CHAPTER 1
Si Kyle, Ron at Joan.
Makulimlim ang langit at maulan ng kunti, malamig-lamig ang simoy ng hangin sa pisngi dumadampi. Ang mga punong kahoy at mga sanga nito ay mistulang kalansay, mga dahong tuyo't kulay ginto ay nasa lupa na umaaligid ng kung saan tinatangay ng mahinang ihip ng hangin.
Chicago, IL., USA. Buwan ng November 2009.
Unang magkakilala sina Ron at Joan sa isang handaan. "Thanksgiving Day" noon at tuwing ika huling Huwebes ng buwan ng November idinadaos ang araw na ito.
Si Ron at Joan ay naging magkaibigan hangang sa, si Kyle ay naging tibok ng puso ni Joan.
Tatlong nilalang ang nasa loob ng hugis pusong kulungan. Bawat isa sa kanila ay may layunin, may kanya-kanyang pag-ibig at pag-nanais.
Si Kyle ay nakilala ni Ron sa isang Pub House, isang hapon ng "happy hour" noon. Tig isang boteng beer at platitong mani ang kanilang order bago sila nagkahiwalay pauwi ng kanilang tinitirhan.
Si Kyle ay nagtatrabaho sa Bank bilang Manager, samantala si Ron ay isang Writer. Si Joan ay isang Nurse at nagtatrabaho sa isang hospital.
Hindi ko akalain na umiibig ako, langit at lupa ang aming agwat. Naging mahina ako, pag-ibig ko ay akin na lamang, sa puso ko'y ikinukubli. Ayaw kong malaman niya at baka ako'y pagtawanan lang. Ako'y umiibig ng lihim. Anumang bagay ay handa ko ibigay kung sakali man kailangan niya ang kaligayahan. Ang kaligayahan na hindi maibigay ng iba sa kanya kundi ako lang.
Boracay, Aklan, Philipines. Buwan ng December, 2009.
"Tama na ayoko na" ang pagtatanggi ni Joan kay Kyle. "Ano? nasa kasarapan na tayo saka pa tayo hihinto!" ang patawang sinabi ni Kyle. Nagtatampisaw ang dalawa sa malamig at malinaw na tubig sa dagat. Ma-aaninag ang kaputian ng buhangin sa ilalim.
Si Ron ay nasa ilalim ng punong kahoy di kalayuan kina Kyle at Joan, nagsusulat ng isang kwento tungkol sa pag-ibig. Natatanaw niya ang dalawa, Kyle at Joan sa laot patuloy na lumalangoy at sumisisid. Si Kyle ay makisig, maganda ang katawan at maskulado. May kaitiman ng kunti si Kyle pero nababagay sa kanyang kutis at taas, suot niya ay isang manipis na pantalon hanggang tuhod ang haba at walang pang itaas. Ang katawan ni Kyle ay isang katangi-tangi kung kaya't nagugustuhan siya ng mga babae at mga lalaking may pusong mamon. Si Joan naman ay kaibig-ibig sa ganda ng hubog ng kanyang katawan at siya ay maputi. Taglay ni Joan ang isang babaeng kahit anong isuot nito ay laging nababagay sa kanya lalong-lalo na ang manipis at maliit na dalawang saplot sa kanyang katawan.
Si Ron ay may pakana nito kung bakit silang tatlo ay sama-sama sa kanilang bakasyon. Nagkaintindihan silang tatlo. Masaya! Hindi kaya bawat isa sa kanila ay may naramdamang pag-ibig?
May dalawang linggo pa ang natira sa kanilang bakasyon sa Pilipinas. Kaya naisipan nila na bumalik na sa Maynila.
Hindi ako makakatulog sa gabi. Naririnig ko ang mga patak ng ulan. Ang mga gumuguhit sa aking isipan habang ako'y nakahiga. Naala-ala ko pa kung paano ko siya nakilala ng gabing iyon.
Mahalimuyak ang aking pang-amoy. Ang tingin ko sa kapaligiran kahit walang sinag ng araw ay matindi ang mga kulay tulad ng isang painting sa kuwadro. Ang maamo niyang mukha kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwaglit sa aking diwa. Ito kaya ang tinatawag nila na pag-ibig?
Makati City, Metro Manila, Philippines, Buwan ng January 2010
Sa Starbucks ng Mega Mall, nandoon ang tatlo; Ron, Kyle at Joan. Pinag-usapan nila ang pag-babalik nila sa Chicago.
Si Ron ay halos lahat ng kanyang kamag-anak ay nasa America na kaya wala siyang kakilala na kamag-anak sa Pilipinas. Si Kyle ay filipino ang mga magulang pero sa America na siya ipinanganak. Si Joan ay half white, half pinoy.
"Hey Ron! anong plano mo ngayong araw?" ang tanong ni Kyle habang sunod-sunod niyang iniinom ang kanyang kape. "Pagkatapos dito, babalik muna ako sa hotel, magpahinga lang ng kunti tapos mag gy-gym ako" ang sagot ni Ron na mukhang pagod at inaantok. "Ikaw Kyle may pupuntahan ka ba? ang tanong ni Ron na mukhang may gustong itanong pa kung kasama si Joan. "Mayron Ron" si Joan na ang sumagot sa kanyang katanungan. "Cge guys, mauna na ako, magkita na lamang tayo sa dinning hall ng hotel mamaya for dinner" maluha-luha ng tumalikod na sa kanila si Ron.
Ano kaya kung sabihin ko na, iniibig ko siya. Ipagtapat ko na ba sa kanya ang aking tinitimping damdamin? Hindi ko na kaya, masisiraan ako ng ulo sa kaiisip sa kanya. Minahal ko na siya ng higit pa sa aking buhay. Nasa puso ko na siya talaga at hindi ko na siya mai-alis. Sana hindi pag-ibig ang naramdaman ko, sana ay kamuhian ko siya para kusa na lang ako lalayo sa kanya.
"Si Kyle at si Joan ay sa kasalukuyan nanood ng sine ng mga oras na yon. Hindi nila inaalintana ang palabas kundi tahimik sila na nakiramdam sa isa't isa. " Pwede ko ba mahawakan ang iyong mga daliri" ang bulong ni Kyle kay Joan. Hindi kumibo si Joan at sa halip hinagilap niya ang kamay ni Kyle at hinawakan. Pinisil-pisil pa ni Joan ang mga daliri ni Kyle, hanggang sa inilapit ni Kyle ang kaniyang mga labi sa may tainga ni Joan at ibinulong ang mga katagang "Mahal kita Joan".(End of Chapter 1) ...to be continued.
BINABASA MO ANG
NOVEMBER LOVE
RomanceWalang nakaalam sa nangyari kagabi, ipinag-lihim nilang dalawa, Kyle at Ron kay Joan na may namagitan sa kanila. Isang lihim na hindi dapat makarating sa kaalaman ni Joan.