Chapter 17-missing my bestfriend

47 10 7
                                    


Pumunta na ako sa dining hall at pumwesto sa 1st year's table.

"Teka nga lang!"nakatingin si Thea sa akin mula ulo hanggang paa.

"Parang iba ka ngayon ha!blooming eh!"nahalata talaga niya.

"Ah eh!wa-wala!"kinabahan tuloy ako.

"May nangyari ba na hindi namin alam?"tanong ni wynna.
Oo,meron si blaze pinakilig ako eh!

"Wala!"in denial ang peg ko.hihi.

"Uy,ngumiti siya oh!"pang aasar sakin ni Josh.

"Aaaaaayyyiieh!"sabay na tili nina thea at wynna.

Nabibingi ako sa ingay nila.

*paused*

"Uy,bakit nag iba ang timpla mo diyan?"tanong sakin ni josh.

"Kasi namimiss ko siya!"

Naalala ko kung paano kiligin at tumili si Dianne noon dahil sa secret admirer ko na si Blaze naman pala.Naalala ko ang mga pinagsamahan namin.Namiss ko tuloy si Dianne.

"Namimiss ko ang bestfriend ko!"

-----------------------------------------------

Dianne's P.O.V

Pumunta ako sa bahay nina Ria.Ilang araw na rin siyang nawawala.Pinahanap na siya ng kanyang 'tinuturing' na mga magulang.

"Oh ija!kanina ka pa ba diyan?"tanong sa akin ni Tito Ginno(daddy ni Ria)

"Kakadating ko lang po tito,gusto ko lang kayong kamustahin,nasan ba si Tita lanie?"tanong ko.

"Ayun !sa taas,umiiyak pa rin dahil sa pagkawala ni Ria,sinisisi pa rin niya ang sarili niya."halatang malungkot din si tito.

"Pwede ko ba siyang makausap tito?"

"Oo puntahan mo siya,nandun siya sa kwarto ni Ria."sabi niya.malungkot talaga sila sa pagkawala ni Ria.

"Sige po,salamat!"nginitian ko siya at ngumiti din siya,kahit pilit.

Dumiretso na ako sa kwarto ni Ria.

*iyak*

*iyak*

*iyak*

Nasa labas pa lang ako ng kwarto pero rinig na rinig ko pa rin ang pag iyak ni tita laine.

Pumasok nalang ako.

"Tita laine"

Lumingon siya sa akin at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Dianne,bakit ka nandito?wala pa rin si Ria eh!"at humagulgol na naman siya.

"Tita,tahan na!di mo yun kasalanan!"i tried to comfort her.

"Hindi!
kasalanan ko yun,hindi ako naging isang mabuting ina sa kanya!"umiyak na naman siya.

Umupo nalang ako sa kama at nakinig sa kanya.

"Naging pabaya kaming magulang,naituon namin ang aming atensyon sa mga business namin,
di namin siya naalagaan.Di namin na iparamdam na mahal na mahal namin siya."umiiyak na naman siya.

"Baka yun ang dahilan,naglayas siya dahil sa amin.Baka may nangyaring masama sa anak ko."this time grabe na ang pag iyak niya.

"Tita,wag ka ng umiyak,sa tingin mo ba kung nandito si Ria gusto niyang makita kang umiyak?di ba hindi.Alam niyang mahal niyo siya tita at ganun din siya sa inyo."hinimas himas ko ang likod niya.

Umiyak na naman si Tita parang nakakahawa nga ang pag iyak niya eh,naiiyak na tuloy ako..pero hindi

"Tita,walang nangyaring masama sa kanya,"

The Destroyer's RedeemerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon