Chapter 21

539 22 3
                                    





Flashback.....






As i send my message to Jeron na magkita kami sa Italianis sa Eastwood mall, hindi ko na inantay pa ang reply niya, agad na akong nagpahatid sa eastwood mall. Kung bakit? Dahil once and for all gusto ko na siya bigyan ng CHANCE.

Oh yes! After ng pag uusap namin ni Carol, narealized ko na tama nga ang mga nasabi niya. Wala na si Joshua at payapa na yun sa langit habang si Almira, walang kasiguraduhan kung nasaan siya o kung kelan niya maalala ang lahat kaya naman kung aantayin ko pa siya, malamang walang mangyayari sa love story namin ni Jeron.

Kaya naman, naisipan ko na mag take ng risk. This time, hahayaan ko naman na sumaya AKO. Maraming hirap at sakit na ang naranasan ko nung mga nakaraan. Maraming luha na ang umagos sa mga mata ko and maybe, that ENOUGH. This time, kailangan ko naman hayaan na sumaya ang Puso ko lalo na ngayon na merong isang Tulad ni Jeron na willing magpasaya at magmahal sa isang tulad ko.

Alam ko na kung makakausap ko si Joshua ngayon, sasabihin din niyang hayaan ko sumaya ang sarili ko. Kahit naman nagkamali noon si Josh, minahal niya ako at ginawa ang lahat para mapasaya ako. Alam ko'ng nakikita niya kami ni Jeron from above, and i must say, na kung makakausap namin siya, he would definitely, allowed me to be with Jeron.


















Isang oras na akong nag aantay, pero wala di'ng reply akong natatanggap. Aaminin ko kinakabahan na ako pero on the other hand, naisip ko na baka paranoid lang ako at busy lang si Jeron sa kanyang Opisina. Kaya naman nag antay pa ako ng ilang sandali. I even send three more messages. Baka kasi may meeting siya kaya di niya nasasagot. At least after ng meeting, mabasa niya at malaman na kanina pa ako nag aantay sa kanya.

It was passed six in the evening, halos isa't kalahati na akong nag aantay sa kanya. STILL, walang text o ni tawag man lang, kaya naman hindi na ako nakatiis, agad na akong tumawag sa kanya. Pero ilang ring na ang nakalipas wala pa di'ng sagot. With that kinabahan na ako.

Kaya naman tumawag na ako sa kanyang opisina. One of his staff answered me and said na tumawag si Jeron kanina at nagsabi na may importante lang siyang gagawin. After that call, napabuntong hininga nalang ako saka naisipan ng mag bill out. Mukhang wala naman na akong aasahan na dadating.

Nang maibigay sa akin ang bill ko, sinabi ko na din na itake out ang mga pagkain na naorder ko. Agad naman yung sinunod ng waiter. Matapos maibigay sa akin ang mga take out food ko, agad na akong umalis sa Italianis. A bit disappointed pero alam ko na may rason kung bakit naging ganito ang nangyari. I even told myself na may trabaho din ang taong gusto kong kitain, and hindi agad agad ang oras na pwede kong kunin sa kanya.







Nasa bahay na ako ni Jeron pero walang tawag o text pa din akong natatanggap galing sa kanya. Passed eight na ng gabi, at kinakabahan na talaga ako. I even called Ara and carol para ibalita ang pangyayari. Ara volunteered na tawagan si Thomas para tanungin kung nasaan ito. Pero nung tawagan ako ulit ni Ara, sinabi nito na pati si Thomas ay hindi nito macontact.


Wala na akong magawa... i tried to call Jeron pero cannot be reach na ito. Maybe na lowbat na sa kakatawag ko sa kanya kanina pa. Kabado man, pero minabuti ko pa din mag antay at magdasal nalang. I do hope na maging maayos ang lahat sa kanya. And God will save him sa kung saan man siya nandoon.


Moments passed, i glanced on the wall clock, kita ko na passed midnight na,nakakaramdam na din ako ng antok pero pilit ko yung nilalabanan, halos nakahiga na din ako sa sofa , aaminin ko pagod din ako sa maghapon na lakad ko. At syempre di pa naman ako tuluyang maayos dahil sa aksidenteng natamo ko.

Do I Love Her? ( JeMik FanFiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon