Chapter 10
Napatingin naman agad kami ni Verzy sa isa’t isa. Pareho pang nanlalaki ang mga mata namin.
“s-sir alam ko pong sinabi niya sa akin pero alangan naman pong hayaan ko silang bugbugin ako” sabi ni Verzy. Naaawa ako sa kanya.
“I’m sorry Verzy, pero napag-usapan na natin to”
“kung I k-kick out si Verzy, edi dapat kick out din ako” nagulat naman silang lahat sa sinabi ko.
“what are you talking about Miss Javier?” sabi ng guidance counselor namin.
“ma’am nandun din po ako nung nakipag-away si Verzy, actually ako nga yung nagpatumba sa mga lalakeng umaway sa kanya eh. Siguro kung hindi pa kayo dumating ng mga oras na yun baka napatay ko na ang mga lalakeng yun” huminto ako saglit para tingnan sila na nanlalaki ang mata sa akin.
“at tsaka, bakit si Verzy lang ang may sanction? Eh dapat mas malaki yung sanction ng mga umaway sa kanya. Can’t you see? Ipinagtatanggol lang ni Verzy ang sarili niya. IPI-NAG-TA-TANG-GOL!! You can see the difference between defending and attacking right? Bakit kayo ganyan? Dapat open minded kayo kasi mga teachers namin kayo. If its his fault to fight for what we should fight for then it is also everybody’s fault for hating him, when he does nothing!” napa gasp ako nun kasi deretso-deretso lang yung pagsasalita ko. Walang preno. Bagay akong maging abogado ha. Infairness :P
“u-uhmmm.. well, Miss Javier your right. Pero kaya namin ginagawa to para wala nang kasunod na mangyari na ganito. Ayaw namin na may away na naman sa school.” Sabi ng guidance counselor namin. Magsasalitasanaako nun pero nag sign siya na patapusin muna siya kaya nanahimik naman ako.
“I believe everybody deserves second chances pero kailangan niyong matutunan na ang lakas ay ginagamit sa kabutihan hindi para puruhan ang sino man ok?” napatango naman kami ni Verzy nun.
“hindi na namin ipapa kick out itong si Verzy, pero!” sabi ng prefect namin.
“pero you will have to clean our school campus for 4 Saturdays. Kayong dalawa ok?” nanahimik lang kami nun ni Verzy. Cleaning? Well, let just say na wala akong alam tungkol dun.
“and as for the boys na sumugod sayo Mr. Vidal, they are suspended for a month. Is that okay?” napatango naman nun si Verzy. After nun pina-alis naman kami nun.
Nung lumabas na kami humugot ako nang sandamukal na hangin.
“tayo na” umuna ako na maglakad sa kanya.
“Angelou” hinawakan ni Verzy yung braso ko, kaya tiningnan ko naman siya nun.
“salamat” niyakap naman niya ako nun ng mahigpit. Tapos naramdaman ko na hinalikan niya yung gilid ng ulo ko.
“I really can’t leave without my Ruah” huh?! Ruah? Sino yun? Babae ba yun?
“Verzy, Angelou” napalingon naman kami nun kay mama. Oo nga pala, nandun pala siya sa loob kanina. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presence niya. Ang tahimik ni mama eh. Hindi man lang kami pinagtanggol.
“we need to talk” lumakad naman nun paalis si mama kaya sumunod kami sa kanya. I have a bad feeling about this *gulp*
Napunta kami sa isang classroom na walang tao. Tapos humarap si mama, tama nga ako galit siya.
“what is this story I’ve been hearing about? Matagal ka nang nakikipag suntukan sa ibang studyante, ha Verzy?” lumapit naman si mama ko nun kay Verzy habang naka-kunot ang noo niya.
“at ikaw naman Angelou? Anong ginagawa mo all this time?”
“uhhmmm.. inaawat naman po ako ni Angelou eh” sabi ni Verzy habang hinahawakan ang likod ng ulo niya at tsaka nakayuko siya.
BINABASA MO ANG
RUAH
Ficção AdolescenteLahat ng tao may sikreto. Lahat ng tao may kinakakatakutan. Lahat ng tao may nilalabanan. Lahat ng tao may pakiramdam. Lahat ng tao may pangangailangan. At lahat tao nangangailangan ng RUAH para mabuhay.