kundi si Nathan.

"Bro. Are you there?"
Bro? Sino yun? Binilisan ko na ang paliligo at pagbibihis saka lumabas.

Asan na yung nagsasalita kanina? Di kaya may multo dito? Ehhh..

"Who are y--Nadia?"

Nagulat naman ako sa taong kaharap ko.

"Jedan?" Anong ginagawa nya dito? Nakaramdam ako ng inis sa kanya. Ibig sabihin may kinalaman sya sa pag kidnap sakin ng NATHAN na yun. Traitor!

"A-ah.. E-hh h-hehe!" Kumunot lang ang noo ko at tinitigan sya ng masama!

"Bakit di ka makapagsalita ng maayos?" Sigaw ko sa kanya.

Sumipol sipol lang sya at saka kumaway sa likuran ko.

Aba't! Buwisit...

"Don't SHOUT at him. He's my Uncle!"

WHAT? Kailangan ko na talagang makaalis dito! Traydor ka JEDAN!

Naiwan akong tulala. Hindi ko alam kung bakit ang sakit sa pakiramdam.

Nasasaktan ako sa mga binitiwang salita ni Nathan. Bakit parang ang dami kong hindi alam? Lumapit ako sa bintana at inilibot ang paningin ko paligid.

Hindi talaga ko makakatakas dito. Nasa magubat na parte ang lugar na to. Kaya kahit san ko man planuhing dumaan paniguradong maliligaw ako at mahahanap din ako ni Nathan.

*Buntong Hininga*

Napaluha ako ng maalala ko kung bakit ako napunta dito. Dahil kay Noemi!

*FLASHBACK*

Galit na galit na umuwi ako ng bahay ng malaman ko ang pinaplano ni Daddy at Noemi.

"Noemi! Noemi!"

"Oh hija. Wala ang ate mo" si Manang Lisa.

"Si Daddy?" Hindi pa nakakasagot si Manang ng bumaba si Dad.

"Ba't ka sumisigaw Anak?" Lumapit sya sakin at akmang hahalikan ako pero lumayo ako.

"What's the matter?" nakakunot noong tanong nya.

"Anong hndi ko alam sa plano nyong ipakasal si Noemi kay Finn?"Nangiginig ako sa galit pero pilit kong kinakalma ang sarili ko.

Hindi sya sumagot kaya napaiyak na ko ng tuluyan.

Nagising na lang ako sa kwartong to. At ilang araw na hindi pinakakain ni Nathan! Ayoko ng balikan pa ang mga paghihirap na yun.

-Present-

Pinunasan ko na ang mga luha ko at inayos ang sarili ko.

Si Finn, kamusta na kaya sya? Naiinis akong isipin na hindi nya man lang ako hinahanap. At nung tawagan ko sila ni Noemi parang may mga tinatago sila!

Ugh. Ang sakit sa ulo!

Alam ko namang hindi ako magagawang lukohin ni Finn at sana may matira pang kahihiyan sa katawan ni Noemi.

"Aren't you hungry?" napapitlag ako sa tanong ni Nathan. Kanina pa ba sya?

Hindi ko sya pinansin.

"C'mon. You look like an ugly duckling. Eat!" Yun lang at umalis na sya.

Buwisit! Galing manira ng moment. Hindi ko ginalaw ang pagkain at sinundan sya sa baba.

I'm Inlove... With My Kidnapper**(IIWMK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon