Chapter 11

234 26 33
                                    

Fourth Year High School (August 2013)

Nagmamadali kong sinuklay yung buhok ko dahil late na ko. Napuyat ako kakatapos nung assignment namin sa Math. Ang yabang ko kasi. Late ko na ginawa kasi sabi ni Sir, numbers 1 and 2 lang. Kala ko onti lang kaya nagfacebook-twitter-tumblr-wattpad muna ako. Nagulat nalang ako pagtingin ko sa number 1 na may parts A, B, C, D, E at number 2 na parang puzzle pala. Bwiset.

"Jinky," tawag ni Mama sakin. "yung service mo kanina pa nandito!"

Nako. Nakakahiya naman. Dali-dali kong kinuha yung bag at wallet ko bago ako tumakbo palabas.

"Bye Ma," sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"Sabihin mo sa teacher mo absent ka bukas ah," madali niyang sabi bago isinara ni Manong yung pinto ng van nya.

Wag niyo pagsasabi ah. Sa ilang taon ko ng pag-aaral at pagpasok sa school, never akong nag-absent. First time kong aabsent kaya medyo excited ako. Kilala ko rin si Mama. Hindi nya yun gagawin kung hindi super importante. Ano kayang meron? Na-excite tuloy ako mag-uwian kahit di pa nga ako nakakapasok.

"Miss Dela Cruz," tawag sakin ng minamahal naming adviser. Medyo strict yun kasi ang taas ng standards niya. As in. Dagdag mo pa yung reason na Star Section kami at graduating na. Ang taas tuloy ng expectations samin. Dapat role model daw kami sa lower levels. Alam kong mukha akong model pero ewan ko lang kung gugustuhin ng mga bata na gayahin ang pagkabaliw ko. Chos!

Pinalapit niya 'ko at ang daming naasar nung tumayo ako dahil nakaharang daw ako sa kinokopya nila. As if naman ang tangkad ko. Ang liit ko na nga reklamo pa rin.

Hiningi ni Miss yung gawa kong seating arrangement. Hindi kasi siya satisfied sa seating arrangement namin ngayon. Ang ingay-ingay parin at minsan, may nahuhuling nagkokopyahan sa likod. Ayaw niya rin na magkakalapit yung mga lovers dahil hindi daw lovers lane ang classroom niya.

Tiningnan niya ng mabuti yung gawa ko at pumayag siya dahil magkakahiwalay ang mga magkakaibigan at magka-ibigan. Sa totoo lang, nagpatulong ako kay Kate sa paggawa niyan. Nilagay niyang katabi ko si Tom at sa likod ko si Kenneth. Para daw may double inspiration ako. Ugh, ang landi. Infairness, magaling ang arrangement dahil mukhang hindi sinasadya. Laughtrip kaming dalawa nung ginagawa namin yun.

Pinatayo na kaming lahat at pinalipat sa bago naming mga pwesto. 

"Hi seatmate," sabi ni Tom sabay kindat. Isa pa 'tong malandi. Ewan ko kung bakit ko naging crush 'to. Ang hot nya lang eh.

"Hi mo mukha mo," pagtataray ko sa kanya.

Kunyari siyang nasaktan. "Ang snob naman. Friends tayo ah," sabi niya sakin then nag-offer ng kamay niya.

Ayoko makipag-usap dun kaya OO nalang ako at nagkipag-shakehands.

Aasarin ko sana si Cupcake pero pagtalikod ko, natutulog siya. Nainggit ako kaya natulog nalang din ako.

Excited si Mama pagkauwi ko.

"Jinky, piliin mo na yung isusuot mo bukas para ma-plantsa ko ulit," sabi niya pagkapasok ko palang ng pinto namin. Nakapagtataka naman. Ngayon nalang siya naging ganyang kasaya at masaya rin ako para sa kanya, kung ano man yung dahilan.

"Para saan Ma?" tanong ko. Naguguluhan ako sa kanya kasi linis siya ng linis ng bahay.

"Surprise yun. Basta isabit mo yung damit sa pinto ng kwarto ko. Ako nang bahala."

Ang weird talaga. Nagbihis na ko at naghain ng kakainin namin. Sabi ni Mama, wag daw ako magpuyat dahil maaga ang alis namin bukas papunta sa kung-saan-man. Hindi ko mapigilan na maging excited. Nakakahawa kasi si Mama. 

CupcakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon