First kiss is Real

6 0 0
                                    

Jan 11 2016

nagkukuwento saakin si Simon na kiniss daw nya sa cheeks gf nya . hahaha hindi daw napigilan naka 6 daw sya sunod sunod . hahaha abat kinikilig pa ang lowku habang kinukwento saakin . XD

well kami ni JC . wala pa kaming kissing scene haha . kahit sa cheeks wala .. hanggang holding hands lang haha .

minsan nagpapaalam sya saakin kung pwede daw nya ako ikiss ??
kase kayang kaya na daw nya gawin yon . ayaw ko lang ..

pero kalaunan .. pumayag na din ako ..wala naman masama dun kase kami naman ee diba?! hahaha

-*-*-*

Jan 12 2016

hinatid nya ako sa bahay namin sakay kami ng tricycle . . duon kami naka pwesto sa loob . .

maya maya nung pababa na ako . . bigla nya ako kiniss sa cheeks . .

shems nagulat ako first time ko yun . tas medyo napangiti na rin ako . at ganun din sya ngumiti rin sya saakin at nagpaalam . .

ps:sa kanto lang namin ako bumaba dahil madale ng papa mo !!. hahaha hindi po kasi kami legal imsorry . . XD

-*-*-*-*

Jan 13 2016

Shems! may shooting kami ngayon . . at ang ganap ko ay among mayaman kaya nakihiram ako kay yna bespren ng dress . medyo maikli lang pero sakto naman saakin . .

hindi nga pala kami magkagroup ni JC kaya hindi kami magkasama ngayon .. pero yung tropa nya yung kagroup ko kaya masaya kami .

mga CHUGAling group daw kami hahaha

pagkatapos ng shooting namin .. napansin ni Jomar at ni Joshua . na maikli talaga yung dress ko

"oy ano ga yang suot mo ?! magpalit ka nga dun ng uniform . lalabas ka ng ganyan suot mo?! patay ka kay JC"- jomar(seryosong seryoso ang mukha na parang kapatid nya akong bunsong pinagsasabihan haha)

"kaya nga ! putang~ pasok dun magpalit ka ng damit"-joshua ( na parang tatay ko na hahampasin pa ko haha )

GRABETY?! CONCERNED . alagang alaga po ako ng mga kaklase kong lalaki ewan ko kung bakit??! ahaha nakakatouch :')

maya mya nagpalit na ko ng t shirt pinahiram ako ni yna bespren . .

"yan okay na . lalabas ka ng ganun damit mo"- jomar ( seryoso ang mukha)

napangiti na lang ako . hahaha

well ..kailangan namin mag edit ng video . . kaso kailangan ng groupmates ko ng wifi kaya naman .

medyo hapon na nung mga panahon nayon . . kase afterclass kami nag edit ng video . . pumunta kami sa bahay nina jabar para makiwifi you know . hahaha

hanggang sa .. . abutin na kami ng gabi sa bahay nina jabar kasama groupmates ko . .

sunod sunod naman ang text na natatanggap ko kay JC na tipong nag aalala na . .

JC<3:
oy?
oy?
mahal?
bebe?
taba?
nakauwi ka na ba?
oy?
gabi na aaa
nag aalala na ko sayo.
oy!
reply ka naman?
nasaan ka ba?
pupunta ako dyan
oy
oy?
oy
bebe
mahal na mahal kita.
ingat ka .
oy!

hahahaha grabe! andami ha . xD

"oy itext mo si JC papuntahin mo dito sabihin mo magdala ng pagkain"- jomar

"oh kayo na magtext haha"- ako (sabay abot ko ng phone ko kay jomar at joshua)

"akin na"- joshua (sabay hanggit ng phone saakin)

maya maya nagpanggap si joshua na ako ang katext ni JC . hahahaha puta! ang sweet ng loko . gagawin talaga lahat maka kain lang sila . .

after few minutes . . dumating na si JC . . Then tinabihan nya ako . .

"tara na umuwi ka na . ihahatid na kita sa inyo"-JC

at dahil gabi na talaga . pumayag na ako na umuwi at magpahatid sa kanya . .

nag iwan naman si JC ng 500 a mga groupmates ko para pambili nila ng foods . .

at yun . pumara na kami ng tricycle .

shems! madilim na talaga . !

doon ulit kmi naka pwesto ni JC sa loob ng tricycle .

"oh yan pagabi pa more!"- JC

"haha sorry naman"-ako

well hanggang kanto lang ulit namin ako hinatid ni JC . .

then nung pababa na ako . bigla nya ako hinalikan sa lips?! SHEMS pero smack lang

nanlaki ang mata ko . at alam kong kita nya yun . nabigla ako . first kiss ko yun . haha nakita ko namang nabigla rin sya . pero maya maya napatawa na lang kaming dalawa at yun .. nagpaalam na sya saakin .

at bumalik na ulit kina jabar sakay sa tricycle . waaah! grabettty! xD

first kiss is real !

-*-*-*-*-

few days later . .

sina JC naman ang may shooting with his groupmates sa park. and kasama ako kahit hindi ako belong! hahaha

and inabot rin kami ng gabi ng matapos shooting nila . .
kagroup ni JC si Ela kaya naman sa bahay namun tutulog ngayong gabi si Ela . .

nakauwi na akong mga kagroup nila .. at kami na lang nina JC Ela Aliya Gabbi ang natira . .

nakatayo kami ngayon ni Gabbi aliya at ako sa tabi ng kalsada nag aabang ng jeep . habang magkatabi naman sa swing si Ela at JC nagkukwentuhan sila at nakita kong nag pinky swear pa silang dalawa . haha ano naman kaya yun?? okay .

nag iintay kami ng jeep para makasakay si aliya . . kaso tumagal ng tumagal hindi dumarating yung jeep na pa San Juan

kaya napagdesisyunan namin na mag ambag ambag ng pera na pamasahe ni aliya para makauwi dahil malayo ang bahay nila at mahal ang pamasaheng sinisingil dun .

maya maya sumakay na ng jeep sina Gabbi at Aliya . si gabbi na daw bahala maghatid kay aliya sa sakayan . kaya yun nagpaalam na sila

napag desisyunan naming tatlo nina Ela at JC na umuwi rin kasi medyo gabi na rin . haha

pumara kami ng tricycle at sa loob ulit kami nakapwesto ni JC samantalang si Ella sa labs ng tricy nakaupo . .

teka parang alam ko na ang mangyayari aaa .

at hindi ako nangkamali .
pagdating namin ng kanto namin . bigla akong kiniss ulit ni JC sa lips pero hindi smack . tumagal ito ng 2 sec. ngumiti na lang ako sa kanya at nagpaalam na din ito . umalis na sya sakay paring ng tricycle na yun pabalik sa bayan . hahaha . .

agad ko naman ikinuwento kay ela ang nangyari . pagkababa namin ng tricycle . abat tuwang tuwa ang luka . hahaha

sana ako nalang :(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon