Chapter 10

384 29 25
                                    

Third Year High School (December 2012)

"Jinky, ano bang nangyayari sayo?!" sigaw niya sakin, mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Pilit kong inalis yung kamay niya. Napabuntong hininga nalang siya at tumalikod.

"Wala kang pakialam." Likod niya lang ang nakikita ko pero nakita kong tinaas niya yung kamay niya para magpunas ng luha.

Nanahimik muna kami. Hindi ako makapagsalita. Naupo nalang ako sa kama. Pagod na ko sa ganito. Nakatayo parin siya, nakaharap sa bintana. 

"Hindi kita maintindihan eh," mahina niyang sinabi.

 Talagang hindi. Manhid ka kasi.

"Kailan mo ba ko inintindi?! HA?" galit na sigaw ko sa kanya. "Ano!?" 

Humarap na siya. "Diretsuhin mo nga ako! Dahil hindi ko kayang basahin kung anong nandyan sa utak mo. Kung galit ka sabihin mo sa akin, sabihin mo sa akin kung bakit! Kung nasasaktan kita sampalin mo ako! Sige, gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibigan mo ko!"

Umiiyak na talaga ako. Parehas lang kaming nahihirapan sa mga nangyayari.

"Yun nga. Kaibigan mo LANG ako! And that's all I ever was to you Kenneth! Kaibigan mo!" Nahihirapan na ako pero kailangan ko nang sabihin. "Takbuhan mo kapag may problema... Taga-sunod... Tagapagpatawa kapag nalulungkot ka... Taga-gawa ng assignment... Taga-tanggap ng kahit ano!"

Natahimik siya. Hindi pa ako tapos. "And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend."

"I love you Kenneth!"

Natahimik kami parehas. Niyakap niya ko. Matagal.

He whispered, "Sorry. Just let me-"

Nabasa na ng luha ko yung t-shirt niya but he doesn't seem to mind. "You don't have to explain. It's okay. Ayokong pwersahin kang mahalin din ako," agad kong sinabi.

"No. Jinky, listen to me." Umalis ako sa pagkakayakap niya.

Nakatingin siya sa mga mata ko. Naramdaman kong pinunasan niya yung tumulong luha ko sa pisngi.

"Sorry dahil naging duwag ako. Ayokong mawala yung friendship natin na napakatagal kong inalagaan. Ayokong makita kang nasasaktan, Jinky. Alam mo yan!" 

"It's okay," sabi ko. Tanggap ko naman.

"No. It's not." Sobrang lapit namin sa isa't-isa. "Jinky, I love you." Mahina ang boses niya. "Natatakot ako na baka masaktan kita. Sino nalang ang bestfriend na lalapitan mo kung sakali? Sorry, Jinky. Natakot akong aminin sa'yo noon."

"I love you. Tandaan mo yan."

So, this is it then. The most awaited kiss. 

Konting centimeters nalang.

"CUUUUUUUUT!

Hay salamat. Hindi na ko mapakali. Nangangati na kasi yung ilong ko.

"Wow, guys! Ang galing niyo," bati samin ni Kate. "For a second I thought it was all real. Good job!"

"Thanks," sabi ni Kenneth. "May pagkain pa ba?" 

Hay nako. Pagkain agad ang hanap.

"Sa bag ko," sigaw ni Kate kay Kenneth. Then to me, "Jinky, preview ko muna 'to ah!" 

Nag-eenjoy talaga ako sa project namin na 'to. Gumagawa kami ng romance movie and syempre, ako ang leading lady. Si Kenneth yung leading man. Okay sana kaso medyo awkward kasi puro love scenes saming dalawa. Pero infairness, ang galing daw  naming umarte. Mag-artista na nga lang ako.

CupcakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon