Eto na naman ako,
Umiiwas na naman sayo.Bakit kasi ganyan mga kilos mo?
Hindi mo ba alam na litong lito na ako?Nakakapagod kayang umiwas.
Bakit kasi yung nararamdaman ko ayaw pang lumipas?Hindi ko alam kung ako ba ang may problema?
O sadyang utak ko lang ang may malisya?'Wag ka kasing magbigay ng motibo.
May mga naaapektuhan kasi sa mga kinikilos mo.Palibhasa kasi, nagkakalabo kayo.
Kaya ako ang kinakausap mo.Oo, tanggap ko na.
Option mo lang akong talaga.Kaya hindi ko na ipipilit pa.
E para saan pa? Kung mayroon ka ng siya.Alam mo kasi, nakakainis.
Yung puso ko hindi ka matiis.Hindi mo ba talaga nararamdaman?
O sadyang, nagmamanhid-manhidan ka lang?Kung patuloy kang magiging ganyan,
Itigil mo na, kasi ako'y nahihirapan.'Wag kang mag-alala
Hindi na ko aasa pa.Pero mananatili ako sa tabi mo.
At itatago ang nararamdaman ko.Para lang huwag masira ang ating pagkakaibigan
Kasi 'yon na lang ang meron ako na dapat ingatan.-
😅
BINABASA MO ANG
Poems
RandomMy everyday experiences or minsan hugot lang. Sariling tula ko lahat. Hehe. Wakwenta pa rin to. Hehe