One

967 30 2
                                    

Daniel Jimenez.

Yan ang pangalan ng lalakeng pinaka mamahal ko. Yan din ang kaisa isang lalake na kaya akong saktan.

But i just want to clarify na hindi ko siya boyfriend purket mahal ko siya. Ang totoo niyan ayaw niya sakin. He's always mad, annoyed and heartless at me. He called me Annoying Girl, all the time.

Kahit ganun siya sakin hindi pa rin nawawala yung feelings ko para sakanya. Lagi na nga akong tinatawag ng kaibigan kong si Toru Mendez na manhid dahil daw kahit anong gawin niya sakin parang binabalewala ko lang. Ewan ko ba siguro ganito talaga ako magmahal.

Nakilala ko si Daniel noong college. Siya lang naman ang pinaka matalino sa school kaya kilalang kilala siya. Kilala din ako sa school pero hindi bilang matalino dahil hindi naman talaga ako ganun katalino, sakto lang. Kilala ako sa school bilang Stalker ni Daniel. Nakakahiya man pero yun ang totoo.

Hindi naman masasabing stalker ako kasi kilala naman niya ko. Yung mga stalker kasi palihim kung magparamdam ako kasi bulgar. Ganun ko siya kamahal to think na nag mukha na kong ewan. Siguro isa sa dahilan yun kung bakit ayaw na ayaw niya sakin. Mas gusto niya kasi ata yung mga pa hard to get na babae. Eh anong magagawa ko kung talagang easy to get ako pag dating sakanya?

Iniisip ko nalang na kaya siya masungit sakin ay dahil wala na siyang magulang. Laking Orphanage kasi siya. Kaya feeling ko ang lungkot lungkot ng buhay niya kaya siya masungit.

Si Daniel ay isang Engineer tulad ng kaibigan niyang si Nathan Matias yun ang business nila. Bago palang pero dahil kilala si Daniel at Nathan mabilis lang silang nakakasabay sa mga malalaking kompanya.

Nalaman ko na nagkaroon ng problema sa trabaho ni Daniel, hindi ganun kalalim pero knowing him alam kong didibdibin niya yun. Kaya dali dali akong tumakbo papunta sakanya para nalaman kung okay siya kahit na alam kong ipagtatabuyan lang niya ko.

Nasa labas lang ako ng Unit niya habang hinihintay ang pag dating niya.

"Why the f*ck are you here?" Daniel yelled. He's glaring at me. I can tell that he's already annoyed, hindi ko alam kung sakin o sa trabaho. Pero mas nararadaman kong dahil yun sakin.

Yumuko ako at di makatingin sakanya. "Gusto ko kasing malaman kung okay ka. Nalaman ko kasi yung tungkol sa trabaho mo kaya-"

"Im fine!" Pagsisingit niya. "Makakaalis ka na!" Hinawi niya ko para buksan yung pinto sa Unit niya.

"Nagugutom ka ba gusto mo bang ipagluto kita?"

"Bakit di ka nalang umalis?" Inis niyang tanong. Magsasalita na sana ko para sabihing ipagluluto ko lang siya tsaka ako aalis pero bago ko pa magawa yun hinila niya ko papasok ng Unit niya at isinandal sa pader. Nasaktan ako sa ginawa niya dahil malakas ang pagkakasandal niya sakin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ko! Tigilan.mo.na.ko." Pino'point niya yung ulo ko sa bawat pag sabi niya ng Tigilan mo na ko. Shit, i think im going to cry.

"Gusto ko mang gawin yun hindi ko kaya Daniel. Mahal kita." Sinuntok niya yung pader na ikinagulat ko. Napatingin ako sa mga mata niyang nagliliyab sa inis sakin.

He kisses my neck and lips aggressively that took me by surprised. I tried to push him pero tinaas niya lang yung mga kamay ko. "This is what you want, right?" Inis niyang sabi. Pilit niyang pinunit ang damit ko. He touches my chin and kisses me hard. Sinusubukan ko pa din siyang itulak pero napakalakas niya.

"Stop." Sabi ko nang sa leeg na niya ulit ako hinahalikan.

"After this, get lost!" I feel his hand moving on my body. I feel my tears are falling. Shit! This is hurt. Paano niya tong nagagawa sakin? Ayaw man niya sakin o hindi, hindi dapat niya to ginagawa sakin.

"Stop, please!" I begged. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Pinagpapatuloy niya lang ang paghalik sakin. "Please, stop!" I almost scream. He finally stop. Binitawan na niya ko.

Niyakap ko ang sarili ko at napaupo sa sahig habang umiiyak. Ramdam ko ang panginginig ko sa takot. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya to sakin. Oo, heartless siya pero hindi niya gawain ang mang baboy ng tao.

Bwiset siya!

Bwiset siya!

Isniuot niya sakin yung polo shirt niya. "Sorry." Kalmado niyang sabi. Mas lalong lumakas yung iyak ko. He tapped my head pero hinawi ko agad yun.

"Alam kong annoying akong babae pero hindi mo dapat sakin ginawa to!"

"Alam ko. Pasensya na." He sighed heavily. "Ihahatid na kita." Hindi ko alam kung sinabi niya yan para maassured akong sincere siya sa pag so'sorry o para matapos lang ang pag uusap namin.

"Wag na kaya ko sarili ko!"

"No, please... ihahatid na kita."

"Don't worry hindi naman ako didiretso ng pulis eh." Sarkastiko kong sabi.

"Barbie kung gusto mo kong isumbong sa mga pulis okay lang, i deserve that. Pero ihahatid pa din kita. Ayusin mo na sarili mo para makaalis na tayo." Kalmado niyang sabi pero hindi parin mawala ang tono ng pagkairita. He stands. "Hahayaan na muna kitang magbihis. " Kahit sa ganitong sitwasyon iritado pa din siya sakin? Grabe! Ngayon na pa mukha na niya sakin na sobrang ayaw niya sakin.

Tinuro niya sakin ang papunta sa banyo para makapag ayos ng sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Magulo na ang buhok ko ngayon mula sa pagkakapusod. Yung mga mata ko ayaw tumugil sa pag luha. Yung labi ko may maliit na sugat mula sa pagpilit niyang pag halik sakin. Yung tshirt ko na bagong bili ngayon ay punit na. Yung mga wrists ko na hanggang ngayon ay masakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Bwiset talaga siya! Bakit ko ba minahal yung gagong yun? Bakit ba ko naghahabol sa lalakeng walang puso? Bakit ba ko nagkagusto sa lalakeng kahit katiting walang nararamdaman sakin?

I wiped my own tears. Nilugay ko na lang yung buhok ko at sinuklay gamit lang ang kamay ko. Hinubad ko yung t-shirt ko at sinuot yung polo shirt niya.

My HEARTLESS ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon