Chapter 2

508 38 24
                                    

Grade 5 (February 2009)

Nakaupo lang ako noon sa bench sa tapat ng classroom namin. May hinihintay kasi ako.

"JANE!" tawag ko agad ng makita ko siya.

Lumapit siya sa 'kin. "Hi Jinky."

Hinanap ko sa bag ko yung sandwich. "Pwede ba pakibigay 'to kay Kenneth," pakiusap ko.

"Nanaman?," sabi niya. Napakamot siya ng ulo. "Sige na nga. Paano kung tinanong niya kung bakit?"

"Sabihin mo gusto ko lang," sabi ko.

"Mas okay siguro kung ikaw magbibigay, tutal classmates naman kayo. Palagi nalang ako."

Hindi ko kaya. Nahihiya ako. Awkward pa kapag ako nagbigay. "Pleaseeee Jane. Ikaw nalang," pakiusap ko. 

Nag ring na yung bell kaya nagba-bye na ko kay Jane. Pumasok na ako ng classroom.

Si Jane nalang yata ang mapagkakatiwalaan ko noon. Halos lahat kasi ng mga kaibigan ko hindi na mapigilan ang bunganga kakadaldal. Pero iba si Jane. Mabait siya sakin at close kami kahit hindi kami magkaclassmates. Pwede siya sabihan ng mga secrets.

Maraming nangyari mula nang magkaroon ng "Cupcake." Ewan ko nga lang kung may Cupcake pa. Hindi na kami close ni Kenneth tulad ng dati. Hindi na nga kami halos nag-uusap.

Isang araw kasi, nadala ko yung diary ko sa school. Napasama siguro sa mga notebooks ko kasi nagmamadali na ko paalis ng bahay. Hindi ko pinaalam kahit kanino na dala ko 'yon. Nakasulat kasi doon lahat ng bagay na ayaw kong malaman ng iba.

Yung seatmate ko, Arriane ang pangalan. Okay naman kami pero medyo naiilang ako sa kanya. Hindi ko alam pero hobby niya ata ang mangialam ng gamit ng iba. Grabe, trip niya magbukas ng bag ng ibang tao. Hindi siya magnanakaw, hindi 'yon ang gusto kong sabihin. Parang gusto niya lang ata malaman kung anong mga gamit ang nasa loob ng mga bag namin. 

Nagulat nalang ako pagpasok ko kinabukasan. Inaasar na akong secret admirer ni Kenneth. Ang bilis ng balita. Halos lahat, pati teachers, alam na. Syempre, nalaman din ni Cupcake na may crush ako sa kanya. Hindi na kami makapag-usap na walang nag-aasar sa likod o kaya kapag may partners na kailangan sa activities, kami palagi ang tinuturo. Ang awkward na kapag magkasama kami. Hindi na kami gaano nag-usap hanggang sa dumating sa point na talagang parang hindi kami naging close kahit kelan.

Alam ko naman na hindi ako crush ni Kenneth kaya naiilang siya. May mga nakakaalam narin sa MU nila ni Izzy. Hindi Mukang Unggoy, hindi Mag-isang Umibig kundi Mutual Understanding.

Kung gusto mo ng Malanding Ugnayan, okay lang.

Naiilang din naman ako kasi nakakahiya na maya't - maya kang inaasar sa mga ganyan. Umiiwas na rin kasi si Kenneth sa'kin. Yan yung reason ko kaya nga hindi ko sinabi kahit kanino. Iiwasan niya ko kasi ayaw niya ng issues. Kung hindi siguro kinalat ni Arriane na crush ko siya, dapat hindi kami naging awkward.

"Ms. Dela Cruz, what is reproduction," nagulat ako sa biglang pagtawag sakin ni Sir.

Nako, hindi ako ready. Tumayo pa rin ako. "Reproduction is... to... uhm.. create or recreate something."

"Okay. Other answers," tanong ni Sir Dennis. 

Nice. Yan ang napala ko kasi hindi ako nakikinig. Atleast may effort na tumayo at mag-isip. Tama naman yung sagot ko. Hindi lang elaborated. 

CupcakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon