챂델 02.

165 103 2
                                    

Chapter 2.

SHENG.

TAHIMIK na lumalakad ako sa campus. As usual, Madaming nagpapapansin. Hindi ko naman sila pinapansin. Hinahayaan ko silang magmukhang tanga sa harap ko, Para tigilan na nila ko.

“Sheng?” Napalingon ako sa tumawag sa'kin, Si Hijj.

Mataman na tinignan ko lang sya at hindi nagsalita. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi na ko interesado sa kanya, na hindi ko na sya gusto. Kahit na salungat non ang nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, Ugh. Nakaharap ko na naman sya. Yung taong dahilan ng pagbabago ko.

“Uhh. Hi. Nice to see you again.” Nakangiting sabi nya. Bahagya lang akong ngumiti, Hindi na kasi ako naniniwala. Nangaasar ba sya o ano? Natutuwa pa sya na makita ang EX nyang niloko nya? How nice.

“Totoo pala ang sinasabi nila.” Sabi nya at tinignan ako.

"Cold ka na. Nagbago ka na." Sabi pa nya.

“Ano naman sa'yo kung nagbago na 'ko?” Harsh na sabi ko. Nagbago ko, Dahil sa'yo.

"Wow. So Harsh ka na din. Nice."sabi naman nya.

“Ano bang gusto mong palabasin?” Sabi ko naman,
Hindi kasi nakakatuwa ang tono nya. Nakakabanas.

“Wala naman! Pero bakit nagbago ka?” Yan ang pinakastupid na tanong na tinanong nya sa'kin. Ano ba sya? Taong bato? Walang pakiramdam?

Sinaktan nya ko. Anong gusto nya? Magpaparty pa 'ko ganun? Aish.

“Wala ka ng pake don.” Sabi ko naman. Hindi na kasi ako natutuwa sa presensya nya. I starting to hate him.

Bwisit.

“Sheng? Parang wala naman tayong pinagsamahan.” Sabi nya. Ngumiti naman ako ng mapait.

“Ano bang gusto mong gawin ko? Magkunwari na in good terms tayo? Tandaan mo, Sinaktan mo ko. Kaya wag kang makaasta dyan na parang magkaibigan tayo.” Madiin na sabi ko at lumakad na. Habang lumalakad ako palayo, Unti unting tumulo ang mga luha ko. Nakakainis sya.

Agad ko itong pinunasan. Ano ka ba naman sheng? Cold ka na dapat, Wala ka na dapat nararamdaman.
Hindi dapat ako umiiyak, Hindi dapat ako nasasaktan.

Pero hindi ko mapigilan.

--

“Miss? Bakit ka malungkot?” May tumabi sa'king lalaki, Hindi ko sya pinansin. Hindi ko nga sya tinignan manlang eh.

“Sunget mo naman,” Sabi nito kaya cold na tinignan ko sya.

“Wala kang pake.” Malamig na sabi ko sabay tingin sa malayo.

“Bakit ba nagkakaganyan ka? Dahil sa isang lalaki lang?” Sabi naman nya. Hindi ko sya pinansin, Sino naman sya para pansinin ko?

“You don't care. Shut up, Then leave me alone.” Naiinis na sabi ko. Gusto kong mapagisa. Ayoko munang may kasama.

“Ito naman! Gusto ko lang naman makipagkaibigan eh.” Sabi naman nya kaya napatingin ako sa kanya. “Im Vance. Vance Alcantara.” Nakangiting sabi nya.

Bahagya naman akong napangiti, Ang cute kasi ng lalaking 'to. Masyado syang masaya.

“Sheng.” Matipid na sabi ko. Well, Wala namang masama kung ibigay ko ang pangalan ko. Kawawa naman kasi sya.
Baka mapahiya.

Kelan ka pa naawa, Sheng? Eh lahat naman ng tao, Hindi mo pinapansin kahit na magmukha na silang tanga.

Tsk. Ewan ko ba, Tsaka ano bang pake mo? Sawa ka na ba sa buhay mo?

“Nice. Alam mo ba, Transferee ako dito. Tas alam mo ba—”

“Hindi ko alam. At wala akong balak na alamin.” Harsh na sabi ko at tumayo na. Binitbit ko na ang bag ko, Magsisimula na ang first class ko.

“Alis na 'ko.”
Sabi ko nalang.

Lumalakad na 'ko papalayo ng narinig kong sumigaw sya, What the hell?

“Makikita ko din ang ngiti mo balang araw, Miss!” Sabi nya kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakangiti sya, Oh my gosh. Ang cute ng ngiti nya. What the hell? Ano bang nangyayari sa'kin?

--

“Ms. Peterson, Mukhang malalim ang iniisip mo.” Napatingin ako sa teacher namin ng magsalita sya, Ugh. Nakatingin na pala sa'kin lahat ng tao. Nakakainis!

“Uh.” Yun nalang ang sinabi ko. Bakit ko sasayangin ang laway ko diba? Tss.

Ano namang magagawa ko kung malalim ang iniisip ko? Lagi naman akong ganun eh.

“What? Hindi ka na naman nakikinig, Baka gusto mong ibagsak kita!” Sabi na naman nito. I just stared at her. Wala naman akong magagawa. Then fine, Ibagsak nya 'ko. Aish.

I stand. “Fine.” Malamig na sabi ko sabay kuha ng bag ko, Umalis na 'ko. Alam ko na naman kasi na dun din ang hantong nun. Papalabasin din ako.

“Miss.” Sabi nung kaklase ko ata dahil lumabas din sa room namin, Sinusundan nya ata ako. Wait, Parang kilala ko 'to? Hinarap ko sya.

“Sheng, Right?” Sabi nya at ngumiti. Aha! I know that smile. Sya yung lalaki kanina kaklase ko pala 'to sa subject na 'to. Aish.

“What?” Tanong ko naman. Aba, Oo. Gwapo sya. Pero sino naman sya para pansinin ko? Si D.O ba sya ng EXO? O si Taehyung ng BTS para pansinin ko at pagaksayahan ko ng laway ko? Aish.

“Ah! I knew it! Ikaw siguro yung Sheng na pinaguusapan nila! Yung maganda daw at sikat, Pero cold!” Sabi naman nya. Napataas ng bahagya ang kilay ko. Transferee ba 'to?

“So what kung ako yon?” Cold na sabi ko. Like duh, Kilala ko ba sya?

“Transferee kasi ako. At hindi ko alam na sikat pala ang una kong makakausap sa first day of school ko.” Nakangiting sabi nya. Ugh, Hindi ba sya napapagod ngumiti? Ako kasi, Pagod na pagod na sa kanya.

I shrugged. “Okay then. I have to go.” Sabi ko naman at paalis na ng hawakan nya ang braso ko. Para naman akong nakuryente kaya agad akong lumayo.

“Wait. Hindi pa kita nakikitang ngumiti.” Sabi nya. Yas, Hindi ako ngumingiti. Cold na 'ko. Minsan nalang ako ngumiti. Sa mga taong mahal ko lang, Katulad ng bestfriend and family ko. Pero sa mga taong nagpapansin sa'kin? Nah, Never.

“Im sorry. Hindi kasi ako ngumingiti.” Sabi ko naman. Aish, Grabe ha. Nasasayang ang oras ko sa pakikipagusap sa lalaking 'to!

“What? Hindi pwede yan. Lahat ng tao, Ngumingiti.” Sabi naman nya at ngumiti. Aish, Bakit ba ngiti sya ng ngiti?

“Esh. Oo, Dati. Pero ngayon? Ayoko. Sawa na 'ko. Tigilan mo na ko, Pwede ba?” Sabi ko naman.

Ngumiti naman sya at umiling. Gosh, Nung nagpasabog ba ang Diyos ng kakulitan sinalo lahat ng lalaking 'to?

Nakakayamot na eh.
“Duh! Ewan ko sa'yo.” Sabi ko nalang at aalis na ng magsalita ulit sya.

“San ka pupunta?”

“Wala kang pake!” Harsh na sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.

“Pwedeng sumama?” Sabi nya kaya nilingon ko ulit sya. Nakangiti na naman sya. Aish, Hindi ba sya nangangawit?

“Hindi.” Sabi ko naman at naglakad na. Nagulat ako ng makita kong kasabay ko na syang naglalakad.

“Ah, Basta. Sasama ako!” Nakangiting sabi nya.

BAKIT BA ANG KULIT NYA?

--

Sheng Peterson on the multimedia.

This chapter was already revised! Thankyou for reading it.

Chel.

Damn that love. (VYeon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon