Luha'y nagbabadyang tumulo
Sa mga matang nag-iinit ng todo.Isang simpleng dahilan.
Pero ang laking epekto saking puso't katawan.Nang ako'y tumalikod, nakita ko kayo.
Masayang nagkukuhanan habang wala ako.Nang ako'y lumapit
Ako'y inyo pang ininggit.Nakakatawa lang isipin na,
Hindi niyo rin pala ako binibigyang halaga.Ngayong alam ko na.
Magaling lang pala kayo sa umpisa.Sana sa iba na lang sumama,
Para ako'y hindi niyo na pinoproblema.Simpleng litrato lang naman ito para sa inyo
Pero para sakin napaka importante, kasi kasama ko kayo.Ngunit mali pala talaga ang akala ko.
Wala pala talagang pwesto ang isang ako sa grupong to.Pero bakit niyo pa ko sinasamahan?
Kung sa huli'y ako pala'y inyo ring iiwan.-
BINABASA MO ANG
Poems
RandomMy everyday experiences or minsan hugot lang. Sariling tula ko lahat. Hehe. Wakwenta pa rin to. Hehe