CHAPTER 3
Ang Halikan sa Balcony
Sa magubat na lugar kung saan ang mga punong kahoy ay naglalakihan at mistulang kulang sa pansin. Ang palibot nito ay masukal at mahahaba ang mga damo. Ang puno mismo ng kahoy na ito ay may palatandaan na kung ilang daang taon na ang gulang sapagkat may nakaukit sa katawan ng puno ang hugis puso, naka-tatak ang pangalang Tanyo at Kena, ang year ay 1945. Tiyak sa lugar na ito ay natitiyak kong narating na nila dito ang dalawang nagmamahalan.
Mag-alas dose na wala pa rin si Kyle. Hinihintay ni Ron kanina pang alas onse.Tinatawagan niya ito pero hindi sumasagot kahit na sa kanyang text messages ng ilang beses. Dahil sa nainip na siguro si Ron sa kaa-antay ay naisipan niya na mag suot na lamang ng pajamas para matulog na lang. Habang nakahiga siya sa kama ay umaasa pa rin si Ron na kahit anong oras ay darating si Kyle. Hindi siya dinadalaw ng antok dahil mahaba ang kanyang "nap" kaninang hapon kaya naisipan niya na lang na magbasa ng pocketbook.
Pagkalipas ng ilang sandali at mag-aalas dose na, lumabas si Ron sa kanyang balcony para magpa-hangin suot niya ang kanyang manipis na robe.. Tumila na rin kasi ang ulan.
Dumating si Kyle, hindi na siya kumatok sapagkat nasa kanya na ang "keycard" ng nag-antay sa kanya. Inabot kay Kyle pagkatapos mabuksan niya ang kanyang pinto kanina pag-akyat nila galing ng dinning room.
Eksakto alas dose. Dahan-dahan isinuksok ni Kyle ang "keycard" sa "key slot" para mabuksan niya ang pinto. Naka dim light ang buong unit sa loob, tumuloy si Kyle sa "balcony." kung saan nandoon ang naghihintay sa kanya.
"Nandyan ka lang pala" ang sinabi ni Kyle habang papa-lapit siya sa balcony. Ang sliding door ay bukas, kaya naramdaman niya ang simoy ng hangin sa loob na galing sa labas.
"Oo, pasinsiya ka na. Ngayon lang ako nakarating, ka chat ko kasi ang mother ko sa Facebook kanina" ang sagot sa kanya ni Kyle habang ang dalawa ay minamasdan nila ang magandang view ng Makati.
Ang mga bituin sa kalikasan, ilan-ilang sumisilip habang tinatakpan, ng bahagyang saplot at manipis na sutla ang bumabalot sa pisngi ng buwan, sa madilim na gabi.
Ang ulap sa himpapawid ay mistulang kulay itim na algodon, pawatak-watak ito sa kapaligiran ng alupalop. Tinatangay ng malumanay na hangin na nag-mula pa sa kanluran.
Ang hanging ito ay patuloy sa paglalakbay na walang patutunguhan. Hindi alam kung saan ito hahantong o ito ba ay, kailangan niyang tumigil?
Medyo kasi malamig sa "balcony" kaya ang dalawa ay pumasok na sa loob. Sa maliit na kitchen ng condotel ay may nakahanda na isang boteng white wine at dalawang champage glass sa maliit na round table, may ilan-ilang prutas, mga cookies at assorted na cupcakes at chocolate bars..
Nag-inuman ang dalawa para mag pa-warm up. Habang hawak ni Kyle ang champagne glass, pinaramdam ni Kyle sa pamagitan ng kanyang isang daliri sa pagtatapik sa kanyang hinahawakang baso. Ibig sabihin mayron siyang dapat ipahiwatig. Mayron kaya siyang pagnanasa?
Nabasa ng kanyang partner ang gusto mangyari ni Kyle. Nagka-intiendihan ang dalawa. Namalayan na lamang nila na sila ay nasa "balcony" uli. Sa umpisa, hawak kamay muna sila. Wala silang kibuan. Nag-uusap lamang sila sa kanilang mga mata, nagka-unawaan sa pamagitan ng "body language".
Mahangin at malamig ng kaunti sa "balcony". Nagbabadya na naman at tila papatak ulit ang ulan.
Hinaplos ni Kyle ang buhok ng kapareha, tapos inilapit niya ang kanyang mga labi sa labi nito. Iniwas ng kanyang kapareha ang kanyang mga labi, sa nag-aalab na labi ni Kyle, ngunit nasapol din ito.
