Hi guys ako nga pala si Mae. Wala akong magawa eh kaya ngayon ikukwento ko na lang sa inyo ang buhay ko. (Note: this is all base on a true to life story)
I'am just a simple girl. Walang arte sa buhay, pero alam nyo bang hindi ko akalain na dahil sa kanya magbabago ang takbo ng buhay ko.!
So I think I should start na. His name was stephen. Grabe sobrang pogi nya, magaling mag-drum, magaling magbasketball, maputi, mapagmahal sa magulang and ang pinaka nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging maka-Diyos nya. Actually laking gulat ko nga nang malaman kong pareho kaming Christian. Mygoodness he's all I ever need. Kanta lang ang peg noh. Pero yun yung totoo eh. At alam nyo bang simula nung nakilala ko sya. Nagbago na ako. Yung tipong di na ako masyado makulit and also lahat ng bagay binibigyan ko na nang halaga.
The first time i saw him. I was like 😍 is he really the one? Yan na agad ang pumasok sa isip ko. Pero may sumagi namang isa pang katanungan sa isip ko. Totoo ba ang love at first sight? Siguro for the mean time OO muna sagot ko. sabihin na nating kada umaga sobrang saya ko lage. Alam mo kase yung feeling na lagi mo syang makikita at....... wala na pala dapat yung AT kase yun lang naman talaga eh. Makikita ko lang naman sya, tapos. Ang sakit noh. Pero yun yung totoo eh. Sabi nga nila the truth hurts. Yeah! Naniniwala ako sa kasabihang yan. Pano ba namang hindi ako maniniwala dyan eh once na akong nasaktan. (Private na po yun ^_^)
*****
Hulaan nyo kung ano ang gingawa ko ngayon?! Ahahaha.......kung ang nasa isip nyo ay inistalk ko sya sa FACEBOOK w'y you're right. Yan lang naman ang tanging paraan para makita at kiligin ako sa kanya . Halos naka-favorite na nga sya sakin eh.
Pero mas masarap din siguro kung sa totoong buhay nangyayari noh. Haistt kawawa naman ako. Ay! NO. Hindi pala ako kawawa. Bat naman ako magiging kawawa. I'll never give up iintayin ko ang tamang panahon para makasama at makita nya ako. Yan TAMA! Yan dapat ang nasa isip ko.
Tamang Panahon?? Aldub lang ang peg ahaha.*****
Alam nang mga kaibigan ko na may isang salita ako. Kaya pag sinabi kong di ako susuko. Di ako susuko. Yan OO tama yang ginagawa ko. Dapat mas tinataas ko pa yung sarili ko. Hindi yung tinutulungan ko yung sarili kong bumaba pa lalo.*****
Sabi nung kaibigan ko bakit daw sobra akong masayahin! (Pero actually totoo naman yun! Oo masayahin po ako at bukod po doon palakaibigan pa po ako.) Siguro ang sagot ko dun ay....... lahat nang problema ko ay dinadaan ko na lamang sa ngiti. In that way kase nababawasan yung bigat nang pakiramdam ko.
*****
Awasan na namin ngayon. And look whose here. Sino pa ba edi si Stephen my loves. Chars* syempre di ko sinabi yun outloud. Edi napahiya lang ako. Pero ang masaya sa part nayun ay..... nagkaroon ako ng time para makatitigan sya siguro mga 1.2.3.4.5 seconds lang naman. Ay grabe completo na ang araw ko. Alam mo yung feeling na busog na ako sa tingin pa lang nya. Kase dati-dati nung di ko pa sya kilala kada uuwi ako sa hapon lagi akong gutom. No wonder kung bakit ang sexy ko. Ahahaha syempre joke lang din yun. Minsan na nga lang ako mangarap eh, wag nyo na kontrahin. Hehehe ☺
*****
Mygoodness MAE!!! AAAAAAAAHHHHH! Si stephen ba 'to????
Oo. Bakit? Kilala mo sya??
Oo naman. Ang pogi talaga nang batang toh.
Pano mo sya nakilala?
Anak sya nung dating teacher namin. Pero bata pa sya nun.
Omyg! Pakilala mo naman ako.
Ahehehehe. Crush mo noh!
Hehe.
Di kami close noh. Kilala ko lang sya. Pero promise kung kasing edad mo lang ako. Ay nako! Baka ako pa ang manligaw dito.
Ay guys! By the ways. That's my sister. Di ko kailangan mag-worrg. Do you know why? 'Cause she's already 18 years old. Kaya napakalabong maagawa nya sakin si Stepehen. NO WAY! at pag nangyari yun. Aka magkaroon ng WORLD WAR III. I SWEAR.
Kala ko naman may pag-asa na akong makilala at makausap sya sa personal. Pero nabigo pa din ako. Sayang naman. Pero okay lang yun. Malay natin may ihahanda pala si Lord na mas magangdang scene para samin ni Stephen. SANA NGA. *cross fingers*
*****
Times passed and yet wala pa ding nangyayari. Actually meron naman pero tulad lang din nang dati. Tuwing awasan ko lang sya nakikita. Partida ang bilis ko pang maglakad ha. Badtrip kase yung mga kaibigan ko. Daig mo pa paluwas sa bibilis maglakad. Samantalang ako binabagalan ko kung sakali. Sayang yung opportunity eh. Sabi nga nila wag tatanggihan ang grasya kaso nga lang. Wala namang nagbibigay, ako lang talaga yung kusang naghahanap. Sad life. 😄 ngiti na lang natin toh. Pero okay na din yun at thankful ako dun. Kase atleast nakikita ko pa sya. Di tulad nang iba. Talagang di na nagpapakita sa kanila.
*****
Mae di ka pa ba uuwi?
Ahhh. Uuwi na din may tatapusin lang ako.
Ah. Okay lang ba kung uuna na ako. hapon na kase eh.
Ah sige una ka na baka pagalitan ka pa.
Ge bukas na lang
Okay. Bye
Hay natapos ka na din yung reports ko. So niligpit ko na yung gamit ko and then umalis na. Di ko namalayan mag 5:00 na pala kaya nagmadali na ako. *PAK* ouch grabe ansakit. So ngayon nakasalampak na ako sa sahig. May nakabungguan kase ako. Grabe ansakit talaga! Hindi naman sa pagiging-OA pero ansakit talaga eh at medyo nahihilo na nga din ako eh.
Miss! Okay ka lang ba?
Ouch! Ansakit!
Miss tulungan na kita. Ayus ka lang ba?
Hindi sige okay lang.
So tumayo ako at kinuha ko yung mga gamit kong nalaglag. At pagtunghay ko
O_O
Is this true? Totoo ba tong nakikita ko. Si-si-si Stephen. Omyg is this true kasi kung hindi. Please pakigising ako.
Sigurado ka bang okay ka lang? Pasensya na talaga di ako tumutingin sa dinadaanan ko.
Haist ang pogi talaga ni stephen at bukod don masyado pa syang maalaga. Isipin nyo di nya naman ako kilala pero kung magsalita sya daig nya pa ang may asawa.
Miss! Okay ka lang ba? Bat di ka nagsasalita? Gusto mo dalhin na kita sa center dyan lang naman yun. Miss! Miss?? Okay ka lang ba??
(Note: malapit lang po sa center yung pinangyarihang scene)
Di ko namalayan kanina pa pala sya nagsasalita samanatalang ako kanina pa nagda-day dream dito. Anu ba yan nakakahiya naman eh.!
Ah oo okay lang ako. You don't need to say sorry. Kase ako naman talaga yung may gawa. Sorry naabala ka pa. Alright I'll just go ahead. Sorry ulit.
Di na ako nakatagal. Grabe nahiya na din ako eh. Syempre kaw ba naman. Yung tao kanina pa nagsasalita samanatalang ako kanina pa nagda-day dream. Haist grabe VERY WRONG NAMAN EH.
Hehehehehe! Syempre joke lang lahat yan. Ahahah peace. Actually di naman talaga nangyari lahat nang yan eh. Pampakilig lang! Ahahahah. Pero wini-WISH ko na mangyari lahat nang iyan. 😳
*****
BINABASA MO ANG
JUST A DREAM
Teen FictionHanggang kelan? Hanggang Kelan kaya ako aasa at masasaktan. Hindi pa ba sapat ang 5 taon kong pagmamahal o sadyang hindi mo lang talaga ako mahal. MOVE ON madaling sabihin pero mahirap gawin. Alam ko na may mahal kang iba, pero hindi ako magsasawang...