Chapter 12

253 24 20
                                    

Fourth Year High School (December 2013)

"Jinky, wag na kasing KJ," sabi sakin ni Kenneth habang pilit niya kong pinapatayo.

"Ayoko nga kasi!"

"Dali na! Malulungkot si boyfie," asar pa sakin ni Kate.

Hindi ako tatayo dahil ayoko. Busy ako sa pagbabasa ng bago kong libro. "NO. Ayaw ko nga!"

Lalong lumakas yung paghila sakin ni Kenneth. Mas malakas sya sakin kaya ang sakit na ng braso ko. "Tumayo ka na jan, or else..." pagbabanta nito sakin.

"Or what?" pagtataray ko. Kainis naman kasi. Hindi ata alam ang meaning ng AYAW KO.

Tumigil siya sa paghila sakin. Buti naman. 

"Gusto mo talaga malaman? Gusto mong ipakalat ko yung sex tape natin?" sinabi niya with a smug smile. Napatingin samin yung mga classmates ko. Si Kate at Dorothy, laglag na ang panga, pwedeng-pwede nang pasukan ng langaw.

"WHAT?! Hinaan mo boses mo! Nakakahiya ka!" galit na sabi ko sa kanya while trying so hard na hinaan ang boses ko.

Rinig na rinig yung mga bulungan ng mga tao sa paligid. For God's sake, wala kaming sex tape! Bwisit talaga 'tong lalaking 'to! Grabe na yung pagpapahiya niya sakin nitong mga nakaraang buwan.

Una, pinakalat niya sa Youtube yung video ko na sumasayaw nung nag-stage play kami. Mukha akong tuod dun. Sabagay, tuod naman talaga ako kasi ako yung "Mystical Tree" dun.

Pangalawa, may walang pakundangang umutot sa classroom namin. Ang baho talaga, parang isang linggong hindi tumae. Sinabi bigla ni Kenneth, "Sabi na eh, ikaw yun!" habang nakaturo sakin. Naniwala silang lahat na ako ang naghasik ng lagim. Kadiri!

Pangatlo, may recitation kami. Nagtanong na si Miss so sinagot ko naman. Ayun pala, para dun sa taong nasa likod ko yung tanong. Actually, walang nakakatawa dun pero tumawa siya ng pagkalakas-lakas kaya buong klase pinagtawanan na 'ko.

Pang-apat, naka-stretch yung paa niya so pagdaan ko, natalisod ako. Nawalan ako ng balance at aksidente kong nahila pababa yung pants ng isa ko pang kaklaseng lalaki. Nalaman ko ng wala sa oras na black ang kulay ng brief nito. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako tumingin sa dinadaanan ko pero sana naman, inalis niya or what.

Marami pang iba. Tapos ngayon, ang lakas-lakas ng pagkakasabi niya ng tungkol sa bwisit na sex tape na yan. 

Naiiinis ako sa kanya kaya di ko muna siya pinansin. Kinikiliti niya ko so ang hirap magpokerface lalo pa't malakas ang kiliti ko.

"Tara na kasi," sabi niya habang kinikiliti ako sa tagiliran.

"Sa isang kundisyon," sabi ko, "sasabihin mo sakin kung bakit hindi ka pumunta nung birthday ko."

Medyo naging seryoso siya. "Matagal na yan. Hindi mo na kailangan malaman."

Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

"Sige na. Sasabihin ko sa'yo kapag ready na ko," sabi niya habang natatawa.

Bahala na nga. Kawawa naman eh. Sumama na ko sa kanya papunta sa gitna ng classroom. Nakaupo ng pabilog lahat ng kaklase ko, nag-eenjoy sa walang kwenta nilang laro na truth or dare. Umupo ako sa tabi nina Kate at Kana. Si Kenneth nasa kabilang side kung saan maraming boys.

Kainis naman kasi eh.  Ayaw ko nga ng laro na 'to. Ang pangit.

Pinaikot na nila yung bote ng C2 sa gitna. 

Ang bagal ng ikot nung bote, para bang iniinis ako lalo everytime na napapadaan sakin at akala ko titigil na. Ayoko sanang mapasali sa kabaliwan ng mga siraulo kong classmates.

CupcakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon