KathNiels!!! Sa August 26 na yung Got To Believe! :""> Yieee excited much.
Anyways, sorry nga pala dahil sa 2 months delay ng UD. :( May nag-aabang pa ba nito? Marami kasing school works tas nag-periodical exams pa. Pero eto pa rin siya...
Chapter 5, here you go! :*
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
.LUISA.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nung araw na hinatid kami ni Carlo. Pero nevermind! Masyadong maganda ang umaga ko para ma-stress dahil sa kanya.
“Good morning world!”
Saya ko diba?
Magkikita na kasi kaming tropa ko. Enrollment na eh. Magkaka-pera na ‘ko ulit! Hahaha.
Don’t get me wrong ha. Mga babae lahat yon. Trip ko lang talagang tawaging tropa.
“Anak, gising ka na ba? 7:30 palang naman eh. Kaso itong kapatid mo alam mo naman. Baba ka na lang ha?” sabi ni Mama habang kumakatok sa pinto
The usual! Hay nako.
‘Di ko na lang pinansin yung sinabi ni Mama. Mage-enroll lang naman kami, nagmamadali na naman si Liza. Psh.
Naisipan kong mag-GM sa kanila. Baka naman kasi indianin ako, tapos ako lang mag-isa pupunta dun.
~*~*
Pagkababa ko, nakita ko si Liza na kumakain na ng almusal.
“Oh, maupo ka na ate. Naglalaway ka na dyan. 8:30 alis na agad tayo ah.”
“Tigilan mo ko sa pang-aasar mo ah. At saka ang aga-aga pa kaya. Pwede ba.”
“Sus. If I know, gustong-gusto mo na din makapunta sa MIU dahil mami-meet mo na naman yung barkada mo. Lakas niyo kaya maka-OP! Hay, sana nandun si Nikki...”
“Sana nga.” sabi ko
“Yung totoo Ate, sincere ba yan o sarcastic?”
“Oy ah. Totoo yan. Basta, 'wag kang magpapa-apekto sa mga bruhang insecure sa batch mo. Inggit lang sila kasi bukod sa maganda at matalino ka na, ang bait mo pa. O diba, nasa’yo na ang lahat?”
“Yehes. Kinikilig naman ako. Hahaha! Puring-puri lang talaga.”
“Flattered ka naman? Hayaan mo, sa susunod wala ng ganyan ganyan. Hahaha.”
“Wag ganon! Haha.”
~*~*
Pagbaba ko, nandun na rin si Liza.
“Tara na, Ate! Lagpas 8:30 na pala, shemay.” sabi ni Liza na nagpa-panic
“Chill ka lang! Hahaha. Hanggang 4 naman ang enrollment eh.”
“Mas maganda pa rin yung mas maaga, para hindi mahaba yung pila.” sabi ni Mama
Okay, ako na ang mali. Hahaha.
Nag-tricycle lang kami. Pagbaba namin, may nakita kaming kumpulan ng tao.
Huh? Anong meron? Nang tinignan ko si Liza, parehas lang pala kaming nagtataka.
“Ano naman kaya meron dun?” sabi niya
“Hayaan na nga natin yang mga yan. Hanapin na lang natin sila Aileen.”
BINABASA MO ANG
I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]
FanfictionThis girl tried to have a simple life after that particular 'incident' happened, but after meeting this guy... things started to be complicated. Again. ***** EDITED. © April 08, 2013