A/N: Good morning... Second and last UD for this morning... thanks for reading my stories.
CHAPTER TWELVE
THREE YEARS LATER
(Normal's POV)
"Ma'am, gusto ka daw makausap ng isa sa mga costumers sa labas..." napabalik lang ako sa mundo nang narinig ko yung isang staff ko.
Nagluluto kasi ako nang menu of the day at dahil nga gustong gusto ko ang ginagawa ko, engrossed na engrossed tuloy ako sa pagluluto.
Nilingon ko si Enzo, isa sa mga waiters dito sa Princess' Cuisine, pangalan nang restaurant ko. Yeah! My very own restaurant.
Anim na buwan palang tong restaurant ko pero dinadayo na ito nang mga taong may sinasabi. Advantage siguro nang restaurant ko is alam nang ibang tao na ako ang may-ari and because I belong to the rich and famous family, ang mga kabilang sa may-kayang pamilya ang palaging dumadayo sa restaurant ko.
Idagdag mo pang sa Makati ang location kaya even celebrities eat here. Is it amazing?
Masasabi kong successful na ko kahit isang taon palang akong graduate.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam ma'am, pero ang sabi nya, kilala nyo daw siya."
Napaisip ako. Sino kaya?
Inalis ko muna yung apron ko bago lumabas. Hinayaan ko nalang ang chef attire ko.
Tinuro sakin ni Enzo yung table kung saan may naghahanap sakin.
"Hello, Ma''am, Sir. Are you enjoying your food?" bati ko sa dalawang taong nakaupo nang pang dalawahan.
Sabay silang tumingin sakin na kanina lang ay busy sa pagtatawanan.
Ngingiti sana ako pero nawala yun nang mapagsino ko sila.
"Hi Princess, kamusta kana?" It was my bestfriend, Shera. O may karapatan pa ba kong tawagin siyang bestfriend after three years of not seeing her? She smiled at me widely.
Ngumiti ako nang alanganin nang napansin kong nakatitig sakin yung kasama niya.
Nginitian ko siya kahit sa loob ko, gusto ko nang tumakbo palayo kung hndi lang talaga ako magmumukhang tanga at bitter.
"I'm good, and you?" sagot ko sa tanong ni Shera sakin.
"Mabuti din... I missed you, Cess." Sabi niya at pabigla niya kong niyakap nang mahigpit. I hugged her back.
"I missed you too..." bulong ko na sa tingin ko narinig naman niya kasi narinig ko ang mahina niyang paghikbi.
I tapped her right shoulder after that long hug. "Ui... wag ka ngang umiyak, kahit kailan talaga napakaiyakin mo."
Pinunasan niya ang hindi maampat ampat na luha niya gamit yung panyo niya.
Pinigilan kong maiyak nang natitigan ko yung panyo niya.
That was my gift on her 19th birthday. Nineteen yung panyo na niregalo ko sa kanya nun.
I'm so glad she kept my gift to her.
"Totoo nga yata ang pamahiin, Shera."
She gave me a questionable look.
Tumawa ako nang mapait. "I made you cry... di ba? Sabi nila, wag ka daw magreregalo nang panyo sa taong mahal mo kasi paiiyakin mo lang daw siya and see what have I done?"
Tumawa ito nang marinig niya ang kadramahan ko. "Masaya lang ako kasi after three years, nakita ko na ang bestfriend..."
Naputol yung sasabihin ni Shera nang may narinig kaming pekeng ubo. Napatingin kam pareho ni Shera sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Certified Pervert [R-18]
RomancePrincess Jae Miguel believed in prince charmings in fairytales. She found it on the character of Keith Charles Navarro. He maybe happy-go-lucky but she made him feel the love she was hoping for. Her feelings started lust... until she fell in love w...