Five

335 23 0
                                    

As i enter on our Apartment i saw Toru sitting on the couch while looking at her laptop. Tumabi ako sakanya at isinandal yung ulo sa balikat niya. Nakita ko na ina'update na naman niya yung fashion blog niya.

Super thankful ako sakanya dahil iniitindi niya ang pagiging baliw ko kay Daniel. Siya kasi ngayon ang umaasikaso dun sa Cafe na minamanage naming dalawa.

"Gutom ka ba?" She asked. I shake my head. "How's your Daniel?"

"He's not my Daniel."

I heard she chuckled. "Ngayong may Amnesia na siya at di maalala kung gaano siya ka annoyed sayo, may chance ka ng magustuhan niya."

I looked at her. "What do you mean, mag take advantage ako dahil may Amnesia siya?" She nods. "Hindi ko gagawin yun nu."

"Pero malay mo naman diba?"

"Whatever. I won't do it. Sabihin na natin na gawin ko yun tapos nakagusto nga siya sakin, paano kung bumalik na yung memory niya? Diba parang napakasakit naman nun? Isang araw inlove siya sayo the next day magigising nalang siya na hindi naman pala." Tsaka kahit may Amnesia siya parang napaka imposibleng mainlove sakin yun. Si Daniel pa din naman kasi yun eh.

"Hmm.. that makes sense. Kalimutan mo nalang yung sinabi ko." I roll my eyes.

Pumasok na ko ng kwarto ko at humiga. Na miss ko tong kama ko. Ilang araw na din mula nung nakahiga dito.

Sinubukan kong burahin sa utak ko yung sinabi ni Toru kaya lang mahirap. Kung iisipin parang umiba nga yung ugali ni Daniel. Pala ngiti na siya ngayon, nginingitian na niya ko ngayon. Parang hindi na din siya iritado pag nakikita ako. Nakakatuwa kung iisipin pero hanggang kailan naman kaya siya ganun sakin? Baka mga ilang araw lang mula ngayon makaramdam na siya ng inis sakin.

Tanghali na ng magising ako. Hindi pa din ako nakakapag bihis mula sa suot ko kahapon. Pagkahiga ko pala nakatulog na agad ako. Kinuha ko agad yung cellphone ko para tawagan si Nathan, gusto kong kamustahin si Daniel.

"Nathan, kamusta si Daniel?"

"He's fine. Kakagising mo lang ba? Halata sa boses mo eh."

"Oo."

"Ganun mo kamahal si Daniel kahit kakagising mo palang siya na agad pumasok sa isip mo?" I know he's teasing me.

"Gusto ko lang naman siya kamustahin."

"I'm okay." I heard Daniel voice. I froze. "Nathan handed me his phone. Kailan ka bibisita ulit?" Gosh! Ito ang unang beses na nakausap ko siya sa phone. Kasi naman never niya sinasagot mga tawag ko nun.

"Uhm... mamaya siguro." I sense his smile.

"See yah." See yah daw? Ohmy.. hindi pa siya umay sakin. Sabagay kahapon palang naman niya ko nakilala ulit. He hangs up.

Naligo muna ko bago lumabas ng kwarto ko. Walang bakas ni Toru akong nakita. Siguro nasa Cafe na siya. Pumunta ako sa Dining area at nagluto ng pwedeng kainin.

Tinext ko muna si Toru na didiretso na ko sa hospital para hindi na siya magalala sakin at hanapin na naman ako.

Pag dating ko ng hospital, nakita ko si Nathan na nasa labas ng kwarto ni Daniel at may kausap sa cellphone narinig kong nabangit niya yung pangalan ng fourman nila. Tumingin at tumango lang siya sakin. Pumasok na ko ng kwarto ni Daniel at laking gulat ko na makitang nagbibihis si Daniel. Napatili ako pero tinakpan ko din naman agad yung bibig ko at tumalikod. Bwiset na Nathan yun di manlang sinabi na nag bibihis pala si Daniel.

"Nandito ka na pala." I heard him said.

"I'm sorry, hindi ko alam na nagbibihis ka pala." I quickly apologize.

"It's fine. Actually i need help, pwede mo ba kong tulungan?"

Dahan dahan akong humarap sakanya. "Anong maitutulong ko?" Hindi ko maiwasang tignan siya sa katawan niya.

Wag kang tumingin..
Wag kang tumingin..
Wag kang tumingin.. Paulit kong sabi sa sarili ko.

"Itong hospital dress hindi ko masuot, medyo masakit pa kasi yung balikat ko eh." Bakit kasi hindi ka nagpatulong sa nurse o kaya kay Nathan? Gusto ko sanang sabihin yun kaso di ko tinuloy, baka kasi mainis na naman siya ulit sakin.

"Nahihiya kasi akong mag patulong sa nurse, awkward din naman kung kay Nathan ako magpapatulong kasi lalake siya." He said sensing my thought. Wow naging psychic na ba siya? Lumapit ako sakanya at tinulungan siyang isuot yung hospital dress niya.

Damn he so hot!

Behave yourself, Barbie!

"Malapit na ko makalabas ng hospital, lalayo ka na ba?" He asked. I looked at his eyes. He's serious. I looked down. Ayaw na ba niya ko makita kaya niya tinatanong yan? "Uhm.. wala akong ibig sabihin dun sa sinabi ko. Tinatanong ko lang kung gagawin mo pa din ba yung pinangako mo sakin noon."

"Oo." Matipid kong sagot.

"Bakit pa? Eh hindi ko naman naaalala yun."

"Dahil pag naalala mo yun at nakikita mo pa din ako, siguradong magagalit ka sakin."

"Paano mo naman nasabi yun?"

"You're always mad at me."

"Talaga?" I nodded. "Ang pangit pala ng ugali ko kung ganun. Wala akong makitang dahilan para magalit sayo."

"Sa ngayon, siguro wala." Hinawakan niya ko sa chin at pinatingin ako sa mga mata niya. He smiles.

"Don't looked down. I like seeing your eyes. It's beautiful."

My HEARTLESS ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon