Three

340 24 1
                                    

Please... Comment and Vote. Thanks. :)

---------

Hindi ako halos nakatulog kagabi. Wala kong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Kaya tuloy yung mga mata ko na mumugto na kaya kahit anong pilit ni Toru na mag shopping na kami hindi ako pumapayag dahil nga dito sa mga mata ko.

Pag dating naman sa pagkain, wala akong gana. Akala ko noon kalokohan lang yung sinasabi nilang halos hindi ka makakain pag brokenhearted ka, totoo pala. Kasi naiexperience ko na ngayon yun. Nakakainis lang dahil kailangan ko pang ma experience to!

Hapon na nang makalabas kami ng Apartment at nag shopping sa Mall. Wala kaming ginawang dalawa ni Toru kundi mag shopping. Yung totoo enjoy din naman pala to, bakit ba hindi ko to ginawa noon? Masyado kasi akong naka focus lang kay Daniel, wala na kong iniisip kundi si Daniel lang. Kaya tuloy tong mga simpleng ginawa ng mga babae eh hindi ko nagawa.

"Boy hunting naman ang next." Bulong sakin ni Toru.

"Kumain muna kaya tayo?" Suggest ko. Ang totoo hindi ko alam kung kaya ko na bang mag boy hunting baka kasi ikumpara ko lang yung mga lalakeng yun kay Daniel eh.

"Buti at nagyaya kang kumain. Hindi ka padin kasi kumakain eh."

Pumunta na kami sa isang kainan. Habang kumakain narinig ko sa television ang pangalan ng Construction Company ni Daniel. Napatingin ako sa t.v at laking gulat na ang binabalita sa t.v ay na sangkot sa isang Car accident si Daniel. Fuvk! I stand.

"Oh Barbie, may problema ba?" Toru asked.

"Si Daniel na aaksidente!"

"What?" Nanuod na din siya ng balita. Shit! shit! Anong ng nangyari sakanya? Nasaan siyang hospital? Diyos ko sana naman okay siya. Kinuha ko agad yung cellphone ko para tawagan siya pero ring lang ng ring yung cellphone niya at walang sumasagot. Tumawag din ako sa office niya pero wala ding sumasagot.

I called Nathan yung co-owner nang Company at kaibigan ni Daniel. Mga tatlong ring bago niya sinagot.

"Nathan, kamusta si Daniel?" Tanong ko.

"Annoying Girl, you heard about the news?" He asked. I roll my eyes.

"Yah, Where is he?" Sinabi niya sakin kung saan naka confine si Daniel. Dali dali akong lumabas ng kainan kung nasaan kami ni Toru.

"Wait, B. Sasamahan kita." Toru shouts.

Sumakay kami ng taxi ni Toru at pumunta sa hospital na sinabi ni Nathan. Hindi ko maiwasang kabahan sa nangyari sakanya. Sana naman na galusan lang siya. Sana hindi malala. Kailangan ko na siyang makita mababaliw na ko kakaisip kung kamusta na siya.

Alam kong nangako na ko sakanya na lalayo na ko pero siguro naman pwede ng exemption ngayon dahil naaksidente siya.

Nang makarating kami sa hospital, hinanap agad namin kung saan kwarto nandun si Daniel. Nakita ko si Nathan na nakaupo at nakatingin lang kay Daniel na nakahiga na may benda sa ulo at may unti pang galos sa mukha. Shit! Mas malala pa to sa naiisip ko.

Dahan dahan akong humakbang papalapit sakanya. "Daniel?" I called him. Hindi siya nag response. I feel my tears are falling.

"He's stable now. Kailangan lang natin mag hintay na magising siya." Nathan said.

"Ano bang nangyari?"

"He was drunk. Naglasing siya dahil nakokonsensya siya sa ginawa niya sayo kahapon." Tinignan ko ng gulat na gulat si Nathan. Nakokonsensya siya sa ginawa niya? Kung iisipin mukha nga dahil sorry siya ng sorry kahapon. Pero bakit kailangan pa niyang magpakalasing?

Bwiset! Kasalanan ko pala to. Kung hindi ko siya pinuntahan kahapon wala sanang nangyaring ganun at hindi siya nag pakalasing ng sobra.

Wala sana siya dito sa hospital ngayon.

"B. Let's go, he's fine now." Toru said. I shake my head. I don't want to leave him. I'll wait until magising siya. Wala akong pakialam kung mainis na naman siya sakin sa pag gising niya dahil nandito ako. Gusto ko lang masigurado na okay na talaga siya.

"Mauna ka na T."

"Are you sure?" She asked. I nodded. She sighed. "Okay."

"Sasabay na ko sayo." Nathan said. He stand. "Annoying- I mean Barbie ikaw munang bahala dito uuwi muna ko sandali para makapag pahinga at makapag bihis na din." I nodded to him.

Dinala ni Toru yung mga pinamili namin mula sa pag sho'shopping at sabay na silang lumabas ni Nathan. Kinuha ko yung silyang inuupuan kanina ni Nathan at inilapit ito sa kama ni Daniel. Umupo ako at hinawakan ang kamay niya.

"Daniel wake up. Pinapatawad na kita sa nagawa mo, please lang gumising ka na. Mahal na mahal kita."

Yes, i love him.

Kahit ano pang trato niya sakin mahal na mahal ko pa din siya. Kahit sobra na kong nasasaktan dahil sa mga ginagawa niya mahal na mahal ko pa din siya. Kahit ayaw niya sakin mahal na mahal ko parin siya. Tanga na kung tanga basta mahal ko siya. Ngayong nandito siya ganitong sitwasyon hinding hindi ako lalayo. I promise to be to his side hanggang magising siya.

"I love you." I whispered at his ear.

My HEARTLESS ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon