[5]
Pumapak muna ako ng pandesal at uminom ng kape bago lumabas ng maliit kong apartment.Kahit na walang almusal basta may laman ang tiyan okay na…kesa naman bigla nalang akong himatayin mamaya sa gutom no ?
Nagsimula na akong maglakad, malapit lang naman ang school eh.Pwedeng-pwede lang lakarin sa taong nagtitipid…
Malapit na ako sa kanto ng may apat na lalaking humarang sa daan ko.Anong problema ng mga ‘toh ?
Sinubukan kong dumaan sa gilid, humarang ‘yung isa.Sa kanan naman, humarang din ‘yung isa..Ano ‘toh patintro ang peg ?
“Hoy anong mga kailangan nyu ?” galit na tanong ko.Nakita kong nagkatinginan sila at dahang-dahang lumapit sa akin… “Putek ! Wag nyu akong lapitan wala akong utang sa inyu !” napaatras ako handing-handa na para sa mahabang takbuhan.
Bakit ba kasi walang taong dumadaan dito ? Usually naman basta ganitong maaga ang daming studyante at mga nanay na dumadaan dito ah.Hinahatid ‘yung mga chikiting nila sa kanto…
“Aaaaaahhhhhh-----“ may lalaking humawak sa kamay ko, st tinalian ito ng mabilis.Saan galing ang taling ‘yun ?
Lumapit naman ‘yung isa para takpan ng panyo ang bibig ko.At ‘yung hling lumapit kinarga ako ng parang isang sakong bigas.Saan nila ako dadalhin ?
Nakarating kami sa kanto, binaba ako noong lalaking kumarga sa akin at maingat na isinakay sa van na naghihintay sa amin.Nakita kong may tao pa sa loob ng van, pagkatapos sumakay ang lahat.Pinaharorot nya ang van ng walang kahirap-hirap.
Walang imikan habang nasa byahe kami, hindi ko tuloy malaman kung matatakot ako o hindi.Hindi naman kasi sila mukhang kidnapper eh, mukha nga silang mga body-guard ni Presidente.
At isa pa, may criminal bang ganito ang outfit ? Naka-long sleve at naka-slock ? Pagkatapos ng 30 minutes na byahe sa wakas huminto din kami sa…condo ni Dustin ?
Putragis wag nyang sasabihin sya ang nagpadukot sa akin mapapatay ko talaga sya ! Naunang bumababa ang mga lalaki, sumunod naman ako.Kinalag nila ang tali sa kamay ko pati ‘yung takip sa bibig ko…
Ako lang yata ang kinidnap na hindi man lang natakot sa mga kidnapper ko.Bakit naman kasi ako matatakot kung makikita mo ‘yung place na pagdadalhan sayo diba ? Mas nangingibabaw ‘yung galit ko ngaun eh…lalo na noong nagsalita ang isa sa mga kumuha sa akin.
“Ma’am akyat na po kayo sa taas, kanina pa po naghihintay si Master Dustin sa inyu…”Urgh ! Ang sarap putulan ng kaligayahan ‘yung tipaklong na ‘yun.
Nagmamaktol akong pumasok sa loob ng building, ngumiti sa akin ‘yung security guard.Pero inismiran ko lang at tuloy-tuloy akong pumasok sa elevator.Habang nasa elevator ako pinag-iisapan ko kung anong pwedeng isalubong kay Dustin.
Tatadyakan ko ba, susuntukin, bubugbugin ng hali---- Aish ! Saan naggaling ‘yun ?
*TING*
Ayan na…kating-kati na ang kamao ko para i-surprise sya gamit ito.Nag-doorbell muna ako para sosyal ‘yung entrance ko…
Dahan-dahang bumukas ang pinto, ang bagal pa talagang bumukas huh ! Kaya ang ginawa ko, itinulak ko ng malakas ang pinto sabay salubong ng suntok sa nagbukas.
“Grandpa! What did you do Allison ?!” –huh ? Hindi pa ba sapat ang suntok ko para patulugin sya.Bakit naririnig ko pa rin ‘yung boses nya ?
Tumingin ako sa paanan ko, hindi naman siguro ako nagkakamali diba ? Naramdaman ko naman talagang may bumulagta sa paanan ko eh !
Oh my God ! Hindi si Dustin ‘yung sinuntok ko kundi…isang matandang lalaki na kaparehas na kaparehas nya ng mukha.Kaya pala…What did you do Faith ?
“Ano pang tinatanga mo jan, tulungan mo kaya ako pwede ?”
Sa subra ko sigurong guilty sa ginawa ko imbes na tulungan si Dustin.Tumalikod ako at handa na sanag umalis…pero itong si Dustin hinawakan ba naman ako sa braso at pinabalik.
“Hey, where do you think your going huh ? Pagkatapos mong walang awing suntukin si Grandpa ay basta-basta ka nalang aalis na parang wala kang ginawang masama ?” His mad… sinu ba naman kasi ang hindi magagalit sa akin ?
I just pounch his grandpa, and for christsake matanda na ‘yan.Baka mapano dahil sa ginawa ko…
Humarap ako sa kanya ng naiiyak.. “Dustin…I’m sorry hindi ko naman sinasadya eh…huhuh.Sorry….akala ko kasi ikaw ‘yung magbubukas ng---“
“Kaya mo sya sinuntok ganun ba ? My God Allison hindi mo man lang ba naisip na baka hindi ako ‘yung magbubukas ng pinto.At hindi ako ‘yung masuntok mo ? Tingnan mo….paano kong may mangyaring masama sa lolo ko huh ? Matanda na ‘yang sinuntok mo !”
“I know..I know kaya nga nagsosorry ako diba ? At ikaw rin naman kasi ang may kasalan nito ehh…” paninisi ko sa kanya.Mukhang naguluhan sya sa sinabi ko kaya enixplain ko. “Bakit mo kasi ako pinakidnap huh ? Alam mo ba kung gaano ako kinabahan ng may apat na lalaking humarang sa akin at sinakay ako sa van pagkatapos dalihn ako dito ! Walanghiya ka, kung gusto mo akong papuntahin dito.Bakit hindi mo nalang sinabi----“
“Wait ! Wait ! Pinakidnap kita ? Are you crazy…bakit ko naman gagawin ‘yun ?”
“Ahhmmm…I’m the one who do it..”
“HUH ?”
“GRANDPA !”
***
“So, bakit nyu sya pinakidnap Grandpa ?” andito kami sa living room ng condo ni Dustin nag-uusap.
Ay mali..sila pala ‘yung nag-uusap, tahimik lang ako.Nakokonsenya pa kasi ako hanggang ngayun eh, kahit nakita kong halos walang epekto naman sa lolo nya ang suntok ko.
Nakangiti pa nga ito sa akin ng malamang ako ang sumuntok sa kanya.Nagkapasa nga sya sa panga,oo pero dating boksingero pala ang lolo nya.Kaya kahit ilang suntok pa abg ipatama ko sa lolo nya kakayanin pa nito.
I cannot believe sa tanda nito kaya pa daw nitong talunin sa suntukan si Dustin.Paanu pa kaya ako ?
“Because I want to see your lovely girlfriend grandson ! May nakapagreport sa akin that you have a new girl, at wala ka daw balak ipakikilala s akin.Ganun ka ba ka-threathen sa akin apo, natatakot kang oras na Makita ako ng girlfriend mo hihiwalayan ka nya?” Anu daw ?
Masyado namang feeling bagets ‘tong lolo ni Dustine, akala nya papatulan ko sya ? Ewws lang huh ! Hindi ba sya nandidiri sa mga sinasabi nya ?
“Kaya nga ayaw kong ipakilala sayo ang girlfriend ko because I know you Grandpa.I know you will this kind of thing para makilala lang sya…tsk ! “ tahimik lang ako…natatawa ng kunti sa usapan nila.
At…feeling ko ang haba ng hair ko, paulit-ulit kasing binabanggit nag f ako ni Dustin.Don’t get me wrong huh…hindi ko sya feel maging girlfriend nya.
“Oh shut up Grandson…gusto kong makilala ang mga taong na-iinvolved sa buhay mo.Kaya hayaan mo na akong makilala ang girlfriend mo okay ?” nakangising bumaling sa akin ang tingin ng lolo ni Dustin.
Si Dustin naman bumuntong-hininga lang at pinabayaan ang lolo nya.
“Hmmm…sir again sorry po talaga sa ginagawa hindi ko naman----“
“Oh it’s okay hija, alam mo ba sa tanang buhay ko ikaw ang nagbigay sa akin ng pinagmalakas ng suntok sa mukha ko ? Ang galing lang ! Mas malakas ka pang sumuntok sa apo ko, ang that’s really great.Atleast kaya mong patinuin ang babaero kong apo.You just have to pounch him hard…ahahah !”
Nababaliw nab a ‘tong lolo ni Dustin ? Hindi sya galit sa ginawa ko, Masaya pa nga sya eh !
Simula ng pumayag ako sa deal namin ni Dustin, feeling ko unti-unti ng nagbabago ang takbo ng buhay ko.Nakikilala ko ang pinaka-weird ng lolo nya, ewan ko nalang sa susunod kung sinu pang sa pamilya nya ang makikilala ko.
***

BINABASA MO ANG
Faithed To Desire You
RomanceRated SPG: This story is not suitable for very young and not open-minded readers.Marami pos yang bed scenes at kung ano pa mang kamanyakan sa katawan.So, kung hindi nyu poi to genre…try to look and search for another… Written By: Fantasy_Babe Starte...