Kotse ni Bebe Carlo on the side (Chevrolet Corvette Stingray z06) -------------->
Chapter 2, here you go! :)
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
.LUISA.
“Liza, bilisan mo nang kumain diyan. Kailangan na nating umalis.”
“Grabe ka naman ate. Eh 12 pa lang naman ah.”
“Ano naman kasing gagawin natin dito? Andami pa kaya nating dadalhin! Hay nako.”
“Bat ba ang init-init na naman ng ulo mo ate? Ikaw talaga. Kalma ka lang!”
Sa totoo lang kasi, naiilang talaga akong kasama itong mga lalaking ‘to. Una sa lahat, naiinis pa rin ako sa katabi ko at pangalawa, hindi ko naman sila close. Sadyang feeling close lang talaga sila.
Napansin ko namag napatingin naman sa’min ‘tong isa. Si Pilosopo guy.
“Tinitignan mo?” sabi ko sa kanya. Di ko talaga maiwasang ‘di magtaray.
“Ah eh, may konti kang gravy sa bibig.” kumuha na siya ng tissue
Pinunasan niya yung part sa may gilid ng bibig ko kung nasan yung gravy na yun.
Hinawakan ko yung kamay niya na pinupunasan pa rin yung gilid ng bibig ko. Nyeta, anong nangyayari sa’kin? Dapat tatanggalin ko na diba? Bakit naman ako natigilan?
“Dapat binigay mo na lang yung t-tissue. Ano ba yan. Ikaw pa nagpunas. Kaya ko naman. Tsk.”
Nung tinanggal niya yung tissue, ngayon ko lang napansin na nagkatitigan pala kami. Nag-iwasan kami agad ng tingin.
Slow mo?
Nakng! Eww. Hoy Luisa, gumising ka nga. Pinunasan lang yung gravy sa bibig mo. Yun lang yon!
“Pare, nakita mo ba yung nakita ko?” bulong ni Lester kay Seth na tahimik na napatango
“Uhm, ganto na lang. Hatid ko na lang kayo…” sabi nitong lalaking katabi ko sabay hawak sa batok
Bipolar, ano ba yan. Ni hindi pa nga namin siya kilala eh! Mago-offer na agad ng ride?
“Kaya naman namin eh.”
“Eh ate, marami pa tayong dadalhin kaya Kuya, okay lang po.”
Ugh! I’m starting to get irritated again.
“Carlo na lang.” he turned to Liza and smiled. “Eh ikaw, payag ka?” tanong niya sa’kin
“Tsk. Sige na nga.”
“Sige na bro! Umayos ka ha?” biglang sabi ni Kats
“Oo, ugok! Ano bang gagawin ko? Hahaha.”
Yeah. Boys will be boys.
~*~*
At ito na nga kami, papunta sa parking lot.
“Amin na nga yan, ang bigat-bigat di mo pa pinadala sa’kin.” sabi ni… Carlo
FC talaga. Haaaay.
“Kaya ko naman e. Saka, marami ka na kayang dala.”
Totoo naman eh. May dala na yung dalawa niyang kamay, tapos kukunin niya pa yung dala ko? ‘Di naman ganun ka-bigat.
BINABASA MO ANG
I Didn't See That One Coming [ON-HOLD]
FanficThis girl tried to have a simple life after that particular 'incident' happened, but after meeting this guy... things started to be complicated. Again. ***** EDITED. © April 08, 2013