Chapter 1

1.9K 40 10
                                    



" dati , akala ko simple lang ang buhay, after graduation, trabaho na, konting ipon , tapos pundar ng mga bagay para sa future. Pero nung dumating ka sa buhay ko, may ilang nagbago. Mas naging masaya ang lahat, at pinaniwala mo na may kakaibang kasiyahan ang buhay kasama ka. "

Yan ang sabi ni Mika habang nakaupo sa harapan ng puntod. Nangingilid din ang mga luha niya sa mata habang marahang hinihimas ang puntod .

" upon saying I do, sinabi ko na sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa akin. Pag aaralan ko ang lahat para maging best na asawa. At hindi ko hahayaan na magkaroon tayo ng matinding away. ... For the past 3 years, akala ko ako na ang pinakamabuting asawa. But then I was wrong."

Mika said at tuluyan ng bumuhos ang luha niya. Bakas sa kanya ang pait at sakit na nadarama. Habang nasa ganun lagay si mika, tila nadama naman ito ng langit, at maging ito ay nagbabadya ng pagluha.

" Alam mo ba nung nalaman ko ang sa inyo ni Almira, sobra akong nasaktan... You've made me feel na wala akong kwentang tao... Na baka may pagkukulang ako kaya nagawa mo akong lokohin. Pero kahit nasasaktan ako, nanatili akong tahimik, ginawa ko pa din ang mga bagay na ginagawa ko sayo. Mas pinili kong magbulagbulagan sa lahat... Kasi alam ko one of these days, you'll realize na ako ang mahal mo. Pero again, i was wrong."

Then she sobs, habang unti unti namang pumapatak ang ulan kasabay ng pagkulog na tila awang awa na sa kalagayan ni mika.

" Mika, halika na , umuulan na! "

Yan ang sabi ng kaibigan ni mika na si Ara. Pero kahit anong pigil nya sa kaibigan, patuloy pa din ito sa pag iyak sa harapan ng namayapang asawa.

" No Ara! , he needs to know kung gaano ako nasaktan... I know nandito pa siya at naririnig pa niya ako. Ayaw ko na manahimik. Kailangan ko na ilabas lahat ng mga salitang dapat dati ko pa sinabi!"

Mika said as she faced Ara habang pulang pula na ang mga mata sa kakaiyak at basang basa na sa ilalim ng ulan. Napayakap nalang ang kanyang kaibigan. Even Ara doesn't know what to say. Sa sakit na nararamdaman ng kaibigan, tila wala siyang maisip na salita para icomfort ito.





.......


" Ara After this, Can we talk?"

Thomas said on the other line, habang si Ara , nakamasid lang sa kaibigan na natutulog ngayon sa kama.

" Thomas, kailangan ako ngayon ni Mika. And besides wala naman tayong dapat pag usapan pa. "

She said then hung up the phone.

" parehas lang si Thomas at Mika. Ang pinagkaiba lang nila, si Joshua, patay na. So kahit gawin ni josh, na sorry at effort, hanggang memory nalang ito. Ara , why dont you give that poor boy a Chance. Mahal na mahal ka niya at ang anak niyo. At gagawin niya lahat para mabuo ang Pamilya niyo"

Carol said as she gave a drink to ara. Upon hearing carol's statement, napabuntong hininga nalang si Ara, sabay ininom ng ang isang basong Red wine. Then she looked at carol.

" Pero Carol, hindi siya ang mahal ko."



........

Do I Love Her? ( JeMik FanFiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon