Chapter 2: Sa Kuwarto ni Ron

511 2 5
                                    

                                                                                        CHAPTER 2

                                                                                   Sa Kuwarto Ni Ron.

Hindi ko akalain darating sa akin ang mga bagay na hindi ko naramdaman dati at sa kasalukuyan ganito na ako ngayon. Ayaw ko ng ganitong damdamin, naging alipin ako sa aking sariling pag-iisip. Hindi tama ito! kailangan putulin ko na, ngunit papaano? May kasagutan ba ang lahat ng aking mga katanungan? Sino ang makakasagot? Masasagot ko ba at takasan ang mga sumasagabal sa aking budhi? Maraming tanong ngunit isa lang ang magiging sagot nito kundi ang... "kamatayan"

Nasa loob ng bathroom si Ron, binuksan ang gripo sa bathtab at humarap siya sa salamin.

Habang nasa harap ng salamin si Ron ay minamasdan niya ang kanyang mukha at bahagyang nakangiti.

"Paglabanan mo Ron ang iyong damdamin" nagsalita ang kaharap niya na nasa salamin. "Paano?" ang tanong niya sa kanyang sarili.

"Hubarin mo lahat ang yong mga damit at tingnan mo ang iyong buong pagkatao sa harap ko" ang nagsasalitang anyo niya sa salamin.

Naghubad si Ron, minamasdan niya ang buo niyang pagkatao. Lalaki ang buo niyang anyo subalit may pagkakaiba sa kanyang nakikita sa salamin. Isa siyang babae sa salamin, maganda, mahaba ang buhok, seksi at mapang-akit.

Nabulalas siya sa kanyang nakita!

"Hindi!" ang galit niyang sinabi sa kanyang sarili.

"Paano nangyari ito! Hindi ako babae, ayaw ko ng ganitong hitsura..ayaw ko! lalaki ako!" napahiyaw si Ron habang may hinahanap. Luhaan ang kanyang mga mata ng mapagtuunan niya ang isang sisidlan na yari ng leather.

Mabilis ang mga pangyayari. Hawak niya ngayon ang isang shaving blade, nakuha niya ito sa kanyang "tote purse".

Lumusong siya ng dahan-dahan sa bathtab at humiga. Ang tubig ay halos umaapaw na, hindi niya napapansin ito. Ang alam niya ay tatapusin na niya ang kanyang buhay.

Ganyan ang paniwala ni Ron. Siya ay hindi nababagay sa mundong ito. Pakiwari niya siya ay hindi tao. Magkaiba sa karamihan ang kanyang akala. Pakiramdam niya, siya ay kalaban ng sanlibutan. Walang lakas na loob para paglabanan ang mga bagay na sumasanib sa kanya, ang isang abnormal na damdamin. Dito sa lupa, may mga anghel na bumaba at naging tao. Hindi lahat ng anghel ay mabuti, mayron ding masama. Dahil sila ay nagpakatao, sumasanib sila sa katauhan ng mga tao na narito sa lupa. Si Ron ay nasaniban ng masamang babaeng anghel. Ang anghel na gusto niya ang ganito, sa pagkatao ni Ron.

Pagsapit ng dilim, ang mga ilaw sa mga matataas na gusali ay umpisa na lumiwanag. Mga neon lights at mga ilaw ng sasakyan ang siyang nagbibigay buhay sa kadiliman ng gabi. Buong kamaynilaan ay buhay na buhay sa liwanag dulot ng iba't ibang kulay ng mga ilaw na sumasayaw sa kalawakan. Maihambing din ito sa mga tao. May madilim ang karanasan ng iba, kailangan ang ilaw ng pag-ibig upang maging kaaya-aya sa pakiramdam ng bawat isang sawi sa pag-ibig.

Sa Greenbelt, Makati,  kung saan nanuluyan ang tatlo. Nasa 30th floor ang one-bedroom condo ni Ron, madilim at animoy walang tao. Maya-maya pa ay nag ring ang telepono. Si Kyle ang tumatawag. "Hello" ang boses ni Ron ang naririnig ni Kyle. "Narito na kami Ron sa dinning, dito sa ibaba, bakit ayaw mo pa bumaba?" ang sambit sa kanya ni Kyle. "Anong oras na ba? napasarap ang tulog ko. Nanaginip pa nga ako eh, nakita ko sarili ko sa salamin babae ako at nagpakamatay daw ako Kyle!" parang nagsusumbong si Ron kay Kyle."Hahahaha! init lang yan, maligo ka kasi eh. Bumaba ka na nga!" pabiro ni Kyle kay Ron.

Sa dinning hall, sa ibaba ng condotel, nandoon si Kyle at Joan. Lumapit sa kanila si Ron sa apatan na mesa. Pahabol na umorder si Ron. Sabay dumating ang order nila. Masayang-masaya ang tatlo habang sila'y kumakain, ngunit, nakangiting hilaw si Ron nang makita niya si Kyle, sinusubuan nito si Joan.

Napansin ni Ron na mayrong relasyon ang dalawa mula pa man noon na nasa Chicago sila. Halatang nagseselos si Ron. Ilang saglit silang tumahimik bago nagsalita si Kyle. "Bakit Ron, anong nangyari?" ang mahinahong tanong ni Kyle. " Wala!" ang galit na sagot ni Ron. "Ang hirap sa inyo eh! alam ninyo na nasasaktan ako, sa harap ko pa!" tumayo si Ron sa pagkaupo, itinapon ang table napkins sa kanyang silya at lumabas. Sinundan ni Kyle si Ron habang si Joan naman ay pumunta ng washroom.

Sa lobby ng condotel, umupo si Ron. Dinukot ang panyo at suminga. Pasingot singot siya na parang bata. Lumapit si Kyle sa kanya at..."Ron pwede ba ako umupo sa tabi mo?" Umiswad lamang ang balakang ni Ron, ibig sabihin binigyan niya ng lugar sa love set o pangdalawahang tao na upuan. Hindi kumibo si Kyle, katabi na niya si Ron sa upuan."O ano? akala ko ba'y may sasabihin ka? ang medyong malambing na tinig ni Ron.

I can’t cry hard enough for this person to hear me. Minsan naisip ko ang magpakamatay, pero hindi ko dapat gawin. Oo at pag-ibig lang yan! Dapat nakahanda ako sa anumang mangyari , kahit paulit-ulit akong nasasaktan.  I have to admit it! Ang pag-ibig ay hindi lamang kaligayahan ang idinudulot nito kundi may pasakit din. It hurts me so much when I can actually feel my heart breaking.

Umakyat na si Ron sa kanyang floor, iniwan niya si Kyle sa lobby, kailangan antayin pa ni Kyle si Joan para ihatid sa kanyang floor, magkatabi ang kanilang doors. Ang usapan ni Kyle at Ron, puntahan ni Kyle si Ron sa kanyang kuwarto pagkalampas ng alas onse ng gabi. (End of Chapter 2) ....to be continued.

NOVEMBER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon