CHAPTER 4
Ang Pagtatapat ni Kyle.
Ang magmahal at mahalin ay magandang elemento ng pag-ibig. Masarap ang pakiramdam ng bawat isa kung magkatugma ang inyong mga damdamin, Masarap damhin kung kayo ay nag-iibigan at nagmamahalan.
Walang humpay at katapusan ang pag-ibig na kanilang sinasaluhan kung tapat lamang sila sa isa't isa. Ang magmahal ng tapat ay nagsasama hanggang kamatayan. Kilangan lamang ang respito ng bawat isa at tiwala upang mapaganda ang relasyon sa nag-iibigan. Kailangan ay nagbibigayan din, maging tapat sa taong mamahalin.
"Hello" noong sagutin ni Ron ang kanyang phone.
"Ron, are you ok?"
"Yeah Kyle, I'm alright."
"What's up with you... for tonight, Ron?"
"Nothing! something new Kyle?"
"Yes, how about 1 or 2 drinks at the "Comedy Bar"
"Ah ok! Kyle "
"At 10pm wanna come?"
"Sure Kyle, I'll be at the lobby by 9pm"
"Ok Ron, I'll be around there. Talk to you later, bye now"
Masama ang pakiramdam ni Joan, hindi muna siya makausap ng dalawa at nagkulong siya sa kanyang room buong maghapon na walang kinakausap kahit sino. Nasuka siya sa sinabi ni Kyle sa kanya kaninang umaga tungkol sa "gay sex".
Naka live-in ni Kyle ng limang taon si Hector bilang ka-relasyon niya o partner. Namatay si Hector buwan ng November two years ago at nagkakilala si Kyle kina Ron at Joan noong November din last year.
Dati na magkakilala si Ron at Joan three years ago pa at buwan ng November din ng sila'y nagkakilala. Magkaibigan nga si Joan at Ron mula pa noon. Nagpalagayan sila na mag nobyo't nobya pero hindi sila seryoso sa isa't isa. Naging masigasig na lamang si Ron na minahal na niya si Joan ng matipuhan ni Joan si Kyle. Dinamdam naman ngayon ni Joan ang malaman niyang silahis o "bi-sexual" ang taong minahal niya at pinakitaan niya ng respito at dignidad.
Pasado,10pm na ng dumating ang dalawa, (Kyle at Ron) sa "Comedy Bar". Sa counter bar sila umupo at umorder ng tig-isang "San Mig Light" medyo may kalayuan sa kanila ang stage pero natatanaw pa rin nila ang mga nagpakwelang mga performers. Nakakatawa at dapat makikitawa din si Kyle at Ron, kaya lang nadaig sa kanila ang emosyon, ang iniisip nilang dalawa ay si Joan.
Sa stage ng "Comedy Bar"
Performer #1: Mahal ka ba ng jowa mo?
Performer #2: Oo naman noh...kaya lang may kulang eh.
Performer #1: May kulang! kulang ang alin?
Performer #2: Ikaw naman mausisang tao...anukaba?
Performer #1: Bading ako! eh ikaw?
Performer #2: Teka muna! bakit mo tinatanong yan? hindi mo ba nakikita, babae ako!
Performer #1: cge na nga! babae ka na kung babae, kaya lang eh...
Performer #2: Anong eh? aber! sabihin mo.
Performer #1: Babaeng may lawit.
Ang mga nanonood ay nagsigawan at nagtawanan pati na ang masigabong palakpakan.
Tumakbo ang performer #1 ng ilang hakbang sa stage, hinabol kasi siya ng performer #2 na kunwari ay galit, napahiya sa mga taong nakakapanood sa kanila. Mamaya kunti ay may umakyat sa stage. Isa sa mga nanonood, ang Performer #3.
Ang Performer #3 ay nagsalita, "Kayong dalawa, may mga jowa na ba kayo?"
"Oo mayron na ang mga yan" may isang lalaki na sumigaw sa bandang likuran at sinabi pa niyang "Ako ang jowa nilang dalawa" Halakhakan ang mga tao, ang dalawa, performer #1 at #2 ay nagsasabunutan na. Inawat na lamang sila ng isang dj na kasama din sa show.
