Chapter 11

57 4 1
                                    

Chapter 11

Lumipas ang panahon mas lalong lumalim ang nararamdaman ko kay Verzy. I know this is not right pero hindi ko talaga mapigilan. Hindi na nga ako mapakali kung nandiyan siya sa tabi ko eh.

Kaya ang ginagawa ko, umiiwas ako sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.

Nagtataka na nga yung mga kaibigan ko eh, well baka nga rin siya nagtataka rin kung bakit ako lumalayo sa kanya. Yung mama ko naman iniisip na nag l-lq lang kami.

“ANGELOU GRACE L. JAVIER! MAG-USAP TAYO!” umagang-umaga may nambubulabog sa harap ng gate ko. Nagising nga ako dahil sa sigaw niya eh.

Lumabas naman ako ng gate nun wala akong paki-alam sa itsura ko. Kahit na naka night gown pa ako tapos magulo pa yung buhok wala akong pakialam.

Kinusot ko lang yung mga mata ko if ever may something doon, lumabas naman ako sa bahay tapos pikit matang binuksan yung gate.

“anong kailangan mo?” natahimik naman si Verzy nun.

“i-ikaw! Magbihis ka nga! Lalabas-labas ka tapos ganyan ang suot mo! Hindi ka ba nag-aalala na baka rape-in ka ng mga tao dito?”

“pasok ka na nga! Andami mong satsat” hinila ko siya papasok sa bahay ko. Grabe! Antok na antok pa ako. Pagpasok ko naman agad sa bahay binitiwan ko siya, tapos sumobsub ako agad sa sofa.

“huwag mong sabihin na balak mo akong tulugan dito?” hindi ako sumagot nun, gusto ko pang matulog.

“hoy! Angelou!” inayos ko lang yung pagkakahiga ko nun, habang ini etsapwera lang siya. Tinaas ko yung isang binti ko tapos tinakpan yung mata ko gamit ang braso ko

“Angelou naman! Huwag kang ganyan. Tingnan mo nga yang suot, mo tapos ganyan pa ang posisyon mo, anong bang iniisip mo na maramdaman ko?”

Wa epek. Hindi ko siya pinansin nun. Naramdaman ko nalang na binuhat niya ako. Maya-maya lang nasakamana ako. Dun, tuluyan na akong nakatulog.

Paggising ko isang Verzy Louis S. Vidal na natutulog ang bumungad sa akin. Tiningnan ko ang sarili ko nun.

Phew! Akala ko nirape na ako netong si Verzy eh =P

Bumangon naman ako nun tapos naligo at nagbihis. Tulog na tulog pa rin siya kada check ko sa kanya. Mas mantika pala tong matulog kesa sa akin eh.

Tiningnan ko yung relo ko. Wow! Lunch time na. nagluto nalang ako nun tapos ginising si Verzy.

“Verzy gising!” dinilat naman agad niya yung mga mata niya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hi-nug tapos pumatong siya sa akin.

“pinahirapan mo ako alam mo ba yun?” nandiyan na naman yung puso kong hindi ko ma kontrol-kontrol

“tara! Lunch tayo” tinulak ko naman siya nun tapos umalis agad ako mula sa pagkakahiga.

“pagkatapos nating kumain, mag-uusap tayo” tiningnan ko lang siya nun, tapos tumango umalis na ako sa kwarto ko sumunod naman siya.

Tahimik lang kaming kumakain nun hanggang sa matapos kami. Hinugasan ko na yung pinagkainan namin, nagbabagal nga ako ng kilos eh, incase mainip siya tapos maisipan niya umalis agad. Ligtas na ako diba?

“hanggang kailan mo ba balak banlawan yang mga pinggan?” kaso nga lang mukhang wa epek yungplanoko. Tss.

Pagkatapos kong iligpit yung mga plato, pumunta naman ako sa c.r

“hanggang kailan mo ba balak magkulong sa c.r” lumabas naman ako agad nun sa c.r

“mamili ka, mag-uusap tayo o r-rape-in kita” hindi naman ako nakasagot nun kasi hinila na niya ako papunta sa sala. Pinaupo niya ako nun sa sofa.

“ano bang problema mo? Bakit mo ba ako iniiwasan?” napayuko lang ako nun, kasi wala akong masagot sa tanong niya.

“ano ba?! Akala ko ba magiging girlfriend kita? Pero bakit parang nagiging stranger ata ang turing mo sa akin?”

“eh bakit ka ba engrossed sa relasyon natin. Eh nagpapanggap lang naman tayo eh” siya naman yung natahimik ngayon.

“ah… oo nga pala, NAGPAPANGGAP lang pala tayo. Pasensiya na, nakalimutan ko” nakalimutan? Anong ibig sabihin niya dun?

“kahit anong gawin natin, matatapos at matatapos din to. Kaya huwag na natin sanayin ang sarili natin” sabi ko tapos yumuko.

“tama ka” sabi niyang habang tumatango tapos namumula ang mga mata.

“sige pala, alis na ako” lumakad naman siya nang mabilis paalis ng bahay ko.

Hindi ko alam pero kahit na sinabi ko yun, iba yung nasa puso ko. Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko.

I’m hurt.

RUAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon