6

14 2 0
                                    

Ang saya niyo tignan
Samantalang ako dito pinipilit na masiyahan.

Hindi ko alam kung dapat ba kong umiwas
Para lang pagkakaibiga'y hindi magkaroon ng butas.

Ako na lang ba lagi magpaparaya?
Para lang kayo'y maging masaya?

Oo, akala niyo okay lang ako
Kasi puro ngiti ang pinapakita ko.

Pero tignan mo ang aking mga mata
Konti na lang ito'y luluha na.

Wag ka namang ganyan
Para kang manhid na hindi ko maintindihan.

Sana'y matuto kang makiramdam
Para naman mabawas mabawasan aking pagdaramdam.

Oo sige, okay lang ako.
Kasi kahit naman hindi, kailan ba kayo nagkaron ng paki sa tulad ko?

-

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon