Chapter 23

28 1 2
                                    


" Dra Cruz, ano sa tingin niyo ang nangyari sa patient dahilan ng pag sasabi niya ng mga bagay na ito?"


Yan ang sabi ni Nurse Clara matapos pindutin ang button sa kanyang cellphone. Nairecord niya ang ilang pahayag ni Mira ilang araw na ang nakakalipas. Dahil sa tanong ni Nurse Clara, napabuntong hininga naman si Dra. Cruz sabay inalis ang paningin kay Mira na ngayon ay tulala lang sa Garden.


" Madaming pwedeng maging dahilan pero ang nangingibabaw ngayon sa isip ko ay yung pag uusap nila ng kapatid niya dati. Diba sabi mo after nilang mag usap noon, doon niya nabanggit ang pangalang Mika? Maaring naopen up iyon ng kapatid niya kaya naman yun ang naging daan ni Mira para maalala ang lahat. "



Paliwanag ni Dra. Cruz. Napabuntong hininga naman si Nurse Clara dito. Saka nagmasid sa di kalayuan kung saan nandoon si Mira.



" sa tingin niyo po ba kailangang dalasan ang pakikipag usap sa kanya tungkol sa taong iyon? "



Tanong niya sa Dra. Napasinghap naman ito saka muling tumingin sa dalaga sa di kalayuan. Halata sa Doktora na bahagya itong naguguluhan.



" sa tingin ko, huwag muna dalasan. Dahan dahanin muna natin ang lahat. Kung may pag uusapan man kayo ngayon, unahin na muna natin ang mga tungkol sa kabataan niya. Yung masasayang moments ng pamilya niya. Mas makakaige kung happy moments muna ang maalala niya sa una. "


Paliwanag nito sa Nurse. Napatango naman ito sa kanya saka pumasok na sa loob para ipasok ang ilang gamot ni Mira. Maya maya ay tumunog ang telepono ni Dra. Cruz rason para muling maalis ang pag mamasid niya kay Mira.


" Hello..."


" Hello, Dra. Cruz?"


" Yes, speaking."


" Good day Dra. This is Mika Reyes. Ako po yung tumawag kahapon regarding sa schedule ko. I just want to clarify some things regarding one of your patient."


" oh yes, i remember that."


" kung ganon po, can we meet ? Kelan po ba kayo free?"


" im actually free this afternoon. "


" That's great! Saan po ba kayo malapit? "


" Im actually in QC now. "


" Kung okay lang sa inyo, Let's Meet in Eastwood?"


" Okay. 4pm okay lang ba?"


" yes Dra. Okay lang. lets meet in italianis. See you Dra."


" Okay i'll see you later."


" Thank you."



Agad na din binaba ni Mika ang linya, muli naman napatingin si Dra. Cruz sa kinaroroonan ni Mira na ngayon ay nakatingin sa kanya. Napangiti naman ang Doktora dito saka bahagyang kumaway. Sa di inaasahang pangyayari, tumayo si Mira saka naglakad papalapit sa kinaroroonan niya.


" mira may kailangan ka ba?"


malumanay na tanong niya sa dalaga na mukhang may gustong sabihin, ngunit parang nag dadalawang isip ang dalaga. Kaya naman para mas makumportable ito, iyaya ni Dra. Cruz si Mira na maupo sa kung saan ito naroon kanina.

Nang makaupo sila, nakangiti niyang inabot kay Mira ang mga gamot na dapat nitong inumin sa oras na iyon. Agad naman itong tinanggap ni Mira at ininom. Nang makasigurong maayos na siya, humarap si Mira kay Dra. Cruz kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

Do I Love Her? ( JeMik FanFiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon