Six

508 23 5
                                    

Kailan pa siya naging sweet nang ganito? Talaga ngang may damage siya utak dahil nasasabi na niya ang di niya nasasabi noon. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sakanya. He chuckled, looking at my lips.

We heard Nathan cleared his throat. Sabay kaming napatingin sakanya. "Uuwi na muna ko para makapag solo kayo dyan." He winks at us... no actually mukhang para sakin yung pagkindat na yun. Isang malisyosong kindat.

Tinulungan ko si Daniel na humiga sa kama niya at kinumutan siya. Ito ang unang beses na babatayan ko siya nang gising siya kaya medyo kinakabahan ako. Wala pa naman ngayon si Nathan.

Tahimik lang kaming dalawa. Wala akong maisip na sabihin. Natatakot kasi ako na baka pag nagsalita ako magalit agad siya.

"May kwineto pala sakin si Nathan." Sabi niya na bumasag sa katahimikan namin. Ano na naman kayang kwinentong kalokohan ni Nathan sakanya. Sana hindi yung, nadapa ako sa harap niya noong college kami.

"Ano yun?"

Umiwas siya ng tingin. "Sinubukan ko daw na pagsamantalahan ka." Bakit pa niya kwinento yun? Kalalaking tao napaka daldal. "Tinanong ko siya kung paano ako naaksidente ang sabi niya, pinuntahan ko siya nun para makipag inuman dahil nga sa ginawa ko sayo." He said sensing my thought.

"Nakapag sorry na ba ko sayo? Kung hindi pa, sorry." He added.

"Nag sorry ka na sakin noon. Pinapatawad na kita." I calmly said.

"Salamat, though i know i don't deserved that. Yung ginawa ko sayo, mali talaga yun." He said disapprovingly.

"Kalimutan mo na yun..." I paused. I chuckled. "Nakalimutan mo na pala yun, nakwento lang pala sayo yun." I said smiling. He grins. My smile fades. Umiwas agad ako ng tingin. Wag kang ngingiti dahil lalo lang akong naiinlove. Mas lalo lang akong mahihirapan sa paglayo ko kung makikita ko pa tong ngumingiti sakin.

"Mag pahinga ka na." Utos ko.

He shakes his head. "Gusto pa kita makakwentuhan." Ano namang ikukwento ko sakanya? "Ilang taon ka ng suitor ko? Sabi ni Nathan matagal na daw." He asked grinning.

"Mukhang madami ng kwinento sayo si Nathan ah." Bwiset siya!

He nods. "Hindi nga lang siya ditalyado magkwento."

"Bakit kasi ako pa pinagkukwentuhan niyo?" Hindi ko maiwasan ang tono ng pagkasarkastiko sa boses ko.

"Gusto ko pag ikaw yung topic. It makes me laugh."

"What am i, a clown?"

He laughed pero tumigil din agad nakaramdam siguro ng sakit sa katawan nung tumawa siya. "I just can't believe na may babae palang nanliligaw." I roll my eyes.

"Dati yun!" Paglilinaw ko. He smirked.

"Di na ngayon?"

"Magpahinga ka na nga lang!" Tumayo ako at naglakad papunta ng pinto. "Iinum lang ako." I said to him. Ang totoo hindi naman ako iinum eh. Baka kasi pag hindi pa ko lumabas ng kwarto niya baka lalo niya lang akong pag tripan at pag tawanan.

Hindi ko din naman maiwasang matuwa dahil ito ang unang beses na nagusap kami na maganda ang mood niya at hindi nagsusungit. Tumatawa pa. Bakit ba hindi lagi ganun ang mood niya noon?

Pag pasok ko ng kwarto niya. Mukhang tulog na siya dahil nakapikit na pero pwede ding nag tutulog tulugan lang siya.

"Daniel? Tulog ka na?" I asked. Hindi siya sumagot. Tulog na nga ata. Ang bilis naman niyang makatulog? Umupo nalang muna ako at pinagmasdan siyang matulog.

Hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan ko yung reaksyon niya kung naramdaman ba niyang ginawa ko yun at mukha namang hindi.

"I'm happy that you're okay now." I whispered. I kisses his hand. "I love you."

I chuckled. Tuwing tulog nalang siya lagi kong nababangit ang salitang i love you, kailan kaya darating yung panahon na pag gising naman siya at nakatitig ako sa mga mata niya?

Ayokong umasa, masakit ang umasa!

Alam kong kahit kailan hindi mangyayari yun. Siguro hanggang sa pagtulog nalang talaga niya ko magagawang sabihin yun.

Naramdaman kong gumalaw yung kamay niya. Napatingin ako sakanya, he's smiling at me.

"I heard you."

Binitawan ko agad yung kamay niya. "Huh?" I innocently asked. Shit, he heard me. He grins. Oh Gosh!! "Aren't you mad?" I asked.

"I'm not." He's not? Hindi ako makapaniwalang hindi siya galit. The last time na sinabi kong mahal ko siya, sinuntok niya yung pader sa sobrang inis.

"I wish i know what you are thinking."

"Naninibago lang ako sa trato mo sakin."

"Was i really bad at you?"

Yes!

"Not that bad... just a little."

"I hate myself for doing that to you. Sana may magawa ako para mabawasan kahit kunti yung mga kasalanan ko sayo."

"Mag pagaling ka, okay na sakin yun." He smiles. I smile.

My HEARTLESS ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon