Chapter 4

404 32 14
                                    

Grade 6 (February 2010)

Alam niyo yung kapag nagd-drawing kayo ng line, halos perfect na nga tapos biglang babaluktot or tatabingi? Parang ganun yung buhay ko. Okay na tapos biglang may mangyayaring kung-ano.

 "Kelan mo ba ko sasagutin?"

"Tigilan mo ko."

"Jinky, please, wala lang ba sa 'yo lahat ng effort ko?"

Ewan ko sa kanya. Hindi nalang ako sumagot. Tinuloy-tuloy ko nalang ang paglalakad ko papuntang classroom.  Late na ko ng mga 5 minutes.

"Galit ka ba," tanong niya. 

"Hindi," sabi ko.

"Bakit 'di ka namamansin," pangungulit nya parin. Nainis na 'ko. Bad trip ako kasi meron na nga akong bloody visitor, may mga nambabanas pa.

"STEPHEN, ANO BA? Tumigil ka na, please," nasigawan ko tuloy siya. Sorry pero naiiliang ako sa mga pinaggagagawa niya.

Yes, buti wala pang teacher! Wala ako sa mood mapagsabihan.

"Hindi ako susuko Jinky," sabi niya bago kami pumasok ng classroom.

Limang araw na syang ganyan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng taong yun at bigla-bigla nalang "nanligaw". Hindi ko talaga maintindihan. Isang araw friends kami tapos naging ganito.

Medyo nagka-ayos na kami ni Izzy. Hindi totally kasi may mga naririnig parin akong mga hindi magaganda tungkol sakin. Ayaw ko naman ibintang kay Izzy yun pero hindi ko talaga alam kung kanino nanggagaling. Hindi ko rin naman siya mapaniwalaan ng 100% kasi out of the blue siyang nakipagbati. Ang weird nga pero nakisakay na rin ako para matigil na yung away.

Ang complicated na ng mga nangyari. Nag “break” na kasi sina Izzy at Kenneth bago pa nakipagbati si Izzy sakin. Hindi ko alam kung naging sila ba pero hindi na sila palaging magkasama. Nagpalipat pa nga si Kenneth sa seating arrangement. Nasa bandang likod ko na siya. Kinakausap na rin ako ni Kenneth. Hindi nga lang kasing open katulad ng dati yung mga conversation namin. Okay na rin kaysa naman iniiwasan niya ‘ko.

Nalaman ko kay Lee, ka-tropa noon ni Izzy na medyo ka-close ko, na crush daw ni Kenneth si Yuri, na alam kong may crush naman kay Stephen. Hindi dapat ako maniniwala pero nung inasar ko kasi si Kenneth tungkol dun, hindi siya makasagot. Nagblush pa nga. Nasaktan ako pero carry on lang. Wala akong magagawa.

May mga naging ka-close ako mula nung nagkabati kami ni Izzy. Si Lee na napaka-chikadora at siya ang supplier ko ng mga nagbabagang balita. Si Carly na bestfriend ni Lee. Away-bati sina Lee at Carly kaya sakin pumupunta si Carly kapag nag-aaway sila. Pati si Arriane na dating nang-aapi sakin pero sinapian ata ng mabuting espiritu. Si Kenneth na crush ko parin. Syempre, andyan si Jane at si Jacob. Si Stephen kaibigan ko parin kaso bigla namang nanligaw.

Tinanong ko na si Jacob kung anong problema ng bestfriend niya at ako ang napagtripan. Hindi niya daw alam. Hindi naman sa panget si Stephen pero hindi ko kasi siya type. Nakakatawa siya, attractive ng konti, saka matalino rin naman. Sorry talaga pero kahit anong gawin niya, hanggang friends lang talaga. Saka ayoko rin paasahin yung tao. Kahit naman kasi may gusto ako dun, hindi rin papayag si Mama na magka-boyfriend ako. Baka palayasin pa ‘ko nun.

May kumalabit sakin. "Psst," sitsit ni Kenneth sabay abot ng papel.

Aattend ka ng turn-over next week?

CupcakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon