Chapter 6
The Wedding
Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang
karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging magpapatatag dito ay
kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.
Isinuot ni Kyle ang "Engagement Ring" sa daliri ni Joan pagkatapos niyang sagutin ng "Yes" ang
tanong ni Kyle na "Will you mary me?"
Tinanggap ni Joan ng buo niyang puso si Kyle kahit anuman ang kanyang nakaraan, ang
importanti sa kanya ay ang hinaharap at hindi ang nakaraan niyang karanasan.
Kinabukasan, nakahanda na ang tatlo, Kyle, Ron at Joan para bumalik na sa Chicago. Natapos
na rin ang isang buwan nilang bakasyon. Ang dapat nilang harapin ngayon ay ang trabaho, tapos
na ang maligayang araw nila sa Pilipinas.
Pagkaraan ng maraming araw, November na naman. Laging naulan at makulimlim ang
kalawakan. Mga dahon ay nag-laglagan sa sanga ng mga punong kahoy. Panahon na ng tag-
lagas o Fall.
Si Ron ay nasa-kanyang office, tinatapos niya ang isang Love Story ni Tanyo at Kena, ang
huling kabanata ay trahedya ng dalawang nag-iibigan, nang may kumatok sa kanyang pinto.
"Kayo pala, tuloy kayong dalawa," ang magalang na sinabi ni Ron kina Kyle at Joan.
"Anong atin? napadalaw kayo ah," ang nakangising sinabi ni Ron.
"Wala lang Ron, ibig ka lang namin pasyalan ni Joan" ang sambit ni Kyle.
"Oo nga pala, ibalita namin sa iyo ang nalalapit naming kasal ni Kyle"
"Talaga? kailan?"
"One month from now, di pa tiyak ang petsa pero makakatanggap ka ng invitation card sa iyong
mailbox this week," excited na sinabi ni Joan kay Ron.
Nagkapalitan sila ng mga kwento tungkol sa kanilang buhay at karanasan sa office ni Ron. Hindi
nila namalayan ang oras, mag 6pm na pala. Dumayal si Ron sa telepono.
20 minutes after, ang "pizza delivery boy" ay dumating. Nagdeliver ng dalawang malalaking pizza,
spinach at meatballs. Pinagsaluhan nilang tatlo. Napakasaya nilang tatlo pag magkasama sila.
Nahulog ang kalooban ni Ron kay Kyle sapagkat si Kyle ay malambing at marunong mag
care. Laging tumatawag si Kyle kay Ron, itinatanong kung kumain na ba o nasa bahay na ba siya at safe.
Si Ron ay may pag-tingin pa rin kay Joan kaya lang pinaglabanan niya ang kanyang damdamin na
huwag na halungkatin ang kanilang nakaraan. Magkaibigan sila noon at nagkapalagayan na
boyfriend at girlfriend pero walang commitment sila sa isa't isa.
Isang linggo bago ikasal sina Kyle at Joan, sa pinto na tinitirhan ni Ron ay may tumimbre.
"Who is it?" ang malakas na boses na nagtanong si Ron.
"It's me, I'm Kyle"
Binuksan agad ni Ron ang pinto. Lasing na lasing si Kyle. Nagpahatid siya sa taxi cab. Hindi niya
kaya mag drive sa kalasingan. Galing siya sa party mag-isa na hindi kasama si Joan,
nagtampuhan kasi sila ni Kyle dalawang araw na hindi sila nag-uusap. Kung anong dahilan ay
hindi na dapat malaman ni Ron.
Tulad ng nangyari sa Pilipinas, inasikaso ni Ron si Kyle, hinubad ang sapatos at pinalitan ng damit
na pang-tulog at hiniga siya sa kama. Hinila siya ni Kyle, nawalan ng balansi si Ron. Napatama
ang kanyang mukha sa dibdib ni Kyle habang nakahiga sa kama. Damang dama ni Ron ang matipono, matigas at makisig na dibdib ni Kyle.
Matagal na hinahanap ni Ron ang kanyang sarili kung saan siya nararapat. Matagal na rin niya
napapangarap ang maranasan niya ang "gay sex." Wala lang siyang malakas na loob para isasa-
tuparan ang mga bagay na ito.
Nangyari na ang dapat mangyari. Buo na sa sarili ni Ron kung saan siya dapat mapasama o
anong grupo. Siya ay napa-grupo sa ikatlong mundo.
Kinabukasan, pagkagising ni Kyle sa apartment ni Ron palibhasa'y araw ng linggo, medyo
natanghalian siya bumangon. Nakahanda na ang lahat sa mesa, uupo na lamang si Kyle para
mag-almusal o kaya brunch na kasi ipinag-sama na ang breakfast at lunch.
Walang nakaalam sa nangyari kagabi, ipinag-lihim nilang dalawa, Kyle at Ron kay Joan na may
namagitan sa kanila. Isang lihim na hindi dapat makarating sa kaalaman ni Joan.
Lumipas pa ang ilang araw, nakatakda na, ang araw ng kasal ni Kyle at Joan. Si Ron ay kanilang
"Best Man."
(End of Chapter 6) ..to be continued, "The Final Chapter."
BINABASA MO ANG
NOVEMBER LOVE
RomanceWalang nakaalam sa nangyari kagabi, ipinag-lihim nilang dalawa, Kyle at Ron kay Joan na may namagitan sa kanila. Isang lihim na hindi dapat makarating sa kaalaman ni Joan.