12.

8 0 0
                                    

O kay sarap mag isa
Tipong malayo sa piling ng iba.

Isang magandang tanawin,
At malamig na simoy ng hangin.

Sa isang lugar kung saan ikaw lang ang nakakaalam,
Makakamit ang kasiyahang inaasam asam.

Makakapag isip ng maayos,
Na para bang problema mo'y doon nagtatapos.

O kay sarap mag isa,
Sa mundo'y tila wala kang pakialam na.

Lahat ng magagandang alaala ang babalikan.
Mga nakakasakit ang siyang kakalimutan.

Ngunit, isang bagay ang humahadlang ng pilit.
Nasa realidad tayo, kahit sa isipa'y iwaglit.

Sa realidad, kung saan komplikado ang lahat.
Sa realidad, kung saan problema'y pabigat ng pabigat.

Ang kailangan lamang gawin,
Sa Kanya'y ating kamay ay huwag bawiin.

Dahil tuluyan na tayong malulunod,
Sa buhay na ang alon ay walang humpay at sunod sunod.

O kay sarap mag isa,
Siguro sa piling Niya, doon tayo mas sasaya.

Lugar na ating hinahanap hanap,
Ito'y ang Langit at sa Kanyang mga bisig na sa ati'y nakayakap.

-

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon