Chapter 12
Lumipas ang mga araw, patuloy pa rin naman ang pagpapanggap sa harapan namin ni mama.
“I’m gonna miss you Verzy, bisita ka minsan sa bahay ko ha. Huwag palagi sa bahay ni Angelou ok?”
“ma? Are you saying…?” tumango naman nun si mama. So, lilipat na pala ng school sa mama, and she is transferring to my sister’s school.
Uh-oh. Mukhang mapapasabak ang aking dear sister ah.
“I will miss you too… mama” natuwa naman si mama nun, tapos hinug niya ulit si Verzy.
Iniwan na kami ng mama ko nun. Kaya natahimik kami.
“look’s like my job is done. Back to normal na tayo” sabi niya tapos umalis na agad.
Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko. Pag-uwi ko sa bahay nun parang nawala lahat ng lakas ko. Humiga ako sa higaan ko ng hindi pa nagbibihis.Panayang buntong-hininga ko habang nakatingin lang ako sa kisame.
Nakatulog na lang ako sa ganun na kalagayan.
“tama na! Verzy!” nilapitan ko ang mga taong pinagtutulungan siya. Tumakbo naman sila. Nakita kong duguan na si Verzy at halos pilay na ang mga kamay at paa.
“what are you doing here?” tanong niya sa akin. Tiningnan ko lang siya nun habang awang awa sa kalagayan niya.
“huwag mo na akong lapitan, you are not worthy of my time.” Tumayo siya nun na para bang walang nangyari sa kanya.
“I don’t need you, and stay away from me” lumakad siya nun, pero pinigilan ko siya.
“don’t do this. I can’t live without you…. Because
I love you”
Nagising ako dahil sa aking alarm clock. Umaga na pala. Ewan ko ba sa sarili ko, bakit ganun ang napanaginipan ko. Maybe my dream was right.
Maybe I really do love Verzy.
I love him so much that I can’t afford to loose him anymore, or else I’ll die. This time it’s true, and this time it’s unending.
Nagmadali akong nagbihis para pumasok sa school. I’ve decided, I will tell him what I feel. Kasi kung hindi ko pa gagawin to ngayon. Kailan pa? pag huli na ang lahat. Pero nandun pa rin ang pag-aalangan ko. Pa’no kung sabihin ko yun, baka magalit siya sa akin?
Baka lalo pa siyang lumayo, mas lalo pa siyang mawawala sa buhay ko.
Well, chances are made to make us decide. Bahala na.
Pagdating ko sa school hinanap ko agad siya, pero hindi pa daw siya dumadating. At dahil kailangan ko ng pumasok sa klase ko, hindi ko muna siya hinanap.
Habang nagka-klase ko parang ang bagal ng oras. Gusto ko ng matapos to agad. I really want to see him badly.
Nung nagbell lumabas ako agad sa classroom ko, hinanap ko ulit siya. Pero nalaman ko na may klase pala siya, kaya hindi ko muna siya inistorbo.
And my day goes on like that, kung wala siya klase may klase naman ako. Pag vacant ko, kung wala siyang klase busy naman siya.
5 p.m, ang alam ko wala na siyang klase ngayon oras nato. Kanina pa natapos yung klase ko for today.
“Mark, nakita mo si Verzy?” natulala siya nun pagkakita niya sa akin.
“aahhh ano, h-hindi eh” sabi ni Mark tapos tumingin sa ibang dereksiyon.
“eh kayo?” nilingon ko naman sinaCoco, Harry at Lavi nun.
“aahhh… ano bang kailangan mo sa kanya?” napabuntong hininga ako nun tapos nag-smile pero pilit. Tapos feel ko may namumuo na luha sa mga mata ko.
“may sasabihin lang ako sa kanya” sabi ko tapos yumuko.
“sige… salamat nalang, bye”
“teka Angelou!” hinawakan niCocoyung braso ko.
“*sigh* kung gusto mo siyang makita nasa isang laboratory siya sa 5th floor. Perosana kung ano man yang gusto mong sabihin,sana para yan sa ikabubuti ng lahat” napatango naman ako nun tapos agad na tumakbo sa laboratory na yun.
Hingal na hingal nga ako nun pagkarating ko sa 5th floor. Grabe! Dapat talaga lagyan na ng elevator ang building nato.
Hinanap ko naman yung laboratory kung nasaan si Verzy.
Hindi ko alam pero sadyang binabagalan ko talaga yung mga kilos ko nun, at tsaka ang lakas ng pintig ng puso ko.
Huminga ako ng malalim nung nasa tapat na ako ng pintuan. Pagbukas ko ng pintuan nakita ko nga si Verzy pero
Tama bang may babaeng halos hubo’t hubad na nakapatong sa kanya?
Napatingin naman sila sa akin nun. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin nung mga oras na yun.
“aahhhh… ano sorry sa istorbo, m-may kukunin langsanaako eh. Pasensiya na talaga ha. Sige ipagpatuloy niyo na yan” sabi ko tapos isinarado ang pintuan.
Lumakad ako papa-alis nun.
Nung makalayo na ako sa laboratory, dun na ako tumakbo. Pinipigilan ko pa ang luha ko. Tinakbo ko yung school papunta sa bahay ko.
Wala akong pakialam kung masakit na ang paa ko, wala akong pakialam kung hingal na hingal na ako. Basta gusto ko lang maka-uwi.
Pagkadating ko naman sa bahay ko, agad akong pumasok sa kwarto ko tapos sumubsob sakamako.
Dun ako umiyak nang umiyak at humagulhol.
Parang gumuho ang mundo ko ng mga oras na yun. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Mas pipiliin ko pa ang maging manhid.
Mas masakit pa to nung nalaman ko na bakla si Clester. Parang andami ko ngang tubig sa katawan eh, kasi hindi pa rin maubos-ubos ang mga luha ko.
Maybe Me plus Verzy is equals to nothing.
BINABASA MO ANG
RUAH
Ficção AdolescenteLahat ng tao may sikreto. Lahat ng tao may kinakakatakutan. Lahat ng tao may nilalabanan. Lahat ng tao may pakiramdam. Lahat ng tao may pangangailangan. At lahat tao nangangailangan ng RUAH para mabuhay.