Chapter 6

39 3 0
                                    

Chapter 6

(may bs dito, bawal sa bata)

Alex’s POV

“hay mabuti nalang at naka-alis na yung mga mokong nayun” pumasok naman ako sa kwarto ko at tsaka humiga.

Grabe ang nangyari sa akin ngayon araw nato!

Hindi ko matake ang lahat-lahat.

Ni hindi ko nga mapaniwalaang nangyayari ang lahat ng ito ngayon eh. Basta gusto ko lang matapos ang lahat ng ito.

Well, I’ve got so many problems that I have to face.

Psh! Bakit ba kasi umuwi pa si mama eh. Hindi siguro ako magkakaproblema ng ganito. Alang hiyang buhay naman kasi to eh.

So for a month or so, hindi ko muna poproblemahin si mama, kasi si ate muna ang mamomoblema sa kanya.

Kaya with in that time, paplanuhin ko ang lahat-lahat ng gagawin ko.

First, kailangan kong ayusin ang buhay ko sa loob ng school. Dapat hindi ako makikipag-away.

Pero malabong mangyari yun. Eh sila naman yung lumalapit sa akin at inaaway ako eh, pinapatulan ko lang. masama ba yun :P

Okay, so scratch that.

Teka nga? Ano bang gagawin ko? Hindi ko na alam?!! Waaaaaahhhhhh!! I need help.

---

Kinabukasan…

“oh? Ba’t ganyan kayo makatingin? Pinaliwanag ko naman sa inyo kahapon diba?” sabi ko kina Cloud at Peter.

Kung makatingin kasi sila parang nakakita sila ng multo.

“w-wala…” sabi ni Peter, tapos umiwas ng tingin sa akin. Nakakita na ba kayo ng lalakeng nag b-blush? Si Peter na yun.

Oh my! Did he just fell for my feminine side? Ewww…

“hindi pa rin kasi kami makapaniwala eh” sabi naman ni Cloud.

Ako rin hindi makapaniwala na nangyayari sa akin ang mga bagay na ito.

“yung promise niyo ha, tandaan niyo” sabi ko tapos umalis na.

Nag paka-sweet effect pa naman ako nun para mapapayag sila. Nanririndi ako kapag naalala ko yun.

Pumasok na ako sa classroom ko tapos nag-lesson na yung prof namin.

Ok fast forward…

Uuwi na ako. Hindi ko feel mag practice ng skateboard. Hindi ko rin feel gumala. Gusto ko lang matulog at magpahinga.

Lulubusin ko na na ganito ako, kasi in just a few weeks I’ll know I’ll be busy. TT_TT ayoko mangyari yun.

But then my plan has been ruined

Hey! Sunduin kita sa mall yung malapit sa school niyo. We have something to celebrate.

-          Gian

Letseng boyfriend naman kasi yan oH!! Ay nako! So ako naman kasi laging ready, pumunta na sa gate

Pero may humarang sa akin na tatlong lalake.

“ano na naman kailangan niyo?” sabi ko sa kanila.

“anong kailangan namin?”

*bog*

Bigla naman akong sinuntok nung isa. Kaya napahawak ako sa bibig ko. Shet! Dumudugo! Pasa aabutin ko nito!

“pwede ba! Wala kong panahon sa mga kagaya niyo!” lalong lalo na hinihintay na ako ng ‘boyfriend’ ko ngayon.

RUAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon