Chapter 25

13 1 0
                                    



Nakatingin lang ako sa sulat na nasa harapan ko. Aaminin ko kanina ko pa gustong buksan para malaman kung ano ang nilalaman ng sulat na ito. It was from Almira according kay Nurse Clara na taong naghatid nito.

I asked her kung bakit ako may sulat na ganito galing sa babaeng rason ng lahat ng pighati ko but then she just smiled and told me na basahin ko ito at hayaan na malaman ang side ni Almira.

As she handed me the letter, hindi ko napigilan ang mapaiyak. Almira was missing for the past months, pilit ko man siyang hanapin but then nahihirapan ako hanapin siya kahit na tinutulungan pa ako ng mga kaibigan ko at ni Jeron.

For the past days, Gusto ko na nga sana isipin na hayaan nalang lahat sa Diyos kung ano ang mga dapat mangyari sa sa paghahanap ko sa kanya, lalo na't ngayon ay may isang tao na akong pinag tutuunan ng pansin.

Until this day came....

Kabado at takot....

Yan ang pakiramdam ko sa puntong ito... kabado sa mga bagay na pwede kong malaman sa pag babasa ko at Takot dahil hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman matapos itong basahin.

I sighed as just closed my eyes....

Parang mas lalo lang akong na- stressed sa sulat na ito... imbes na ang sa amin lang ni Jeron ang isipin ko, ngayon dumagdag pa ito. Mas nakakaloka at Mas nakaka inis pa dahil sa puntong ito wala akong makausap ni isa...

I don't want to bother Carol and Ara. Gusto ko kasi bago ko pa sa kanila sabihin ay mauna muna akong malaman kung anong meron sa sulat ni Almira...

I sighed again saka nag mulat . gusto ko muna pakalmahin ang sarili ko sa mga bagay na nangyari ngayon. Right now, im wishing to just vanished on this room and go somewhere where i could forget everything.

Imposible man but who knows diba? Baka may maawang elemento o kung sinong fairy at pag bigyan ako.

Suddenly, I laughed with my thoughts....

" Nakakabaliw ang araw na ito!" Napapailing ko sabi saka napahiga nalang sa kama habang napapahawak sa aking noo.

Silence takes place for few moments until umingay ang phone ko. As i looked at the screen bigla akong napabalikwas.... It was Jeron. He was calling me.

My world became upside down. Parang biglang nawala sa isipan ko ang sulat ni Almira at ang tampo ko sa kanya. As i stared at the screen, nandoon ang kaba at excitement. But then hindi ako maka galaw sa puntong ito. Parang hindi ko alam kung paano mag swipe ng phone ko.

The ring ended. Doon lang ako naka galaw. As i saw the word missed call, parang nanlumo ako. Parang gusto ko siyang tawagan pero biglang pumasok ang Pride ko at sinisinghalan ang utak ko ng magtigil ka babae! Paghintayin mo siya....

Minutes passed pero hindi na nasundan ang tawag na iyon. Kaya naman mas hindi ako napakali... paulit ulit kong chineck kung may signal ako at maayos ang internet connection ko pero sa ilang ulit na pagtatangka, kita ko naman na maayos iyon.

Kaya naman matapos ang halos tatlongpung minuto ng pag aantay. Hindi na ako nakatiis. I grabbed my phone and call him.

Lunukan na ito ng pride!

I laughed at my thought as I heard his line ringing...

Pero sa ilang minuto na iyon, walang sumagot sa akin.

I felt disappointed.

Kung sana ay sinagot ko na ang tawag niya kanina malamang kausap ko na siya ngayon....

Do I Love Her? ( JeMik FanFiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon