Dedicated sa author ng IFFAG (I Fell For A Gangster). Astig ng story na 'to. \m/
Anw, sinasabi ko sa inyo USO MAGPUTULAN NG SINSASABI SA CHAPTER NA ‘TO. Hahaha.
Chapter 7, here you go! :D
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
.LUISA.
Ugh. Nag-iingay na naman yung alarm ko. Kainis.
Papatayin ko na sana yon nang mapabalikwas ako ng bangon nang mapalingon ako sa orasan ko. Shet! 30 minutes na lang, male-late na ‘ko!
Dali-dali akong bumangon at naligo. Ito na yata yung pinaka-mabilis kong pagligo. Tsk, first day pa man din.
Pagbaba ko, si Mama na lang ang nandun. ‘Di man lang ako ginising ni Liza? Tss. Nagpaalam ako habang naghuhugas siya ng pinggan tas kumuha ng tinapay saka nilagyan ng hotdog.
Kung bakit ba naman kasi nagpuyat pa ‘ko kagabi.
~*~*
‘Pag minamalas ka nga naman. Male-late na nga lang, may makaka-bangga pa.
“Ano ba naman yan. Kita nang nagmamadali eh. Sana kasi tinitignan mo yung dinadaanan mo--“
“Gwapo ko ba? Isang linggo pa lang nakalipas ah.” he smirked. Ano bang problema nito?
“Punong-puno naman ng kamalasan ‘tong umagang ‘to! Late na nga, makikita ko pa ‘tong panget na ‘to–“
Ay bastusan? Takpan daw ba kasi yung bibig ko. AZAR.
“Oh, akala ko ba male-late ka na? Bakit andami mo pang sinasabi dyan?”
“Bastusan? Feeling close? Bat ba kasi nandito ka pa? Magsi-simula na kaya ang classes.” then I realized something, “Ohhhh. ‘Wag mong sabihing... ‘di mo mahanap yung section mo? Hahahaha.”
Pagkasabi ko non, napahawak siya sa batok niya at natahimik. Ang galing ko talaga. Haha!
“H-hindi nga.” sabi niya ka napayuko
“Pfft. Hahaha. Weh? Ang mapang-asar at feeling gwapong si Carlo Montenegro, walang sense of direction. Wow talaga. Hahaha.”
Ngayon ko na lang naalala na male-late na pala ‘ko. May epal kasi. Hahaha. Last na yon.
“Okay. Haha. Last na talaga. Ano ba kasi section mo? Ihahatid na nga lang kita.”
“’Wag na. Nakakahiya.“
“Ah ganun? Sige, i-push mo na lang yang pagiging ma-pride mo. Good luck sa pagpapa-late!” nginitian ko siya ng nang-aasar at akmang aalis na nang...
“Tsk! Oo na, sige na. IV-A ang section ko. Tara na kasi.” hinatak na niya ako paalis sa kintatayuan namin kanina
Galing talaga nito. Mangha-hatak eh ni hindi niya nga alam kung san pupunta.
“Oy, bat kelangan nakahawak sa kamay ko? Alam mo ba kung saan tayo pupunta, ha? Ikaw nga ‘tong nawawala diba?” I asked continuously.
At ngayon lang din nag-sink in sa’kin na magka-klase kami. Seriously.
“Sus, hinawakan lang eh. At bakit ganyan na naman mukha mo?”
“Kamay ko kasi...” bulong ko, “Wala. Kaklase kasi kita. Tss. Tara na nga.” at ni-lead ko na siya papunta ng classroom namin
BINABASA MO ANG
I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]
FanficThis girl tried to have a simple life after that particular 'incident' happened, but after meeting this guy... things started to be complicated. Again. ***** EDITED. © April 08, 2013