Chapter 11-Secrets of the past

61 15 0
                                    


Ria's P.O.V

"Headmaster,bakit niyo po ako pinatawag dito?"

"Gusto ko lang kamustahin ang pamamalagi mo dito sa elite academy.How do you find your stay her?"tanong niya.

"Uhmm,okay lang po.Nag eenjoy talaga ako dito."sabi ko.

"Buti naman,maiba nga tayo kilala mo ba kung sino ang nagpadala sayo dito?"tanong niya.

"Hindi po,ang alam ko lang ay nanahimik ako sa kwarto ko ng bigla akong kinuha ni Drake,pro mas okay na yun kasi nag eenjoy na ako dito."tugon ko.

"Ahhhh!alam mo ba kung bakit may Heads at bakit napatayo ang paaralang ito?"tanong na naman niya.

Haiiyst.Ang damin tanong eh di ko naman alam ang sagot.Common sense po,common sense!Tsk.

"Mukha po bang alam ko?"i said in a sarcastic tone.

Eh naiinis na ako eh,alam naman niyang wala akong alam dito bakit pinagtatanong niya pa ako.

"Sorry po,ang ibig ko pong sabihin wala po!"sabi ko.

Tumayo siya sa pinaguupuan niya at ipinakita ang isang libro.
Nabasa ko ang pamagat ng libro.

"The prophecy!Ito ang libro na isinulat pa ng mga ninuno natin."sabi niya.

Whooa..Galing ah!may mga secrets pa pala at revelations na di ko pa pala alam.Interesting!

"Ayon sa propesiya.May magwawasak sa mundong ito.Tinatawag nila itong the Destroyer."sabi niya.

Huh?may magwawasak sa planetang earth?bakit?

"Alam kong nagtataka ka ngayon, kung bakit may magtatangkang wasakin ang mundong ito.Ito ay dahil sa ang buong katauhan ng taong tinutukoy ko ay babalutin na ng kasamaan.Kaya naipatayo ang paaralang ito upang ituro sa bawat katulad natin ang tamang paggamit ng mga abilities natin,para maiwasan natin ang destroyer.Pero kung di talaga maiiwasan dadaanin na namin ito sa dahas kaya nga may HEADS ang hukbong ito ay panlaban sa destroyer."sabi niya.

Ahhh!may katuturan pa rin pala ang mga heads na yan akala ko grupo grupo lang yan para sumikat gaya ng SSS pro di pala may layunin pala sila.

"Ang heads ang protectors ng academing ito.Si reyna Jailyn na namumuno sa Good forces noon at si Crisanto na pinuno ng bad forces ay nagkaroon ng lihim na relasyon.Kaya lang imbis na magkasundo ang dalawang panig na ito iginiit ni Crisanto na wasakin at patayin ang lahat ng tao at mamuhay ng masaya ang mga katulad natin mga may special abilities,galit kasi siya aa mga tao kaya nagkaroon ng digmaan sa dalawang panig.Sa panahon ngayon nalupig na namin ang lahat ng bad forces kabilang na dun si Crisanto.Kaya lang nagbunga ang kanilang pinagbabawal na relasyon.Nagkaanak si reyna jailyn at sa takot ng reyna pinadala niya ang sanggol sa mundo ng mga tao upang mabuhay ng normal doon dahil naniniwala siya na hindi Destroyer ang kanyang anak.Ang reyna naman ay biglang nalang nawala.
Malaki pa rin ang misteryong naiwan sa pag alis ng mag ina.Ang mga sikretong ito ay inililihim namin sa mga ordinaryong mag aaral."sambit niya.

Huh?bakit niya ito sinasabi sa akin?

"Bakit mo sinabi lahat to sa akin headmaster?"tanong ko with an eyebrow raised.

"Dahil alam kong may alam ka,ang yong kaibigan ang nagpadala sayo dito at siya ay maaring ang destroyer na tinutukoy ko kaya ayaw niyang pumunta dito."tugon niya.

"Huh?wala po akong kaibigan na may kapangyarihan!"sabi ko.

"Di mo pa alam,malalaman mo rin SA TAMANG PANAHON."sabi niya at tsaka bumalik sa kinauupuan niya.

"Sige that's all for this day,goodbye for now ria."sabi niya.

Wait!di pa ako naliliwanagan ang dami ko pang tanong na dapat niyong sagutin.

The Destroyer's RedeemerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon