Wynna's P.O.V
"This is enough!"sabi ni Hyacinth para matigil na ang labanan.
"Patay!nandito ang tatlong miyembro ng heads!"bulalas ko.
Lumapit si Hyacinth sa amin.Siya ang pangalawa sa pinakamalakas sa Heads,siyempre si Death yung una.
"Bakit ba nagkakagulo dito?"tanong niya sa amin.
"Ang SSS ang nagpakana nito."sabi ni Thea.
"Bakit?bakit sila nandito?"bulong ni Death sa sarili niya habang tumitingin kay Iliana na nakahiga at kay Blaze.
Ria's P.O.V
Haaay!salamat naman at dumating sila upang maitigil na ang kahibangang ito.
Lumabas naman kaming dalawa ni Blaze sa central field at may bumuhat naman sa walang malay na sina Josh at Fiona.
"Anong ginagawa niyo dito?"tanong ni Drake kay Blaze.Makikita mo ang galit sa mata niya.
Bakit?bakit sila magkakilala?
"Tapos na ang palabas na ito!Bumalik na kayo sa mga classes niyo."sabi ng babae na nagsalita din kanina.
"Tama si Hyacinth!bumalik na kayo ngayon din!"Utos ng lalaki.
Hyacinth pala!!
------------------------------------------------
Parang ilang oras akong nakatulog at pagkamulat ko sa aking mga mata ay nalaman kong nasa clinic pala ako.
"Haaay salamat gising ka na!"sabi ni Wynna na nasa gilid ko.
"Para kang mantika kung makatulog!"pang aasar sa akin ni Josh.
Naalala ko na ngayon idinala pala kami sa clinic upang gamutin.Kahit papaano may nakuha akong galos galing kay Fiona.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong clinic.
"Nasaan sina Blaze?"tanong ko.
"Di namin alam si Iliana lang ang dinala dito kaya lang paggising niya umalis din siya kaagad."paliwanag ni Wynna.
"Uy,magmadali ka na diyan may classes pa tayong hahabulin malapit na yata ang show off no!"sabi niya sabay batok sa akin.
"Aaaray naman,ito na nga oh!maghahanda na!"
Dahil sa pangbabatok niya naalala ko tuloy si Dianne,haay namimiss ko yung bestfriend ko.Siya kaya miss niya kaya ako?
Pumunta ako sa kwarto ko at naghanda.Kailangan kasi na pumasok na ako ngayon marami akong classes na hindi napasukan simula pa kahapon.
Pumasok na ako at nandoon na rin silang lahat.
Drake's P.O.V
"Ano bang kalokohan to Blaze?bakit ba kayo nandito?"tanong ko sa kanya.
"Kuya! Gusto naming maranasan maging kami.Pagod na kami ni Iliana magpanggap at mamuhay doon sa mundo ng mga tao."sagot ni Blaze.
"Di ba sabi ko sa inyo na sobrang delikado dito!"pasigaw kong tugon.
"Hindi ko maintindihan kuya,Wala namang delikado dito isa lang tong paaralan para sa mga katulad natin.Ano bang pinag aalala mo?"
"Wala kang alam Blaze!Wala!"sabi ko.
"Please kuya Drake!Hayaan niyo na kami dito ni kuya Blaze.Dito kami masaya!please!"sabi ng bunsong kapatid ko.
"Alam kong mahina pa ako kaya gusto kong matuto dito.Please wag mo kaming ilayo sa lugar na kinabibilangan namin."dagdag pa niya sabay iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/66142571-288-k610731.jpg)
BINABASA MO ANG
The Destroyer's Redeemer
FantasyRia Allison Gomez was just an ordinary girl.She had a typical life,not until her 18th birthday.Something unusual happened.A creepy stranger appeared and dragged her into Elite Academy wherein special abilities are enhanced.She was shocked at first,n...