Sa kauna-unahang pagkataon nalasap ni Kyle ang halik na magkaiba, mas nag enjoy si Kyle sa malambot at manipis niyang mga labi ng kanyang naka-kahalikan. Ngayon lang niya naranasan ang tamis at nakaka-pagbigay sigla sa dugo na dumadaloy sa buo niyang katawan. Nandiyan ang kanyang puso na bumilis ang pintig. Naramdaman niya ang pag-galaw ng kanyang mga kaugatan at nagawa niyang maiunat ang kanyang katawan pataas habang nakatayo silang pareho at magkayakap ng pagka-higpit.
Pakiramdam ng dalawa ay napaka-sikip sa kanila ang kanilang kinalalagyan. Ipit na ipit ang pagitan sa dalawang katawan na nag-sisiksikan.
Medyo umaambon ng kunti pero hindi nila pinapansin ito. Dama nila ang bahagyang pumatak sa pisngi nila ang ilan-ilang patak ng ulan. Nag-umpisa sa mahina ang pag-patak hanggang sa palakas ng palakas, sabay ng pag-bilis ng kanilang pulso, ang puso nila ay halos hindi na makahagilap ng hangin gawa nga ng pinipigilan nilang huminga.
Sa kalakasang buhos ng ulan at ganun din sa lakas ng hampas ng hangin, unti-unting pumapasok ang tubig sa loob dahil nakabukas ang sliding door ng kuwarto ni Joan.
Walang malay si Kyle at Joan kanina, sa itaas ng kanilang "balcony" may nakamasid sa kanila, ang dalawang mata na hindi kumikirap sa gitna ng dilim.
Ang tanging gumagalaw lamang ay ang isang kamay. Hindi malaman kung anong mayron ito na para bang may binabayong palay, upang ito'y maging bigas. Sa kasarap at nakakapagod ng pagbabayo, maaninag ang puting bigas na bumubusilak sa kaputian. Humiwalay ang ipa nito hanggang sa mag-mistulang isa na itong bigas at hindi tulad ng dati. Dating isang palay.
Nasaksihan ni Ron ang "romansa" nilang dalawa, Kyle at Joan sa ibaba ng kanyang "balcony". Nasa 30th floor si Ron, si Kyle at Joan ay nasa 29th floor pareho.
Ang usapan nila ni Kyle at Ron sa lobby kanina ay sasaglit si Kyle sa kanyang kuwarto o condo unit ng alas onse. Kukuhanin lamang ni Kyle sana ang "condom" na ibibigay ni Ron at baka sakali magagamit ni Kyle at maisuksok sa dapat kalalagyan. Usapan ng dalawa, Kyle at Joan na mag-tagpo sila ng 11:15pm pagkagaling kay Ron.
Ipinagtapat na rin ni Ron kay Kyle na iniibig niya si Joan noong nag-usap sila sa "lobby" kanina, kaya lang nagmamahalan na, si Kyle at Joan. Umibig si Joan kay Kyle kaya, napag-aralan din ni Kyle na mahalin din siya.
Gusto ni Kyle si Ron, may pagnanasa siya sa kanya. Si Kyle ay bi-sexual.
Si Tanyo at Kena noong panahon nila, kamatayan lamang ang makapaghiwalay sa kanila. Bihira lang sa ngayon ang ganyang klasing pag-ibig. Handang magpakamatay ang lalaki alang-alang lang sa kaligtasan ng babae. Masakit man isipin na ang dalawa, ipinagkait sa kanila ng tadhana. Hindi sila binigyan ng pagkataon na lumigaya.
Si Ron ay nagising sa katotohanan. Hindi siya dapat namagitan sa dalawa, Kyle at Joan. Iba ang kanyang mundong kinagagalawan at iba din ang kay Kyle at Joan. Si Kyle ay first time niya naging girlfriend si Joan.
Si Kyle ay matagal na nakipagrelasyon sa ibang lalaki, kaya lamang wala na ngayon dahil namatay ang kanyang dating kinakasama.
Sa susunod na chapter, magtapatan ang tatlo sa mga niloloob nilang damdamin. (End of Chapter 3) ...to be continued.
BINABASA MO ANG
NOVEMBER LOVE
RomanceWalang nakaalam sa nangyari kagabi, ipinag-lihim nilang dalawa, Kyle at Ron kay Joan na may namagitan sa kanila. Isang lihim na hindi dapat makarating sa kaalaman ni Joan.