10.

14 1 0
                                    

Nagkita tayong muli kanina
Ngunit hindi kita pinansi't dinedma.

Ang sarap makita muli,
Ng iyong mga nakakabighaning ngiti.

Pero naalala ko nga pala
Sabi ko sa sarili ko kalilimutan na kita.

Kaya kunwari wala na lang akong nakita
Kasi baka hindi ko matupad aking mga salita.

Pasensya ka na sa akin.
Hindi ko naman alam na ako'y iyo ring mapapansin.

Pero salamat dahil nakilala ka,
Kasi nagkaroon ako ng isang magandang ala-ala.

Lilisanin ating paaralan,
Na hindi ka kalilimutan.

Paalam na aking hinahangaan,
Hanggang sa muli nating pagkukwentuhan.

-

adios

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon