Chapter 5
Will You Mary Me?
Nang magising ang dalawa noong umagang yon, walang isang saplot sa kanilang katawan. Si Kyle at Joan ang nasa kama ni Ron buong magdamag.
Ganito ang nangyari.
Alam ni Ron na nagkunwari lang si Kyle na masyado siyang nalasing.
Tumabi sa higaan si Ron sandali kay Kyle para mag-usap ang dalawa tungkol kay Joan nang may tumimbre sa pinto.
Si Joan ang nasa pinto. Pinapasok siya ni Ron. Sa living room sila nag-usap.
"Pasinsiya ka na Ron, nagising ba kita?"
"Hindi naman...mabuti nga dumating ka"
"Tulog na ba si Kyle? salamat nga pala Ron, sa text mo na nandito siya."
"Ok lang yan... nandyan sa kuwarto ko nakahiga lang si Kyle. Pinag-usapan ka nga namin eh"
"Galit pa ba siya sa akin?"
"Bakit naman magalit sa iyo?"
"Kasi, nagtapat siya sa akin, bi-sexual siya, kaya masyado akong nagdamdam" nag-isip ng kunti si Joan bago nagpatuloy, "Bigla ko nasabi sa kanya na kadiri ka kaya tumalikod na lang at umalis"
"May alam ka ba sa kanyang tunay na pagkatao, Ron?"
"Mayron, gusto mo ba malaman?" tumayo si Ron at kumuha ng dalawang brandy glass at ang
boteng brandy na nangalahati ang laman. Nagtagay ng kunti sa baso at ibinigay kay Joan ang isa.
"Ok, sasabihin ko sa iyo lahat-lahat ang tungkol sa kanya. Makinig ka Joan" habang tumutungga
silang pareho.
Hindi pa natapos ikwento lahat ni Ron kay Joan ang lahat ng alam ni Ron sa pagkatao ni Kyle ng siya'y makatulog sa kanyang upuan. Nalasing si Ron ng husto, si Joan ay lasing din.
Lumabas si Kyle ng kuwarto ni Ron, kumuha ng isang tasa at nilagyan ng kape. Ang "coffee maker" ay dati nang naka on.
Humigop ng kunti si Kyle ng kape bago niya ibinigay kay Joan. Wala silang kibuan. Medyo lasing si Joan, si Kyle naman ay hindi masabing lasing na lasing.
Si Kyle ay nakatayo sa harapan ni Joan. Hinawakan ni Kyle ang kamay ni Joan at itinayo. Tumayo si Joan sa kanyang pagkaupo, Dinala ni Kyle si Joan sa kuwarto ni Ron.
Ang mga haplos ng kamay ay siyang nagpaparamdam kung bakit nagkaunawaan ang dalawang nagmamahalan. Maliban ang mga mapusok, sa mga damdaming umuusok.
Kahit ang mga mata'y nakapikit, napapag-alaman ang nararapat na gawin. May nagbibigay at tumatanggap.
Ang yakap, siya ring dahilan kung bakit ang init ng katawan ay maramdaman ng bawat isa at kapag ang mga labi ay naglalapat, mahirap na ito maaawat.
Naulit uli ang agos ng tubig sa paanan ng bundok pagkatapos ng umulan uli ng malakas. Naghahanap ito ng maagusan bagama't hindi tiyak kung saan at kung gaano kalayo ang marating.
May mga ilan-ilang halaman humuhupay sa pagdaraan ng sanga-sangang agos na ito at bumubukal pa sa kaputian.
Dahil sa ang mga agos na yan kung saan-saan sumasaag, may isang hiningang naghahanap ng kanyang mahinga-an at sa puno ng mga ubas ang huling humantong ang mga sanga-sangang agos.
Ang ubas ay matamis sa tamang pagka-hinog. Matamis dimdimin ang katas nito kapag ito'y ibinabad sa nau-uhaw at makamandag na bibig. Ngunit walang kasing-tamis ang nectar sa unang namukad-kad na bulaklak.
Hindi mapakali sa pag-suong sa makipot na dinadaanan ng kanyang nilalabasan at pinapasukan. Kapag may natuklaw, hindi tinatantanan hanggang sa masakmal ang kanyang kakainin gaano man kalaki ay talagang magkasya sa bunganga at kayang-kaya lunukin ng ahas na ito kapag gutom.
"Mahal kita Kyle, kahit ano ka pa. Mas mahalaga pala ang puso kaysa pagkatao."
"Hindi ko kasalanan kung ako man ay nagmahal sa kapwa ko lalaki. Hinihingi lang ng pagkataon, Joan"
"Naintindihan kita Kyle. ngayon ko lang naunawaan ang lahat. Lahat na ito ay bahagi lang ng ating buhay"
"Patawarin mo ako Kyle kung makitid ang aking pang-unawa sa iyo, sa umpisa"
"Ok lang yan, Joan. Ang importanti ay kasama kita ngayon, bukas at magpakailanman"
"Sana Kyle, wala nang kamatayan ang tao. Sana wala ring kamatayan ang pag-ibig"
Tumayo ang dalawa sa tabi ng kama ni Ron. Lumuhod si Kyle sa harapan ni Joan at nagtanong, "Will you marry me?"
(End of Chapter 5) ...to be continued.
BINABASA MO ANG
NOVEMBER LOVE
RomansaWalang nakaalam sa nangyari kagabi, ipinag-lihim nilang dalawa, Kyle at Ron kay Joan na may namagitan sa kanila. Isang lihim na hindi dapat makarating sa kaalaman ni Joan.