Nagpatuloy ang Performer #3 sa stage. Nagtanong ito sa Performer #2 "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ng Performer #1, ano raw ang kulang na yon?"
Nang magsalita ang Performer #2, ito ang kanyang sagot, "Kasi po..."
Tumahimik ng kunti ang lahat. Biglang may sumigaw galing sa audience, "Kulang kasi ang BUTAS niyan!"
Hiyawan ang mga tao ulit at nagtawanan ng pagkalakas-lakas. Tama nga naman, isa nga lang talaga ang butas ng kanyang tainga,
Mukhang hindi nag-enjoy ang dalawa, Kyle at Ron. Lasing na lasing silang dalawa, lalo na si Kyle. Nagka-problema si Kyle kay Joan, baka mag break-up silang dalawa.
Lumabas si Kyle at Ron sa "Comedy Bar" at tumawag ng Taxi Cab si Ron. Sumakay ang dalawa pabalik sa kanilang tinutuluyang condotel.
Sa loob ng condo unit ni Ron, isinama ni Ron si Kyle.
"Kyle dito ka na matulog sa akin, masyado kang nalasing"
"Ok lang ako Ron kaya ko pa"
"Pasuray-suray ka na nga eh, kaya mo pa rin ba?
Gustong pumasok ni Kyle sa Bathroom. Halos hindi na niya maituwid ang katawan sa sobrang kalasingan, kaya inaalayan na lang ni Ron hanggang silang dalawa ay nakapasok.
Sa loob ng bathroom napa-ihi na sa kanyang pantalon si Kyle, dahil nga sa lasing hindi na niya namalayan. Aktong pinaupo ni Ron si Kyle sa iniduro para alisin ang basang suot nito sa kanyang katawan ng biglang napayakap si Kyle kay Ron at hinalikan.
Nang nakaupo na si Kyle."Ron...ma-hal mo ba a-ko?" ang tanong ni Kyle habang hinuhubad ni Ron ang kanyang sapatos at medyas.
"Oo naman" ang sagot ni Ron. Ang pantalon ngayon ang hinuhubad ni Ron sa kanya.
Pati na rin ang polo shirts at panloob nito ay hinubad ni Ron, upang isalang sa laundry machine.
Hindi kasya ang pajamas ni Ron kay Kyle dahil malaking tao ito. Nagsuot na lamang si Kyle ng kanyang bathrobe. Inalalayan niya si Kyle para ihiga sa kanyang kama.
May pagkataon na kung minsan sa kalikasan, may matutunan tayo sa isang halaman at putakti. Malaking pagnanais ng putakti ang dumapo sa halaman ngunit nangangamba ito na kung sakaling gawin yon, may nag-aabang na maging metsa ng kanyang buhay.
Ang pangamba ng putakti, ang gagamba ay nandyan lang, handa siya ma-trap sa "cobwebs" kahit anong oras. Kaya ang putakti ay umaaligid-ligid lamang upang matiyak niya ang kapahamakan. Gusto niya matiyak muna na walang manyayari sa kanya bago siya dumapo ng walang alinlangan.
Si Kyle, sa totoo lang buo ang kanyang diwa, nagkukunwari na, siya ay lasing-na-lasing.
Hinubad ni Kyle ang robe dahil siguro nainitan, kaya kinumutan na lamang siya ni Ron ng manipis na bed sheet at saka humiga si Ron sa kanyang tabi. Medyo masikip sila dahil ang size ng bed ay maliit sa pang-dalawahang tao.
Nang magising ang dalawa noong umagang yon, walang isang saplot sa kanilang katawan. (End of Chapter 4) ...to be continued.
BINABASA MO ANG
NOVEMBER LOVE
RomanceWalang nakaalam sa nangyari kagabi, ipinag-lihim nilang dalawa, Kyle at Ron kay Joan na may namagitan sa kanila. Isang lihim na hindi dapat makarating sa kaalaman ni Joan.